Pebrero 1, 2008

Tunay na Pag-ibig...

Mga minamahal kong mambabasa...charing! he,he nagpapacute lang po ako! Para sa inyong kaalaman meron nanaman po tayong isang masugid na taga-subaybay na nagbahagi ng kanyang talento sa pagsulat at karanasan sa pag-ibig. Nakakalungkot, may mga ganito pala talagang relasyon, bakit kaya ganun mahal nyo ang isat-isa pero bakit hindi pwedeng maging kayo? O pag-ibig na makapangyarihan...bakit ka nakakalito?!he,he

Bago kayo maburaot sa akin, ayan na po simulan nyo na ang pagbabasa at sana ay may mapulot na kaming makabuluhan sa inyong mga komento.
------------------------------------------------------------------------------------------------------

tunay kong pag-ibig..


Isang pagpapakilala...
Ako'y mula sa isa sa mga progresibong lalawigan sa Luzon. Midtwenties, may asawa, isang anak na babae, di mayaman, di naman din mahirap, isang yuppie sa loob ng economic zone. Ang mga magulang at kapatid ko ay nasa ibayong dagat, mga migrante. Tahimik, mapayapa, kuntento... tapat paglalarawan sa buhay na mayroon ako.
Mga naiisip...
Pag-ibig... napakalalim na konsepto. Masasabi ko na maaga akong namulat sa mga kaisipan tulad nito. Ang aking mga kaibigan at kabarkada ay tatlo o apat na taon ang tanda sa akin kaya't sa panahon na ako ay dapat nakikipaglaro pa sa mga kaklase ko sa elementarya, kasakasama na ako sa mga gimik ng aking "hayskul friends". Sadyang malakas ang impluwensya ng mga kaibigan. Peer pressure ang nagtulak sa akin na humanap ng pag-ibig sa mundong di naman ako nababagay. Ang una kong pakikipagrelasyon ay noong ako'y nasa ikaapat na baitang pa lamang. Ang aking biktima (marahil ako ang biktima at hindi siya) ay nasa ikalawang taon sa hayskul. Kung iisipin ay wala naman kinahantungan ang lahat. Isa lamang yung desperadong galaw upang maging bahagi ng grupo... mababaw na pagtingin sa pag-ibig.
Maraming mga relasyon na dumaan. Mga kaibigan na naging higit pa sa kaibigan, mga kakilala na kinaibigan at inibig, mga babaeng gusto ng nakakarami na kinaibigan, kinarelasyon bilang tropeo, at inibig... Yan ang hayskul, panahon ng pag-eexplore sa mga bagay bagay. Sa puntong ito, dalawa lamang ang motibasyon para humanap ng makakapareha. Ang una ay ang ideya na hangad mong maranasan ang tunay pag-ibig at ang ikalawa ay ang pagpasok sa isang sekswal na relasyon kung saan mo matututunan ang "birds and the bees".
Kadalasan, hindi naman talaga tayo umiibig sa ating karelasyon. Maraming dahilan akong ginamit noon upang mabigyan ng sapat na dahilan ang aking mga "flings". Sabi nga nila, "I was only in love with the idea that I was in love." Nasarapan sa pakiramdam ng may ka-holding hands while walking, may ka-rubbing shoulders ba. Kung minsan, may "added perks" din ang pakikipagrelasyon. "Convenience" will always be a factor. May taga gawa ng assignment, libreng meryenda at pamamasyal paminsanminsan (oo na, balahura akong BF) at kung ano ano pa. Meron din naman na ang tanging dahilan ko lamang ay "matikman" ang dilag na pinagnanasaan ng marami. Minsan nakakatikim, minsan hindi. Nakukuntento na lang sa kwento ng mga nakatikim (daw).
Ang tanong.. Naranasan ko na bang umibig? Marahil.. Maraming dumaan na babae sa aking buhay. Mayroon akong mga niloko, at meron din naman nanloko sa akin. Pero may isang tao na laging bumabalik sa aking isip.. Nagpapatibok ng aking puso.. Nagpapangiti sa akin ng walang dahilan.. Si misis? Hindi no..
Don't get me wrong.. Mahal ko ang aking asawa. Pero di siya ang tunay kong pag-ibig. Magulo? Oo. Pero yun ang katotohanan. Ang tunay kong pag-ibig ay nariyan lamang sa tabi tabi, kasama ang kanyang asawa at anak. Best friend ko siya.. Naging kami.. Nagkahiwalay.. Pero best friends pa rin. Nakakatawa man o nakakainis, ganoon talaga.
Siya ang tunay kong pag-ibig. kapag kasama ko siya, parang di umaandar ang oras. Nararamdaman ko ang tunay na ligaya kapag nagkukuwentuhan kami. Nawawala ang mga problema kapag nagkikita kami. Parang kami lang, walang asungot, walang inaalala. Sa puntong sekswal, nararamdaman namin sa isa't isa ang tunay na pagpapalaya ng kaluluwa. Pero sadyang di kami para sa isa't isa. Meron talagang mga bagay na kahit pag-ibig ay di mapupunan. Gayun pa man, masaya kami sa kung anong meron kami. Best friends pa din, minus the sexual escapades.. Nagkikita pag may oras.. Di nga lang alam ng mga asawa namin.. adulterous.. di naman siguro.
Mahiwaga talaga ang pag-ibig. Pero kahit gaano pa ito ka perpekto, kung minsan 'di ito nagiging sapat..
Isang pamamaalam at pasasalamat..

Apollo

4 (na) komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

anoba ito? xerex xaviera column? aliw hehehehe

William Buenafe ayon kay ...

Ang mahirap kasi sa ating mga lalake eh tanggap natin at ok sa atin ang idea ng pagsawsaw sa ibang ulam, pero masakit kapag ang asawa na nating babae ang siyang gumawa nito, Bwhahahahaha yan ang tunay na komplikasyon, AMININ :-))

Unknown ayon kay ...

korek! aminin!?

jay_panti ayon kay ...

maKiKisawsaw lang po dito. Ok pala site mo... very educational. :-)