Oktubre 7, 2007

Day 1 Alone in Iligan



So, kaya po ako nawala ng ilang araw dahil napadpad po ako ng Cagayan at Iligan part ng trabaho ko kasi ang minsan na mapasyal sa kung saang lupalop ng bansa, naku lahat na ata ng sulok ng pilipinas napuntahan ko na (exag) he,he pero at least masasabi kong maraming lugar na rin ang napuntahan ko dahil sa aking trabaho na syempre hindi ko pwedeng bangitin.

Via cebu, nagbarko ako patungong Cagayan buong magdamag ang biyahe, salamat sa librong pinadala ng isang kaibigan na naging libangan ko habang nasa biyahe. Kinabukasan nasa Cagayan na ako, from Cagayan diretso ako ng Iligan na halos mahigit isang oras lang naman ang biyahe.

Ito ang kinaiinisan ko sa sarili ko sa tuwing bumibiyahe ako, nakalimutan ko nanaman as usual i-check ang profile ng lugar bago ako umalis. So hindi ko alam ang hotel na pwede kong puntahan, hindi ko alam ang mga mahahalagang impormasyon katulad ng mga location ng government offices, mall, etc. etc. Kaya habang nakasakay sa jeep patungong City galing sa terminal umiikot ang mga mata ko at naghahanap ng pwedeng matuluyan, marami kaming nadaanang resort pero malayo sa City. Sa City naman madalas sa mga hotel o pension house nila nasa sulok hindi mo makikita dun sa mga area na dinadaan ng mga jeep. Isang hotel ang nakita kong medyo ok at dali-dali akong bumaba ng jeep. Ayos medyo mura ang bayad at mag aircon, cable tv at hot and cold shower syempre may malambot na kama.

Pagkatapos ko maiayos ang gamit na dala ko (isang bag lang naman po yun) Lumabas ako at ginawa muna ang trabaho, syempre trabaho muna bago lakwatsa. Nang matapos ko naman ang objective ko ng araw na iyun, naisipan kong mag-ikot-ikot at nahilo at napagod po ako sa pag-iikot. Wala kasi akong makitang interesting sa lugar o sa City, halos parepareho lang Gaisano Mall, mga maliliit na establihsment, kainan na madalas mo rin namang makita sa ibang lugar. Pumunta ako sa park nila under construction... inabot ako ng gabi sa pag-iikot ayoko namang sumakay ng jeep dahil natatakot akong mapadpad sa kung saan.

Nang magutom, may nakita akong isang restaurant alam kong medyo ayos ang kainan specialty nila ay chicken barbeque. pagkapasok ko, wow ganda ng ambiance may pagkaromantic, napansin ko kung hind isang pamilya ,magkasama sa isang table mga couples naman makikita mo. Nahalata kong ako lang ata ang kakaing mag-isa... at feeling ko bawal atang pumasok sa restaurant na yun kapag mag-isa ka lang dahil halos kalahating oras ata bago ako lapitan ng waiter para bigyan ng menu! At dahil ako ata si gaga syempre hindi yung specialty nila ang naorder ko kundi isang beef steak! na hindi ko rin naman naubos. Sabi nga ng mga nakakikilala sa akin, masarap daw akong kasama, matipid kalahating rice o konting ulam solve na ako.

Nalulungkot ako, ayoko talagang umaalis mag-isa lalo na kapag ganitong medyo malayo, sa totoo lang ok lang sa akin na mag-isa pero dapat may makilala naman ako sa lugar na pwedeng pumawi ng aking kalungkutan he,he (kulit) Napansin ko wala namang interesting na tao dito sa restaurant na ito lahat taken, walang pwedeng take-out, kaya umalis na ako at sinimulan nanaman ang paglalakad (sakit na ng paa ko waaahhhh)

Makalipas ang isang oras nasa hotel na ulit ako, malungkot at punyeta fertile ata ako dahil na mimiss ko bigla BF ko! Kaya ayun pinagkasya ko nalang ang sarili sa panonood ng TV na hindi ko naman din naintindihan dahil nasa ibang lupalop isip ko. Naisip ko, huwag na huwag magkakamaling kumatok si manong guard at papatusin ko sya! ha,ha,ha joke hindi po ako ganun ka desperada... pero kung cute si manong guard pwede na.

Hmmmm babawi ako bukas promise!

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Knock Knock

Knock Knock

Pizza Delivery po!
May kasama pong Promo!

Di nyo na kailangang magbigay ng tip. Hahaha

Sarap naman ng buhay moh Hayyy

Bigla akong naiinggit ah! Hahaha

Miss ko na sumakay sa Barko.
Bata pa ako noon when my parents
brought me sa Visayas via Ship.

Kaylan kaya mauulit yon, Hummmm

Secret Samadhi ayon kay ...

he,he...ganun?