Enero 30, 2008

KAILANGAN NA NGA BA?

May isang ama na masugid na taga-subaybay ng blog ko ang nagpadala ng kuwentong ito sa akin. Mahirap na tanong at kahit ako hindi ko rin kayang sagutin ang katanungan niya, sana makatulong ang mga komento ninyo sa kanyang magiging desisyon. Kailangan na nga ba? Ano sa palagay nyo?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anak: Alam mo Dad, hindi ko na talaga kayang makitang lumuluha ang Mommy. Humihingi siya nang tulong sa akin. Hindi na raw niya kayang makisama sa iyo.

Dad: So ano ang desisyon mo anak?

Anak: Palagay ko para manahimik na ang Mommy at para hindi na rin kami masaktan ng kapatid ko kapag nakita namin siyang umiiyak, dapat na lumipat ka na nang matitirahan. Puwede ka naman naming bisitahin kung saan ka man titira na.

Dad: Sa iyong palagay, yun ang tama kong gawin? Ang iwan ko kayong pamilya ko? Oo , marami akong pagkakamaling nagawa laban sa Mommy mo. Marami akong naging kasalanan sa kanya. Pero, ayaw kong magkahiwalay tayo. Mahal ko kayo? Sa palagay mo ba’y pareho rin ng idea ang kapatid mo?

Anak: Bakit hindi mo siya tanungin?

Dad: Hayaan mo anak at gagawin ko. Inirerespeto ko ang desisyon mo bilang panganay kong anak. But I’m just hoping that before you came to that decision, you already have weigh things and thought about it.

Iyang ang maikling pag-uusap namin nang aking panganay na anak kaninang magkita kami sa opisina nang aking kliyente sa trabaho for a meeting. Nag-o-OJT siya sa kumpanyang iyon. Kumirot talaga ang puso ko sa binitiwan niyang mga kataga….”dapat lumipat ka na nang matitirahan.” Kailangan nga bang umalis ako sa aming tahanan? Iwan ko ang aking pamilya?

Marami ang nagsasabi na maraming nagagawang kabutihan ang paghihiwalay na hindi ko maintindihan. Kailangan nga bang maghiwalay ang mag-asawa kung hindi na sila masaya sa piling ng isa’t isa? Kung ang pag-ibig na kanilang pinagsumpaan nuong sila’y ikinasal ay napalitan na nang galit? Kung ang tiwala nang isa sa kanila ay naglaho na?

Mahirap kasing tanggapin na matapos ninyong pagtiyagaan ang pagbuo ng isang pamilya, sa hirap man o ginhawa, kapag nagkamali ang isa, eh paghihiwalay na agad ang dapat na solusyon. Parang napakahirap gawin ang bagay na ito. Ibig nang utak kong sundin na ang suhestiyon ng aking panganay na anak ngunit tumatanggi ang aking damdamin. Sila nang kapatid niya ang pumipigil sa akin noon pa. Ang pagmamahal ko sa kanila ang siyang pumupuno sa mga kulang sa aking buhay. I know in my heart na mahal ko ang Mommy nila nguni’t may mga bagay na nakapagpapaligaya sa akin ang hindi niya maibigay. Maaari talagang mayroon akong problemang psychological na hindi ko maipaliwanag nang maayos. Na hindi ko puwedeng sabihin sa kanya nang diretso. Akala ko nuong ikasal kami sa huwes at tapos sa simbahan, talagang naruon ang pangakong “for better or for worse….till death do us part”….Hindi pala.

Habang ginagawa ko ang maikling kuwentong ito ay sinasabayan ko na nang pagmumuni-muni. Kailangan na nga ba? Ano na nga ang dapat kung gawin? Kailangan na nga ba? Ito na nga ba ang kailangan kong gawin?

Kung sakali man na hindi mag-iba ang ihip ng hangin, hiling ko lamang na sanay hindi magbago ang pagtingin ng mga anak ko sa akin.


