Setyembre 11, 2007

Larawan

mga larawan moy

laging balot ng misteryo

nangungusap subalit laging

pigil laging may tinatago.

ano ba ang iyong nararamdaman

sino ba ang iyong pinararamdaman

mga tanong na siyang bumabalot

sa larawan mong tunay na misteryoso

tanging ikaw lamang

ikaw lamang ang tunay na nakakaalam

sa sekreto ng isip at puso mo

sa damdaming nais mong pakawalan

sa aming nakapaligid sa yo

sapat na ang mabiyayaan mo

ganda ng larawan mong, may misteryo


BOW, William po para sa yo.

(Ito naman ang tulang isinulat ng isa sa bumibisita ng blog ko para sa larawang nasa ibaba, napapansin ko dumarami ata ang makata sa mundo? he,he)

3 komento:

William Buenafe ayon kay ...

ang mga makata ay likha lamang

ng mga nakapaligid sa kanya

so as long na nariyan ka

rest assure poet will be there too.

Randy P. Valiente ayon kay ...

ayos!

haba ng hair mo neng hehehehe

Secret Samadhi ayon kay ...

hahaha! ganun? Oo nga eh! oist dinadalaw ko blog mo ha kaso hindi nako nagcocoment kasi naman... wala lang... hehehe