Pebrero 3, 2008

Itlog at Mani?!

Very Educational (ang mga natutunan sa skul)

Hmmm..Sobrang nabigla talaga ako sa pamangkin kong babae. Weekend kasi kaya nasa bahay silang magkapatid. Grade one na siya sa elementary at sa tingin ko eh marami nga naman siyang natutunan sa skul (sana nga lang).

Naglalaro sila ng anak ko nang maagaw ang atensiyon ko sa sinabi niya. "Hala sige mababasag ang itlog at bibiyakin ang mani mo!" sabi nya sa anak ko. Huh?! itlog at mani?? Tinanong ko siya ko ano ang itlog at mani, sabi nya ang peps (pekpek) at etits (titi). Hindi naman ako nagtataka kung saan niya nakuha ang mga salitang iyon, pero gusto ko pa din malaman kaya nang tanungin ko, eto ang kanyang very well explanation: "Nakuha ko at narinig iyon sa titser ko, kasi sabi nya sa classroom, ang maiingay na lalaki babasagin ko ang itlog at ang mga babae ay bibiyakin ko ang mani". Hahaha napatawa talaga ako. Iyun naman pala eh, tamang hinala ako ah kasi ang nasa isip ko ay narinig nya iyon sa mga tambay sa kanto o sa mga kapitbahay.

Iba na talaga pala ngayon sa mga eskwelahan, very educational ang mga natutunan, sana isama naman nila ang mga chuva ekek chenes etiklabu churvang lesson diba? hehehe. No wonder kaya first honor ang pamangkin ko kasi marami nga naman talaga siyang natutunan sa skul. Kaya kayo mga bata, mag aral ng mabuti at huwag maingay sa klase or else, babasagin ni titser ang mga itlog nyo at bibiyakin ang mani..


contributed by: Athena

4 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bwhahah! lokong titser yun ah..

foobarph ayon kay ...

the best term!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ay itlog!!! Nakakatuwa naman itong post na ito. Mani at itlog lubhang mahiwaga.hehehe.

William Buenafe ayon kay ...

Alam kaya ni Titser na masama ang magtapon ng pagkain, dapat pag nabasag ang itlog eh batihin ito at gawing scramble egg para walang masayang. Mas masarap kung sasamahan ng konting sibuyas at kamatis ang scramble eh, sabay sabay niyang batihin ang itlog na nabasag plus sibuyas plus kamatis.
Ummmmm, sarap ginutom akong bigla ah! :-)