Disyembre 26, 2007

Bisita

Sabado, katatapos lang ng Christmas party at sa opisina namin, medyo haggardness pa ako dahil kasabay ng maliit na salo-salo namin sa opisina ay ang pagrerelease ng sahod at 13th month ng halos dalawang daang personnel namin dito sa cebu.

Naghahanda na ako ng mga dadalhin ko para sa pagpunta ko sa samar kinabukasan araw ng lingo as in December 23. Ibig sabihin, isa ako dun sa mga makikipag-agawan at makikipagsapalaran sa mga terminal na makasakay para sa Christmas vacation.

Habang busy ako sa pagliligpit ng mga bibitbitin, may natangap akong txt galing sa isang kaibigan… pupunta daw sya sa tinitirhan ko, lalaki ito hindi ko alam kung anong reason niya pero ang sabi eh ibibigay nya raw sa akin ang regalo niya para sa akin ngayong pasko, kaya sabi ko sa txt sa kanya go antayin kita. Dumating naman ang bisita at walang ginawa kundi ang manood ng TV sa kwarto ko, wala ring dalang regalo or kahit ano.

Maya-maya lang may kumatok nanaman sa baba, naloka ako dahil feeling ko mawawasak ang pintuan sa lakas ng katok ng bagong dating! Bumaba ako, medyo bad trip dahil feeling ko nag evaporate na lahat ng tubig sa katawan ko dahil sa presence ng unang bisita na denedma naman ako dahil akala niya kunwari eh busy ako sa pagchat-chat.

Pagbukas ng pinto, aba ang isang girl na kaibigan kong kasalukuyang buntis, mega arte ako at kunwari busy ako kaya hindi ko na sya niyayang umakyat sa room ko. Ayokong makita niya ang una kong bisita, naloka naman ako dahil nakipaghuntahan ang pangalawang bisita ko sa akin about her lovelife na daig pa ang rollercoaster sa gulo at nakakahilo. Nalibang sa pagkukuwento ang kafriendster ko na ito, interesante pa naman ang kwento niya kaso lang eh nasa ibang lupalop ang isip ko kaya medyo hindi ko rin masyadong na-enjoy ang chika namin.

Sa wakas, umalis na rin ang pangalawang bisita, umakyat ulit ako at kaagad na humarap sa computer para mag-chat ulit. Pero, feeling ko umuusok na ata ako, syempre ano bang mararamdaman mo diba, nasa isang kwarto ka kasama ang lalaking nagkaroon ka ng sexual relationsip once, at feeling mo mauulit ulit or kahit na hindi man maulit gusto mong maulit muli. Naku kung may naka-save lang sanang kantang “sanay maulit muli or “do that to me one more time” sa PC ko pinatugtog ko na sana para naman mabigyan ng hint itong bisita ko.

Nakakaloka noh? Bakit kaya ganun, kahit ako feeling ko hindi naman ako yung tipong repressed pagdating sa mga ganitong bagay, pero parang nakaka-ilang pa rin yung pagawa ng “first move” lalo na’t hindi naman kayo official na magkarelasyon diba? Basta alam nyo lang type nyo ang isat-isa, nararamdaman nyo pero mahirap naming magsalita o magbitiw ng mga pangako, dahil unang-una wala naman talagang pwedeng sabihin pagdating sa mga ganitong pagkakataon.

Magkasama kayong dalawa sa loob ng isang kuwarto, gusto nyong gawin yun pero hindi nyo alam kung sino ang magsisimula o kung paano magsimula. Walang gustong magsalita, pareho kayong kunwari busy at may ginagawa, pero yung isip nyo lumilipad at isang bagay ang tinutuon. Tipong “its really hot in here!”

Tumayo ako, gusto kong hagisan ng condom ang bisita ko he,he pero hindi ko ginawa nagdalawang isip ako or nahiya ako? Hindi ko alam eh. Kaya, balik ulit ako sa harapan ng computer, ang loko naman nakatutok pa rin sa TV, kunwari apektado sa pinapanood niya eh telenovela lang naman, alam ko namang hindi siya nanunood ng mga ganun.

Hayss, hirap namang maging babae… alam ko namang hindi kailangan eh mag-antay nalang kami palagi pero pinili ko yun sa pagkakataong yun, ewan ko I feel awkward, kaloka! Kaya naman nagulat nalang ako, bigla akong kinagat ng gago! Alam nyo na siguro kasunod…. Pero, in fairness ha nakakaloka ang ganung feeling… para kang sasabog at siguro kung maglalagay ako ng itlog sa kili-kili maluluto sa pagkakataong iyun.

Nang tanungin ko pagkatapos tungkol sa regalo niya, yun na raw yun… kapal naman ng mukha nito! Kaya yun na rin siguro pamasko ko sa kanya he,he.

5 komento:

manilenya ayon kay ...

Hehehe! yun lang... mahirap ang magpost ng ganito kaya minsan sa isang mambabasa na katulad ko e nahihirapang paniwalaan kung totoo nga yan o katulad din ng isang manunulat, mahusay mong naibahagi ang isang sitwasyon na sa iba ay taboo..

gusto ko rin ang blag mo :)

mabuhay ka!

ps.

naalala ko tuloy na sa tuwing gagawa ako ng entry na may subdyekt na sekswal e nagdadalawang-isip ako lagi na i hit ang publish, babasahin ko muna ng makailang beses pero ipupublish pa rin ng walang binago.

pero hindi ako kasing tapang mo.

maligayang pasko!

Randy P. Valiente ayon kay ...

anak ng..... kalaswaan na naman. dapat itawag ko sa yo dra. horse hehehehe

KLITORIKA ayon kay ...

randy - hndi kalaswaan yan, katotohanan yan hehehe.l Ang arte mo naman masyado para namang wala kang ganyan sa buhay!

Manilenya - salamt sa pagdalaw, oo nga eh marami akong gustong isulat na medyo kailangan ng konting tapang at kapal ng mukha pero sa mga susunod na buwan or taon siguro magiging kasing tapang nako ng iniisip ko. Ingats at hapi new year!

too beautiful to quit ayon kay ...

manyak! parang ako!
hehehehe...

KLITORIKA ayon kay ...

bkla keri na yan alam mo naman ako nagmana sayo hehe Hapi new year!