The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Setyembre 23, 2007
Sunday Movie Marathon
Noong nakaraang lingo sinimulan namin ng isang ka-officemate ko ang tinatawag naming “Sunday Movie Marathon” bale lima kaming participant ng ganitong session every Sunday sa tinitirhan ko, yun nga sa second floor ng opisina namin.
Sa totoo lang nakahiligan na namin ng mga dati kong kaibigan sa Manila ang ganitong gawain, ang manood ng ibat-ibang klaseng pelikula pero madalas ang talagang pinapanood namin ay mga mga movie na madalas entry sa mga international film festival. Matagal ko na rin kasing na mi-miss ang ganito, kaya total sangkatutak naman ang mga DVD movie collection namin ng partner ko na karamihan ay binili namin sa mga namimirata (he,he) na isipan naming yayain na rin ang isang ka-officemate namin na magsagawa kami ng ganito tuwing lingo.
Kaya noong nakaraang lingo sinimulan namin ang Movie Marathon, ewan kung bakit marathon eh naka isang pelikula lang naman kami ng araw na iyun, magsimula ka ba naman ng alas dose ng hating gabi tama ba yun? syempre natapos ng alas tres! Pano naman kasi ang mga baklang kasama namin naku ang tagal sa harapan ng computer! Free internet kasi sa opisina kaya bago manood makikitang mong tig-isa kami ng PC at kung ano-anong trip ang ginagawa ung isa manonood ng concert ni regine sa youtube, yung isa busy sa blog (ako yun) yung isa magdodownload ng mga kanta, yung isa magdodownload ng mga readings, yung isa nasa IRC, yung isa abala sa friendster kakaloka!
Bago ang lahat nagluto muna kami ng dinner noong nakaraang lingo talong, adobo, toge ang inulam namin at si E ang naatasang magluto, kasama rin namin BF/GF ni E na si G at ang isa pa nilang kaibigan na si F lahat po sila ay mga lalaking may pusong babae. Kaya naman ang saya nilang kasama, in fairness lahat sila cute o pogi! At hindi mo mahahalatang Rustom Padilla sila kaya marami pa ring girls ang minsan ay nabubulag sa mga kapogian este kagandaha nila he,he.
Matapos ang kainan at pagliligpit go na kami sa second floor ng opisina namin at yun nga inabot muna ng isang oras bago makapagdesisyon kung anong panonoorin. Nagwagi naman si Malena ni Giuseppe Tornatore. Matapos bumaha ng luha, este ang pelikula isusunod sana naming ang Striptease na pinagbibidahan ni Demi Moore kaya lang inantok na ang mga bakla at nagpasya ng umuwi.
Naulit ulit ang movie marathon namin, ewan kung marathon kasi nga naka-isang movie lang ulit kami kahapon! Kaloka pano naman kasi ang isang bklang si F nakipagkita pa sa bago niyang karir na si K naku ng makita ko si K gwapo din! Kaya parang nawawalan na ako ng pag-asa nauubos napo ang mga lalaki sa mundo he,he joke! Kaya matapos ulit ang dinner this time pritong isda, ginisang daing (dangit na prito at iginisa sa sibuyas, kamatis at suka) at tinola akyat na ulit kami sa aming maliit na entertainment room hehehe.
Naka-ilang debate muna kung ano panonoorin pinagpipilian namin kagabi ang Loving Anabelle, Cinema Paradiso, Strip Tease ulit, The Dreamers. At ang nagwagi mga kaibigan siyempre ang pelikulang Cinema Paradiso ni Giuseppe Tornatore ulit. Sa totoo lang napanood ko na ang mga pelikulang ito pero masarap siyang ulit ulitin eh kaya tutok na tutok pa rin mata ko sa pinapanood. Nawawala lang ang atensyon ko sa panood sa tuwing dadampot ako ng chippy at iinom ng coke, o kaya magbibigay ng reaction ang mga kasama ko sa pinapanood syempre kapag may mga rebuttal pause muna ang movie.
Dahil alas Dose na ulit kami nagsimula syempre alas tres pasado na rin natapos at ang mga bakla dahil nga may pasok na kinabukasan nag-uwian agad. Nakakaloka, ilang beses na rin naming napagkasunduan na aagahan ang panonood, wish ko lang next Sunday matupad para naman masabi kong Movie Marathon na talaga ito! Kitakits mga bakla sa susunod na lingo!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
5 komento:
mam, di pa po ubos.
me, me, me, meron pa po mam,
narito pa me, me, me
pick me, me, me, MAM
MEEEEEE
hahahhahah kawawa... hehehe joke lang po kuya.
hehehehehe!!!!....
bakla!
yaman mo na may domain ka na...
ano ba yang mga yan ang late kung dumating...
by d way hi way at hi waist... baka maka stand erected ka dyan sa mga yan kasi di daw sila bakla sabi nila mga girl daw sila...
panggap lang nila na lalaki daw sila...
in short mga tomboy yang mga yan...
ahhh ganun ba? Sorry so mga tomboy pala sila... now i know kaya pala ang gaganda ng mga hinayupak hehehee
marathon ngawa ko n yan....grabe sakit sa ulo nyan!!! zzzZZzzzZZzZZzzzz
Mag-post ng isang Komento