Enero 15, 2009

Clone nyo ko pls!

Oo as in mahirap with capital M ang maraming commitment sa buhay! Ang hirap maging working mom at maging breadwinner ng dalawang pamilya. Kung meron mang superwoman siguro ako yun! Hayz, ilang beses na rin akong muntik mawala sa katinuan sa dami ng mga inaasikaso ko sa buhay. At oo gusto kong maging legal at magkaroon ng human cloning, dahil nangangailngan ako ng limang clone ng sarili ko.

Isa para sa mga anak ko, para naman fulltime ang magiging pag-aasikaso ko sa kanila at magabayan ko sila sa kanilang paglaki. Marami na rin akong namiss na mga events at mga importanteng pangyayari sa buhay ng mga anak ko. Katulad ngayon, kasama ang daughter ko sa parada dahil firts time nyang mapapasali sa isang activity para sa fiesta (irarampa nya ang kanyang gandang mana niya sa nanay niya!) At syempre dahil kailangang magtrabaho at kailangan din naman ako sa trabaho nasa opisina ako sa halip na kasama ang anak ko.

Pangalawa para sa partner ko, oo na sige na kahit sabihin nyo pang hello?! siyam na taon na kaming nagsasama ng bf ko at malapit nang maging isang dekada. Gusto ko pa rin pong kasama oras oras ang BF ko! huwag na umangal, alam ko ganyan din ang na feel nyo sa mga taong mahal niyo.

Pangatlo, kailangan ko ng clone para sa mga kaibigan ko, friends needs my time kailangan kong gumimik, rumampa at magmaganda kasama ng mga kaibigan kong nagnanaknak din sa ganda kagaya ng lola nyo. I miss you guys promise!!

Pang-apat kailangan ng isa pang ako para pumasok sa trabaho araw araw, ayusin ang mga dapat ayusin sa opisina araw araw. Mag fill up ng attendance, magmaganda sa boss at sa mga kaopisina at harapin ang sangkatutak na problemang kailangan ng solusyon ko.

Panglima kailangan ko ng isa pang ak,o para sa mga raket at sideline ko. Oo sa hirap ng buhay ngayon kailangan maging practikal. At dahil practikal ako imagine kung ilang sideline meron ako mga kaibigan? Hmmmm.... naku sa dami ng talent ko eh hndi ko na rin mabilang ang mga kung anu-anong raket at sideline na napasukan ko at pwede kong pasukin.

Kaya ayan, limang clone ng sarili ko ang kailangan ko. Kelan kaya mangyayari yun? at sino naman kayang saksakan ng henyo ang makakagawa nito para matulungan nyo ako. Mga friends kung may kilala kayo txt nyo naman ako pls!

7 komento:

-jAde- ayon kay ...

kung lahat ng gagawa ng dapat na sana eh ginagawa mo,
eh gagawin ng mga clone mo,
ano na po ang gagawin mo?

ahihi! mejo magulo ba ang tanong ko?

KLITORIKA ayon kay ...

Hmmm magandang tanong kuya, abay ang gagawin eh ang mga bagay na gustong gusto kong gawin na hindi ko magawa dahil sa dami ng mga dapat gawin! hehehe magulo din ang sagot diba?

KLITORIKA ayon kay ...

este ate ka pala hehehe sori! balik ka ha ;-)

Randy P. Valiente ayon kay ...

bago na naman layout ng blog mo? anuba?

Whirlwind man ayon kay ...

5 clone ng sarili mo? Gugulo ang mundo...hehehehe

Since ka-clone mo yun, dapat patirahin mo sa bahay niyo...

...have you watched Multiplicity? The wife had sex with the 2 clones of her husband (wala siyang idea na clones yun)...heheheheheh

BURAOT ayon kay ...

magpapacolen ka na din lang. dagdagan mo na. gawin mo ng sampu. hehehhe.

KLITORIKA ayon kay ...

Randy yezzz new year new layout daat hehehe ano ba ikaw ang naman ang blogger na alam ko na hindi nagpapalit ng layout!

Whirlwind man hehehe yup napanood ko yun medyo magulo nga haha ang korni nga lang ng movie sana nag orgy lang sila diba?

Kuya Buraot musta?! hehe sige gagawin ko sampu pahiram ko sayo isa hahahah.