Oktubre 8, 2007

Port of Cagayan





Katulad ng maraming pier or port dito sa bansa agaw pansin sa lahat ng mga nagbibiyahe ang mga taong kagaya nila... alam kong madalas nyo silang nakikita nakikipaghabulan sa mga barkong bagong dating at nakikipag-agawan ng ating pansin sa mga bagong tanawin. Sila o ang magagandang bago sa ating paningin? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila, may paghanga nang makita ko ang isang batang babae na halos limang taong gulang pa lamang ata na nagsasagwan kasama ang maliit nitong kapatid na lalaki, hanga ako sa lakas ng loob nila... dahil ako takot ako sa tubig hindi kasi ako marunong lumangoy.

Minsan, naaawa naman ako lalo na at pumapasok sa isip ko yung kaisipang pano kung walang maghagis ng barya sa kanila? May kakainin kaya sila? Hindi ba sila giniginaw o natatakot na malunod kapalit ng konting barya?

Kaya ako, kapag nakikita ko sila sa mga biyahe kong barko, hinding-hindi ako naghahagis ng piso! Dapat limang piso o sampung piso o kung maari buo! Para sa akin naghahagis ako ng barya hindi para ma-entertain sa galing nilang sumisid o lumangoy, dahil alam kong nandyan sila o ginagawa nila iyun para kumita kahit konti para may ipangtawid gutom. Kaya minsan naiinis ako sa mga taong tuwang-tuwa na naghahagis ng piso piso para malibang ang mga sarili nila! Nakakainis naman ang ganun diba? para bang ginagawa nating libangan ang pagiging miserble ng ibang tao.

Kaya sa susunod na makita natin sila...sana...sana hindi lang piso ang ibigay natin, ako alam ko namang wala akong magagawa sa mga taong katulad nila pero sinisikap ko kahit papaano na makatulong alam ko namang wala silang choice kaya nila ginagawa ang mga ganung bagay sana lang minsan maintindihan natin sila.

Hay naku ang drama ko talaga pero yun ang totoo!

3 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Hindi ko makita pic kasi itong lekat naming IT eh hilig mag blocked.

Pero prang na iimagine ko na parang tulad ito ng mga katutubo sa Baguio na nasa gilid ng bangin sa View Park at kapag naghahagis ka ng barya eh tumatakbo sila sa side ng bangin na may dalang pangsalo at sasaluhin ang mga pera.

Ewan ko hindi ko maatim na magbato dahil tumatayo ang balahibo ko at iam really afraid for them.

Ito namang sa iyong kwento eh sinisisid nila ang mga binabatong mga barya. Eh kung magbibigay rin lang ako eh bakit hindi ko na lang i sakto sa bangka nila para hindi na sila sumisid pa.

Hindi pa ako nakakakita ng mga katulad nila, eh paano naman di naman ako nag barko pa mula ng small pa ako when i went to visayas.

Pero i do want to try it someday.
Ate pwede samahan mo ako para may kasama ako, at least dalawa na tayong takot sa tubig. hahahaha

Secret Samadhi ayon kay ...

hahaha sinungaling sabi mo gusto mong yung dagat at nagtry ka pa magscuba dive, sayang hndi mo nakita yung pics.

William Buenafe ayon kay ...

sayang nga sa second post mo na black n white eh may lumabas na isang pic iyong river siguro (3rd pic) ganda wow.

di ako nagsinungaling noh, di ko sinabing di ako marunong lumangoy, sabi ko takot sa tubig which implies ayaw maligo parang pusa, Bwahahahahaha Pero sa languyan eh champion tayo, oh sisid nah. hehehe