Pebrero 8, 2008

Advance Happy Valentines!



Alay ko sa magsing-irog sa araw ng mga puso, hindi ko alam kung bakit ang araw ng mga puso ay itinuturing ding araw ng mga motel? Araw daw nila kasi mas malaki kita kapag valentines day! Ganun?

Bakit, siguro ganito ang mga dialogue ng mga tipikal na magsyota kapag dumarating ang valentines day.

Boy:
Message Received : Hon! Happy Valentines buksan mo nalang ang room 69 ng SOGO Cubao para makuha mo ang sorpresa kong regalo sa iyo!

Girl:
Message Received : Cupcake, ang sweet mo talaga kaya nga love na love kita eh! Teka lang ha kasalukuyan kasi akong nagbubukas ng regalo sa VICTORIA eh! Wait mo ko ha! ;-)

Nakakaloka!

Napansin ko nga nitong mga huling araw kapag lumalabas ako at napapagawi sa area ng Colon sa downtown Cebu mas agaw pansin ngayon sa akin ang mga motel, pension house, lodge at apartelle. Syempre sino ba naman ang hindi makakapansin kapag ganitong panahon mo lang makikitang malinis bagong pintura with matching papansin at agaw atensyon na mga banner ng kung ilang peso discount! at kung anu-anong promo!

Kasabay nito makikita mo rin ang ilang mga kalalakihan o kaya kadalagahan na nakatayo sa mga gilid nito o malapit sa entrance na namimigay ng mga discount at promo card. Kaya ginagawa ko ilang ulit akong dadaan sa harap nila para makarami ng discount card! Malay mo makalibre na diba?

Naisip ko, siguro ilan sa mga namimigay ng mga promo card na ito ang may ganitong dialogue. "Boss discount card po, pwede rin pong subukan nating gamitin para malaman nyong totoo at hindi pakulo ang mga yan!".

3 komento:

linglingbells ayon kay ...

tumataas talaga ang libido ng mga tao pag balentayms.. parang ang saya nga magsight-seeing sa motel pag balentayms.. hehe! dalawin ang mga magsing-irog sa bawat kwarto! nyahaha!

KLITORIKA ayon kay ...

he,he korek ka dyan kaya ate abangan mo ang pagdagsa ng mga scandal movies sa quiapo! he,he.

William Buenafe ayon kay ...

Yan nga ang kinakatakot ko eh
tungkol sa mga motel at apartelle nowadays. Sa sobrang modern ng technology eh kasing liit na lang ng butil ng munggo ang mga camera nd so easy to hide so baka di mo alam eh kinukunan ka na at instant celebrity ka sa mga scandal blog, Bwahahahahaha

kung sabagay kung performance level ka naman eh baka bigla kang madiscover Bwahahahahaha