Pebrero 12, 2009

ANG MGA ADAN NI EBA

Whew! Iba na talaga ang powers ng mga kababaihan ngayon. Lahat ng mga nagagawa ng mga Adan eh nagagawa na din ng Eba. Siguro nga ay dahil ang mga Eba ngayon ay matatawag nating modern women.

Ang mga kapwa Ebang nakilala ko eh lahat mahahaba ang hair. Alam nyo ba kung bakit? Hindi dahil sila ay successful sa career kung hindi dahil sila ay madaming Adan! Alamin natin…

Eba #1 – Hindi siya kagandahan pero sa totoo lang, ang dami niyang Adan! Minsan inaya niya akong lumabas at nag kakwentuhan kami, na pro-problema siya dahil hindi nya alam kung sino talaga ang pipiliin niya (haba nga ng hair nya). Dahil hindi lang dalawa o tatlo ang kanyang Adan kung hindi 4 na Adan! Wow! Anong gayuma ang gamit mo, tanong ko pa sa kanya dahil tulad nga ng nasabi ko kanina eh hindi siya kagandahan! Sabi ko na lang siguro ay nababaitan sa kanya. At in fairness, lahat yun ay seryoso. Sabi nga niya, just go with the flow, kung ang mga lalaki nga nakukuha na mag karoon ng madaming babae, why not us? (hmm she has a point). Try na niyang makipag hiwalay pero ano daw magagawa niya, ayaw nilang lahat! Single naman siya, at lahat naman ng mga Adan nya ay puro single din. Hindi ko alam kung paano niya nahahati ang oras niya. Pwede bang lahat ay mahal mo? Tanong ko pa, pero ang sabi nya siguro dahil lahat ay mahal nya. Nakakaloka. Naguluhan talaga ako. Masaya naman daw siya at lahat ng mga Adan nya ay mahal na mahal siya. Gusto ko tuloy siyang sakalin, feeling ko tuloy ini-inggit niya ako dahil ako ay isa pa ding single!

Eba #2 – Tawagin natin siyang United Colors of Benetton dahil parang halos lahat ata ng nationality eh gusto niyang tikman. Siya ang Eba na hindi ko akalain na madaming Adan! Dahil sa tagal tagal na pagkaka- kilala ko sa kanya, siya ang tipong one man-woman. Pero nang mag ka-usap kami sa chat sa internet, nalaman ko na 4 din ang kanyang Adan! Ang isa ay Indian, Mexican, australiano at pinoy! Oh diba san ka pa! Ang sabi pa nya ay nag tataka at nag tatanong siya dahil dati ay hindi daw siya ganon, muntikan na nga daw siya mag madre noon (ah ewan ko, tanungin daw ba ako?) Naka schedule daw ang kanyang mga Adan, pero in fairness, isa lang dun ang serious for her, malapit na siyang ikasal dito and the rest e..wala lang.. hehe, kasi ang motto nya kung sino ang unang mag alok ng kasal sa kanya, yung ang seseryosohin niya..oh isa pa din mataray ang isang to!

Eba #3 – Siya? Wala lang. Ang reason lang nya eh, ayaw na niyang mag sersyoso sa pag-ibig. Nabigo na kasi siya. Kaya ngayon, collect and collect lang siya! (revenge ba ito sa mga Adan?) Maganda siya pero sayang nga lang at nabigo sa pag ibig kaya ayun, wala ng tiwala sa mga Adan! Sinusumpa niya ata ang relasyon, dahil sa tuwing nakakakita siya ng mga lovers, sinasabi nya na mag hihiwalay din daw yun balang araw! (mas masahol pa ang bitterness niya sa akin!) Sabi pa nga niya “I've got everything I need and I'm not one of those women who thinks a man is the answer to everything, ” (pang awards ang linya nya!)

Eba #4 – oh well.. siya ang kaibigan ko na raining men. Kung nag paulan ang Diyos ng mga lalaki para sa ating mga Eba, may dala siyang malaking palanggana pang sahod. Para siyang pulis o military, kahit san mag punta may Adan! Kahit na may partner siya eh madami pa ding Adan! Hindi ko alam kung gusto lang ba nya ng ibang ka-sex or thrill lang hanap niya. Hindi naman seryoso lahat dahil mahal pa din nya ang partner nya at laging safe sex (dapat lang noh). At in fairness honest din siya sa mga lalaki na may partner siya. Eh bakit nga ba nag hahanap pa din siya ng ibang Adan? Sabi nga ng mga lalaking maraming babae, parang putahe daw, nakakasawa ang araw araw na pagkain (kala siguro ng mga lalaki sila lang ang pwede mag dialogue nun). May ganung level? Malakas lang daw ang sex appeal nya! (tingin ko tuloy nag dro-droga siya! Hehe). Sabi ko nga buti na lang at magaling siya mag tago sa partner nya. Hindi naman daw araw-araw (nangangatuwiran pa!) Sabi pa niya, mag sasawa din daw siya at habang andito daw tayo sa mundo why not try everything we want, we only live once.

Sabi pa nga ng isa kong kaibigan na mag pa-pari, si Eba ang kumagat ng mansanas kaya tayong mga babae ang talagang makasalanan (haler! Eh kung siya kaya ang kagatin ng Ebang gaya ko?, itutuloy pa kaya nya ang pagiging pari?). Ang hindi alam ng friend ko na kung hindi dahil kay Eba ay malamang wala siya ngayon dito sa mundo.

Ganito talaga ata ang buhay. Tayong mga Eba sadyang kakaiba. Sabi nga nila, sala sa lamig sala sa init. Gusto lang naman nating maranasan ang totoong buhay…ang realidad. Hindi tulad sa mga fairy tales na kapag nakita mo na ang prince charming mo, mag papakasal kayo and you lived happily ever after!

Pero sa totoong buhay, ay hindi. Tayong mga Eba ay puno ng kahiwagaan, kaya nga mahirap din tayo spelling-in diba? Gusto lang naman natin i-express ang ating karapatan..ang ating sarili. Mali ba yun?

Tandaan nyo na lang na in every man’s success, there’s a woman behind…this is based on…Experienced!Teka parang far out ata? He,he

ni athena



3 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

parang kilala ko ang mga ito a. mga hitad kayo hahaha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

lol...pasaway ka randy! Sino ba yang mga yan?

Unknown ayon kay ...

HAHAHAHA, gusto kong magreact ha! its raining men talaga pero walang droga promise!!!natural na ganda lang ito ate!