Abril 15, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold

“to deny our own impulses is to deny the very thing that makes us human”
-Cypher, The Matrix Reloaded


Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa kama. Katatapos lamang ng hapunan na inihanda ni Reynaldo, kaunting hasheesh session at indakan saliw ng musikang makapagpapaindayog ng iyong katawan at gigising sa mga natutulog mong laman.

Sabado ng gabi noon and I am little bit of tipsy na, bago ako pumunta sa sa isang kalye sa Cubao. Sumaglit muna ako sa isang bar sa Tomas Morato, uminom ng tatlong bote ng serbesang…bang…hulaz na ang lolo mo.

Pumara ako ng jeepney.

“Manong dadaan kayo ng New York?” natatawa kong tanong kay manong drayber.

“Oo, sige pasok lang… araw-araw ginagamit yan!” sagot ng drayber.

Tingnan mo nga naman ang panahon ngayon kung ultra-conservative at first wave feminist ka eh mao-offend ka sa nasambit ni manong. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon pero inisip ko na lamang na baka pampawala lang niya iyon ng pagod sa ganoong klase ng trabaho. Subconsciously ayon kay papa Sigmund Freud, mga frustrations natin ang pinanggagalingan ng mga biro.

“Siguro, gusto ni manong ng masikip?” wika ko sa sarili.

Lampas kuwarenta na siguro ang edad ni manong, halata pa ito sa hindi pagputi ng kanyang buhok unless nagtitina ang mokong.

“Manong bayad po, pakibaba na lamang po… sa New York lang” natatawa kong sabi sa manong drayber.”

Baba ng jeep.

Tawid sa kabilang kalsada.

Nagtanong kay manong guard kung saan ang unit ni Reynaldo Matabungkay.

Nag-iwan ng ID. Pasok sa lobby. Doorbell sa pinto ng unit. Hoala! Pasok sa banga.

“Asan sila, Rey?”…patutsada ko.

“Yung lima hindi makakapunta.” malungkot na sagot ni Rey.

“Napaka-spontaneous mo naman kasi, anung nilaklak mo at one day notice nagyaya ka
dito sa inyo?” pangungulit ko sa kanya.

“Huwag ka na lang magtanong, enjoy the moment nalang, umakyat ka sa taas at pakibaba yung aso, hindi ako makapagconcentrate sa pagluluto kung puro tanong ka dyan.” wika ni Rey

Pag-akyat ko sa taas may dalawang kwarto, hinawakan ko ang doorknob ng unang pinto nakalock, kinatok ang pangalawang pinto at may biglang tumahol. Bukas ang pinto kung kaya pumasok nalang ako.

Biglang may sumunggab sa akin at pinagdidilaan ako sisigaw na sana ako ng rape ng magkaroon ako ng ulirat na si Jupiter pala iyon, ang asong Labrador ni Reynaldo. Maputi, malaman, at malaki ang katawan ni Jupiter. Habang nakikipagbuno ako kay Jupiter, napansin ko ang mga libro sa aparador History of Sexuality ni Michele Foucult ito kaagad ang kinuha ko dahil sa makulay nitong pabalat.

Bumaba kami ni Jupiter. Binigyan siya ng dogfood ni Reynaldo at tahimik na kumain ang sa sulok.

“Nakakalungkot naman. Bakit daw hindi sila makakapunta” tanong ko ulit kay Rey.

Minsan lang mangyari ang mga ganitong eksena sa buhay naming magkakaibigan. Wala nga lang si Javier, Randolph, Juanito, Alvin at Norman. Busy sa kani-kanilang lakaran.

Si Javier na schoolmate ko noong college ay busy sa kanyang muay thai at anu-anu pang physical activities. Si Randolph naman ay may speaking engagement tungkol sa kasaysayan ng komiks sa Filipinas sa Ateneo de Manila kasama siya kasi sa panel of discussant. Si Juanito naman ay kaeskwela ko din at ka-banda dati sa ethno-punk-earth music na tugtugan at may gig a Libis noong gabi na iyon. Si Norman, may shoot at dakilang PA (putang-ama este Personal Assistant ng isang kilalang artista sa isang kilalang network. Nagbabakasyon naman daw ngayon sa Ibiza, Spain si Alvin, kasama ang kanyang partner na pensionado ng gobyerno ng Espanya.

“Si Alan at Harold lang ang pupunta!” sagot ni Rey.

“Sigurado ka bang pupunta sila? Baka masayang ang Chicken Pork Adobo, Chopsuey, Fettucini at dalawang bote ng Merlot mo? Si Harold pa e pathological liar yun!” buwelta ko.

Tumunog ang doorbell.

“Baklaaaaaaaaaaang Reeeeeeey! What’s the menu!” iskandalong wika ng halimaw na nasa labas.

