Kaya nagulat ako nang mabosesan kong si J pala ang tumatawag long distance galing sa
Kaya nga pati ako eh minsan nabihag niya! Hahaha o siya ang nabihag ko? Hindi ko alam, pero malamang dahil lalaki siya, ina-assume niya na ako ang nabihag niya! Ang alam ko 19 years old pa lamang siya noon, nag-aaral pa second year sa kolehiyo at ako naman teka hindi pa naman ako katandaan ng mga panahong iyun 25 years old! Bata pa naman diba?
Habang nasa samar ako para sa isang project nakilala ko siya sa isang bar na madalas niyang tugtugan noon. Dahil school mate ng mga kakilala ko pinakilala sa akin. Natuwa naman kasi ako sa kanya! Gusto ko kasi ang mga alternative songs na madalas niyang kantahin at maloloka ka sa kakulitan niya sa stage.
Hmm, hindi ko alam kung anong approach ang sasabihin ko noong pinakilala sa akin, parang gusto kong sabihin “ah bayad na ba tuition fee mo? Ha,ha parang sugar mommy naman ata ang dating ko? Pero yun ang naging biruan namin ng mga kasama ko, kasi sobrang bata niya kumpara sa akin na may anak na ng mga panahong iyun. Kinabukasan txt mate na kami, nagkayayaan na magkita sa isang lugar, tapos dun na nagsimula ang lahat parang naging kami na rin?
Ewan ko kung ano tawag sa ganoong relasyon, basta madalas sa apartment ko na siya umuuwi pagkagaling sa eskwela. Pero alam kong may mga girlfriend siya ng mga panahong iyun, naku tatlo ata noon at ewan, kung isasama ko sarili ko pang-apat ako?! Kaloka! Pero dahil hindi ko naman inisip na mag-syota kami, hindi katulad ng iba niyang girlfriend na nabobola niya o nagseselos kapag may kasama siyang iba. Para sa akin tipong kaibigan ko lang siya at kasama na minsan taga-aliw din para naman hindi ako mabored habang nasa lugar na iyun. Alam din naman kasi niyang may ka-live-in at anak ako sa Maynila.
Kaya, ganun ang arrangement namin, hindi naman gamitan… wala lang tipong kapag magkasama kami enjoy naman kami pareho. Kapag kailagan ko siya nandyan siya, at kapag siya naman ang nangangailangan ng tulong ko nandun din ako. Madalas ko siyang kasama sa mga field work ko, pinagdrive niya ako ng motor halos naikot ata namin ang samar at leyte sa pamamagitan ng motor ng mga panahong iyun.
Madalas nga absent na siya sa school dahil sa palagi naming paglalakwatsa. Pero ayos lang, dahil sa madalas na biyahe naming ayun na discover siya ng isang banda at binalak siyang i-pirate sa mga dati niyang kasama.
Dun nag simula ang malaking pagbabago sa buhay niya kailangan niya nang mamili kung magtatapos ba muna siya ng pag-aaral o sasama na sa mga gig ng bago niyang banda sa ibat-ibang parte ng Pilipinas? Pinayuhan ko siya, ewan kung yun ba ang tama, sinabi kong sumama na lamang siya dahil yun na ang pagkakataon niyang maka-alis sa lugar na kinalakhan niya na medyo malayo ata ang pag-asenso. Dinagdag ko pa na kung ga-graduate siya malamang pagkanta pa rin ang babagsakan niya dahil yun ang passion niya sa buhay. Sayang ang opportunity na lumapit sa kanya, kaya ayun sumama siya sa banda at iniwan ang pag-aaral, buti pumayag at naintindihan naman siya ng mga magulang niya.
Pero bago siya umalis nagpaalam naman ng maayos, medyo nalungkot din ako dahil nasanay na rin akong kasama siya. Buti nalang naisipan ng patner ko na sumunod na sa akin sa
Na miss ko rin naman siya in-fairness, at na miss ko rin ang madalas na pagpunta ng GF niya sa apartment ko para awayin siya he.he.
Kulit namin ng mga panahong iyun! Nabalitaan kong nakarating na siya ng
Hmmm can I post his pic? sana walang magalit ;-)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento