The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Setyembre 24, 2007
My Secret Samadhi
Na miss ko ang anak ko kaya siya muna ang bida ngayon dito sa blog ko. Ganda niya ano? Sabi nga nila buti daw hindi nagmana sa ina, naku sa totoo lang hindi ko akalain na magkaka-anak ako ng kasing ganda ng anak ko (sabagay lahat naman ng ina ang mga anak talaga nila ang pinakamaganda para sa kanila) pero at least ako, may dahilan ako at alam kong hindi ko guni-guni ito.
Naalala ko, noong medyo wala pa sa isipan ko ang pagkakaroon ng BF, ang minsan na ikinatakot ko ay ang ideya na baka kung sakaling magka-anak ako, eh kasing pangit ko (he,he) sa totoo lang as in pretty ugly ako, noon feeling ko ha. Teka hangang ngayon naman ata eh, pero at least nag-evolve na ako ng konti, nakikita ko naman unti-unti na akong nagmumukhang tao hahaahahah.
Miss ko na anak ko, malapit na kasi birthday niya October 11 mag-five years old na siya. Teka hindi ko papala nasabi kung nasaan siya, nasa nanay ko po at dun siya nag-aaral sa amin, nahirapan po kasi akong alagaan siya habang nagtatrabaho lalo't nakatira ako sa mismong opisina namin. Sinubukan ko siyang itira kasama ko dito, kaso maloloka ako lalo sa sobrang kulit! Ikaw ba naman habang nag-oopisina biglang may lalabas na bata out of nowhere na manghihinge ng kung ano, o kaya mang-aagaw ng computer at maglalaro daw siya, o kaya maririnig ko nalang ang kung anong kalabugan sa taas (sa kwarto ko) dahil magtatatalon sa kama at kung anu-ano. Hay, tiis muna ako siguro kapag nag grade one na at tipong nabawasan ang kakulitan niya ilipat ko siya ng school dito sa Cebu.
Advance Happy Birthday Samadhi! Miss ka na ni Mama Janet (yan po tawag niya sa akin, kailangn ba talaga kasama pangalan ko? ewan nasanay kasi siya ng ganun)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
5 komento:
Children are the most precious gift closest to Life.
They are given to us that we may find value on our very existence.
They are the living proof that no matter who or what you are, women are very precious, for life was created thru you.
My salute to all the beautiful Mom in the whole world starting with you.
Nakaka lungkot ba sa gabi? hehehe teka teka grade 1 mababawasan ng kakulitan? hmm? i have two kidz one boy and a girl both of them sobrang kulit!!! grade 1 n 2 yan din ang akala ko noon, pero sobra pla pag lumalaki dati sa loob lang ng bahay ngayon nasasakop nila hangang labas hahaha ...well advnce happy bday nlang sa baby mo :)
Oo nga hirap talaga ng malayo sa mga anak... haysss... para akong nag abroad nito eh!
naalala ko yang baby nyo once bumisita ako sa bahay nyo. ang ganda nga nya, baby pa cia nun. ngayon ko lang na realize na ang ganda pala ng pangalan nya.
he,he thanks musta na! Kung saan saan ka na nakakarating ha! He,he
Mag-post ng isang Komento