Si Alan… naka-E- na naman. Kagagaling lang sa West Burgundy, Makati Ave. with fashionate este passionate friends, siya ang source namin ng Pink Films, Art Films at iba pang out of this world films. Siya din ang vocal sa queer theory kasama si Harold noong mga nasa college pa kami at nakikipagdebate sa Luneta.

“Nasaan si Mama Amor ko Jeremy?” interrogate ni Alan.

“Neng, mahirap kasi nasa security firm di ba. Hindi ako nakasama sa team nila Amor e, front line sila back-up lang kami sa panibagong project na binigay kaya PO (pull-out) muna kami andun sila nakatengga (stake-out) sa vicinity ng subject” walang pag-aatubili kong sagot dahil baka magtampo siya.

Isa sa mga impluwensiya ni Amor si Alan kaya ganun siya mag-isip, napaka-Liberal, kulang na lang eh, sumapi sa Liberal Party ang lola mo, pero di niya Beth Tamayo ang maging partidista.

“Baka sa susunod ako na i-pasurveillance ninyo ha?” biro ni Alan.

“Baliw!” sagot ko.

“Kain na tayo, I’m starving!” pangungulit ni Alan.

“Teka, bakla antayin natin si Harold.” sabat ni Rey.

Biglang bumukas ang pinto.

“Raid ito!” panggugulat ni Harold.

“Mga bakla kayo, wag ninyo iiwan bukas ang pinto. Security conscious dapat kayo, uso
pa naman ang mga chinuchigi na Vaklush ngayon” dagdag pa niya.

“Hindi naman ako bakla eh.” depensa ko.
“Opinion noted?!” sabay tingin kay Alan ni Harold.

“Noted!” sagot ni Alan.

“Patay, nag-joint force na ang dalawa.” wika ko sa sarili.

“Tara, lafang na!” putol ni Rey.

Forte talaga ni Rey ang magluto. Kaya siguro hindi siya ipinagpapalit ng partner niya na architect sa isang kilalang construction firm sa Makati dahil “there’s something to hold on”. Ang alam ko kasi napaka-fluid ng homosexual relationships, napaka repressive ng monogamous set-up. May ilan taon na din kaming nasa experimental stage na open-relationship ni Amor but I maybe a hypocrite not to disclose na may mga bitterness aspect pa rin kapag nalalaman namin na may “the other” ang isa.

Sinubukan kong basagin ang katahimikan.

“Magtayo kaya tayo ng negosyo!” wika ko habang ang bawat isa ay tahimik na ninanamnam ang pagkaing niluto pa ng mga anghel para sa kanilang panginoon.

“Catering!” nagkatinginan si Rey Harold at Alan, nagsama sa isang frequency.

“Mabusisi, neng…” pag-aatubili ni Harold.

“At least tayo ang mangangasiwa ng negosyo.” sagot ko.

“Mutuality ang basehan, sampal sa kapitalismo, hindi ba kayo nagsasawa sa pagiging waged slave!” dagdag ko.

“Anong pinagkaiba mo bakla sa mga micro-entrepreneurs at mga small and medium enterprises, doon naman nagsimula sila Henry Sy at Lucio Tan ah?” buwelta ni Harold.

“Anu ba kumain lang nga muna kayo, sabi ko sa iyo Jeremy kanina diba, enjoy the moment lang, wala na munang debate, tigil muna natin ang intellectualization at theoritization” wika ni Rey sabay salin ng wine sa baso ng lahat.

“Hindi naman theoritization ang sinasabi ko eh, practicalization na!” habol ko.

“Kahit na anong theoritization at practicalization ninyo…hindi pa rin magkakaroon nang rebolusyon” pangungutya ni Alan.

“Paano naman napunta sa rebolusyon, bakla!” sabay inom ko ng wine.

“You are leading to it, so I bombed the bridge!” sabay bigay ni Alan sa akin ng wing part ng chicken adobo.

“Nagkakasundo naman siguro tayo we deserve more than in this life di ba or at
least…?” sabay kagat ko sa chicken wing.
“Natatandaan niyo ba yung movie na The Matrix doon sa first installment ha… may
eksena doon na pumunta si Neo kay Oracle tapos may nakitang Young Monk si Neo na
nagbebend ng spoon kinuha ni Neo yung spoon at sabi noong Young Monk…“do not
try and bend the spoon—that’s impossible.”… hawak ni Alan ang isang kutsara… “instead, only try to realize the truth.” “what truth?” tanong ni Neo “there is no
spoon.” Ohh… di ba… tumbling… echozera yung monghe.patutsada ni Alan

Natahimik ang lahat maliban kay Alan.


“You do not truly know someone until you fight them.”
-Seraph, from the film The Matrix Reloaded



(akda ni Joshua salcedo)

2 komento:

Unknown ayon kay ...

parang bitin? infairness na miss ko ang mga bakla! hehehe galing naman!

goyo ayon kay ...

nag-update din! :))