Signed,

DAD

3 komento:

Unknown ayon kay ...

Sa nagpadala:

Tama ka dyan!
Kasi kahit ako yun din ang pinakamalaking mistake na
iniiwasan kong gawin at mangyari. Mahirap sa mag-asawa
ang naghihiwalay, para sa akin walang sapat na dahilan
para gawin iyun, isipin nyo nalang sa tagal ng inyong
naging pagsasama, maraming problema na rin ang
napaglabanan nyo. Siguro maliit na bagay na lamang
kung ano man ang hindi ninyo pinagkakaunawaan sa
ngayon, kumpara dun sa mga problemang nabigyan nyo ng
solusyon noon.
Lalo na ngayon, tumatanda na ho kayo (no offense) at
ang mga anak ninyo. Siguro higit kailanman ngayon
ninyo kailangan ang isat-isa, baka kaya umiiyak ang
asawa ninyo kasi iyun ang malaking kinakatakot nya ang
maghiwalay kayo.

Siguro kulang lang kayo sa communication, kung babae
problema ninyo pwede naman sigurong kausapin ang misis
nyo tungkol dun, kailangan nya lang ng assurance na
hindi ninyo siya iiwanan lalo na ngayon. Kung pera,
imposible naman, kasi may mga trabaho at malalaki na
mga anak nyo. Kung ugali nyo naman, bakit ngayon lang
siya magrereklamo sa tagal na ng pagsasama nyo? Pero
kung yun ang dahilan siguro kailangan nyo lang baguhin
ng kaunti.

May solusyon ang bawat problema, huwag na ho sana
ninyong palakihin pa sa paghihiwalay. Mahirap ho na
umalis kayo sa bahay ninyo, mas mawawala ang chance na
maayos ulit ang pamilya nyo, kailangan nyo lang
kausapin ang wife nyo. Konting lambing lang siguro, at
pag-amin sa mga pagkakamali at paghinge ng patawad.
Walang mawawala sa atin, pride lang pero mas maganda
naman ang magiging kapalit.


Goodluck po sir!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Hay naku ang hirap ng ganyang desisyon,,kaya nga ba ayokong mag asawa eh hehe,joke lang. anyways, i dont why, i dont know the reasons why humantong sa ganong point ang statement ng asawa mo. "Hindi na raw niya kayang makisama sa iyo", it's either bad or good. Bakit nga ba nya nasabi yun?? hmm baka naman ano ha..hehe..I dont know the whole story kaya i cant judge you or asawa mo. It's not dealing with your wife, with your kids, but dealing with the situation. IF kayang isalba ang pagsasama why not do it. Pero if kung patuloy naman ang relasyon may tension naman sa loob ng haws at may hindi pag kakaunawaan not good for me. Have a sit with you wife, talk a while and have nescafe hehe. ano nga ba talaga ang problema??

Just take it positive sa sinabi ng anak mo. Lets say sinabi nya yun dahil alam nya siguro na mas ikaw ang mas makakaunawa at may mas malawak na pag iisip. I admit na ang mga babae ay very emotional kaya kung minsan eh iniiyak na lang namin kesa pag usapan..wink

hay naku ma ala charo santos hehe, hindi man maganda ang payo pero everything happens for a reason..

William Buenafe ayon kay ...

Since ako ay isang Dad din, ang masasabi ko lang eh walang kahihinatnang mabuti ang pakikipag tigasan. Kung talagang mahal mo ang iyong asawa at mga anak ay igagather mo sila all at luluhod ka at hihingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang mo at handa ka ng magbago, at tuparin mo ang iyong pangako. Hindi ko na kailangang malaman ang buong kwento ng buhay nyo dahil sapat na ang pagiging Daddy ko rin para more or less ay malaman ang dapat mong gawin. Iyon eh kung tunay ka sa sinabi mong mahal mo ang iyong asawa at mga anak o baka salita lamang ito.