Setyembre 12, 2007

Ulan!



Ilang araw nang umuulan dito sa Cebu, wala naman bagyo pero tuwing umaga nalang, o kaya madaling araw o gabi umuulan dito. Simula pa noong lingo kaya tuloy yung nilabhan at sinampay namin noong lingo ay basa pa rin hangang sa ngayon! Gudluk sa amoy ng damit nito, parang balak ko nga uling banlawan kaso baka abutin nanaman ng ilang araw bago matuyo.

Pero mas gusto ko talaga ang umuulan, lalo kapag gabi yung tipong mamamaluktot ka sa ilalim ng kumot dahil sa lamig, at naririnig mo ang tunog ng bawat pagpatak ng ulan sa bubong, pakiramdam mo para kang pinaghehele ni mother nature.

Tapos katabi mo pa ang mahal mo, oh diba parang mahinang background sa mga bulungan nyo at lambingan ang pagpatak ng ulan. Pakiramdam ko masyadong romantiko ang gabi kapag umuulan… ewan ko siguro kasi parang ang sarap ding malaman na sa gabing umuulan hindi lang ako siguro ang masaya at feeling romantic siguro lahat ng couples sa buong mundo ay ganun din ang nararamdaman kapag umuulan.

Kanina tuloy habang nasa biyahe ako pabalik ng opisina, biglang umulan! Naisip ko ano kaya kung maligo ako sa ulan? Sarap siguro, kaso naalala ko madali akong ginawin! Naku baka bago ako makarating ng opisina nanginginig at kulay puti na ako haha, kaya pinigil ko ang sariling magpa-ulan. Teka kelan ba ako huling naligo sa ulan? Sa tagal hindi ko na maalala ah! Ikaw, kelan ka ba huling naligo sa ulan?

Yung ligo talaga na naligo ka para sa katuwaan at sa kagustuhan mo, hindi yung napilitan kang maligo dahil wala kang ibang choice kundi ang maligo at magbasa sa ulan.

Tingnan nyo ang larawang nasa itaas, anak ko yan habang tuwang-tuwang naliligo sa ulan! Nakaka ingit ang mga bata ano? Sana minsan maging kasing inocente nila tayo, yung tipong wala na tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao masunod lang natin ang maliliit na bagay na makakapgpasaya sa atin katulad ng pagligo sa ulan.

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Dito sa punto mo regarding rain eh agree ako sa iyo 101%

ako kada uwi ko sa pinas for vacation (during april and may) kapag umulan ng medyo malakas sinasamahan ko ang mga anak ko na maligo sa ulan.

come to think about it eh ako yata ang sinasamahan nila (hehehehe)

Rain i believe is the purest of element there is sa polluted world that we are living in right now.

Why, kasi it came from HEAVEN.

Like a child, their joy which is so spontaneous yet simple and so so pure. Because they have just
came from GOD who is in HEAVEN.

Their little mind so pure not yet corrupted by the garbage we have in the soceity around us, which we adult have already succumb to.

Can we go back to being a child?

I really dont know, Do you?

Unknown ayon kay ...

physical appearance lang naman ang nagbabago sa atin na hindi natin pwedeng palitan eh. we can go back being a child... subukan mo magagawa mo,