Mayo 11, 2008

Love?, Sex?... Sex!

So, ganun ang mga lalaki nga ay likas na malilikot pagdating sa pakikipag relasyon!

Hmp, sasabihin nila lalaki ako at walang mawawala sa akin, kaya Ok lang. Eh ikaw babae ka, may dangal at reputasyon kang dapat na isa-alang alang kaya hindi pwede sa inyo ang magkaroon ng mga relasyon habang nasa isang relasyon.

Ganun? Exclusive lang dapat ako sa iyo? Bakit? Bakit? Its unfair! Asan ang sinasabi nyong hustisya sa arrangement na iyan?

No way!

Sabi nila kapag ang lalaki maraming babae, dagdag pogi points sa kanila iyun, mas feeling macho sila mas tumataas ang dati na nilang mataas na EGO!

Eh bakit kung ang babae maraming nobyo, isa lang ang sasabihin nila Pokpok, Kaladkarin Syota ng Bayan hindi na dapat siniseryoso! Negative ang tingin nila sa babaeng ganun.

Hmp! Wala akong paki-alam!

Sino ba naman ang may pakana ng mga ganyang kakitiran ng paniniwala. Anong gustong gawin ng lipunang ito sa amin, ang maging martir na lang FOREVER?

Bilang asawa kailangan mong umaktong isang matinong asawa, mag-stay ka sa bahay, mag-alaga ng mga anak, pagsilbihan ang asawa, hangang sa mamatay ka ganun ang routine ng buhay mo araw-araw.

Siguro noon, Oo!

Pero ngayon, marami na ring babae ang natutong lumaban, minsan kasi ang mga bagay na nakasanayan na ay hindi palaging TAMA.

Sasabihin nating tama kasi iyun ang nakamulatan natin, pero alam naman natin na sa kabila nito maraming kaluluwa, pagkatao at karapatan ang nababalewala.

Hindi ko naman sinasabing maging PAKAWALA na ang lahat ng KABABAEHAN. Sana lang bigyan nila tayo ng equal na karapatan pagdating sa pagtugon ng mga LIBOG natin sa katawan.

Hindi po lahat ng NOBYA o MISIS ay nag-eenjoy sa pagkaing araw-araw na inihahain sa kanila.

Kahapon PAKSIW, ngayon PAKSIW ulit (lalo na kung ang BF o asawa mo amoy paksiw palagi!)

Pwede bang hayaan nyo naman kaming TUMIKIM ng LECHON naman? O kaya ADOBO!

Pwede nyo kaya kaming hayaang pakawalan ang mga pagnanasa namin sa iba pang ADAN na may pagnanasa din sa amin?

Ang mga damdamin na nararamdamin ng Lalaki at Babae ay pareho lang. Kung kayong mga lalaki nambabae o tumitikim ng ibang putahe dahil feeling nyo nag-sasawa na rin kayo sa ulam na PAKSIW araw-araw syempre kaming mga babae ganun din.

Kung nakakaramdam kayo ng pagtayo ng inyong sandata sa tuwing nakakakita kayo ng mga seksing anak ni Eba.

FYI ang mga babae rin po ay tinitigasan ng kanilang KLITORIS o SUSO kapag na kakakita ng mga lahi ni Adan na makalaglag panty.

Minsan kasi makitid utak ng mga taong nasa relasyon, akala nila kapag nakipag SEX sa iba ang partner nila, hindi na sila mahal ng mga ito.

Ang SEX at LOVE ay mag-kaiba! Although ang pakikipagtalik ang itinuturing na GREATEST ACT of LOVE hindi ibig sabihin nun na ang SEX ay LOVE.

Sa katunayan nga, mas tumatagal ang magkarelasyong bukas sa isat-isa. Kasi syempre kung ako ang GF mo at sinabi ko sayong

“Hon, may date ako mamaya ok lang sayo?”

Hindi ba mas maganda yung nagpapa-alam ka muna sa BF mo na makikipagdate ka, iwas eskandalo pa yun.

Eh paano kung nakipagdate ka, dahil sa totoo lang marami naman talagang mga nasa relasyon ang patuloy paring nakikipag relasyon sa iba ng palihim.

Nakipag date ka, sumamang manood ng Sine sa ibang lalaki tapos sa sinehan nakasalubong nyo BF mo na may kasamang ibang lalaki, este babae!

Sa ganitong sitwasyon ano ang gagawin mo?

A. Deadma kunwari hindi nyo nakita ang isat-isa?

B. Babatiin ang BF at kasama nito at ipapakilala ang lalaking kasama bilang pinsan mo. (na obviously na ka-akbay pa sa iyo)

C. Magwawala ka aawayin ang babaeng kasama ng BF mo?

D. Hiwalayan kaagad ang BF mo at that very moment dahil nalaman mong katulad mo manloloko rin siya.

Sa ganitong sitwasyon ang madalas na sagot ay ang Letter C at D, marami kang makikitang babaeng nagsasabunutan o lalaking nagsasapakan kapag nagkabukuhan na.

Malaking eskandalo ang pinasok nyo, para kayong mga batang utak langgam. Pareho naman pala kayong hindi mapagkakatiwalaan bakit kailangan pang hilingin nyo na maging exclusive kayo sa isat-isa?

Eh, paano kung sa kabila ng mga kataksilan nyo na realize nyong kayong dalawa ay talagang para sa isat-isa? As in LOVE, PAG-IBIG na ito at hindi LIBOG lang!

May mga drama kayong I CANT LIVE WITHOUT YOU, mamamatay ako kapag iniwan mo ako!

So anong gagawin nyo? Madalas dahil sa ma-pride ang mga taong nasa relasyon hinahayaan na lamang nilang tuluyang mawasak ang kanilang PAG-IBIG.

Nagsisisi sila to the max na hindi nila kayang mapatawad ang isat-isa dahil sa ginawa nilang panloloko sa mga sarili nila. Kaya madalas sa mga taong dating magnobyo eh, mortal na magka-away!

Makasalubong lang sa daan, parang gusto mo nang maglagay ng FLY OVER para huwag lang makasalubong ang EX mo.

Makita mang may kasamang ibang babae, mega lait ang gagawin mo sa babaeng kasama at sasabihing “Leche, mas maganda pa rin ako sayo!”

Tapos magagalit at maiinsulto ka kung ang ipinalit ng EX mo sayo eh kamukha ng dati nyong maid, o mas matindi yung dati nyong maid mismo!

Nagagalit ka, hindi ka makapag move-on dahil alam mong mahal na mahal mo ang EX mo at malamang ganun din ang EX mo sa iyo. Kaya lang dahil, pareho kayong ma pride hindi ko alam kung bakit ganun siguro puro (fried chicken ulam nyo palagi) kaya wala kayong magawa kundi ang kamuhian na lamang ang isat-isa.

At pumasok sa mga relasyong ginagawa nyong panakip butas para lamang maibsan ang mga kalungkutan nyo o masabi ng isa na kaya kong mabuhay kahit wala ka….

Pero deep inside halos madurog na ang Puso mo sa selos at pangungulila.

Sinabi na kasing ang SEX at LOVE ay magkaiba! Hayaan mo siyang mairaos ang Libog niya sa kung sinong Eba siguradong babalik din sayo yun.

At sana hayaan ka rin niyang tuluyang malaglag ang panty sa tuwing may makikita kang anak ni Adan na may galit ata sa mga garter ng underwear!

Ito lang ang huwag na huwag kalimutan magbaon ng ICE CANDY WRAPPER na may ibat-ibang flavor mint, orange, chocolate, strawberry at kung anu-ano pa para lalong masaya!

5 komento:

freakazoid ayon kay ...

ganun na ang kinahinatnan ng panahon ng mga kastila. mataas ang lalake palagi... hehe

ReJAM ayon kay ...

Haaaay Klitorika, as always I love your posts! Hehehehe... Kahit lalake ako, I think it is also time to see equality between gender, in all aspects... hehehehe...

KLITORIKA ayon kay ...

Freakazoid ... hello salamat sa dalaw, oo nga sabi nga nila yun na talaga ang nakalakihan at nakasanayan natin, pero diba nga hindi lahat ng nakasanayan na eh tama, minsan kailangan sigurong baguhin din...kahit slight lang hehe.

Hi Rejam, salamat sa dalaw balik ka ulit ha ;-)

pj's mayang ^^, ayon kay ...

ate ilang taon ka na?at anung real name mo?hehe

lacarotica ayon kay ...

ZOMG. nice entry.
nkakatuwa ka magtago ng totoong term. nyahaha.

lalo na ung ice candy wrapper. haha.

haha at lalo ako nainis sa ex ko! [makakamove on na! mlpit na!]

thanks :)