Setyembre 4, 2007

Salamat at Happy Birthday!


Noong nakaraang August 29, so ibig sabihin late nanaman ang post ko na ito! Ewan ko ba sa totoo lang noong araw na din iyun gusto ko kaagad isulat ito dito sa blog pero dahil sa hindi malamang dahilan, ang totoo eh pumunta po ako ng SM at nagbalak na manood ng sine kasama ang partner ko… pero as usual hindi natuloy dahil pagdating dun inatake nanaman ako ng pagiging ginawin! Wala kasing taba sa katawan ko kaya madali po akong ginawin!

Teka lumalayo tayo! Noong August 29 nga birthday ng isa sa mga kaibigan ng Bosing ko, so dahil kaibigan sya ng boss ko feeling niya siguro alipin nya na rin ako? Ha,ha joke lang po! Alam kong mabait na tao itong si Mr. J.M. siya po ang nag birthday ng araw na iyun. At kaya naman naging espesyal hindi lang sa kanya kundi para sa marami ang birthday niya dahil isa po siyang pilantropo… may mabuting kalooban po ang kaibigan na ito ng boss ko, (sana mahawa naman sa kanya bosing ko! He,he) Ang ginawa niya po kahit nasa Manila siya, nagkaroon po ng selebrasyon ng birthday niya sa DSWD Womans Center dito sa Cebu, at dahil nga wala namang ibang mautusan na mag organize at magcoordinate kundi ako kaya syempre walang nagawa ang lola mo kundi ang gawin ang mga ipinag-uutos ng kataas taasang hukuman! Este management pero syempre buong puso ko naming sinunod at ginawa ang request ni Mr. J.M. sa totoo lang talagang magvovolunter akong gawin ang ginawa kong iyun.

Kaya naman bago ba dumating ang araw na iyun nakipagcoordiante na ako sa management ng DSWD at Jolibee para sa oras at kung anong kabayaran sa serbisyo at mga pagkain para sa Jolibee (sosyal) po pero dahil alam kong nasa edad 80 na ata si Mr. J.M. hindi Kiddie party ang inihanda naming selebrasyon, kainan lang sana… kaya nga nagulat ako nung pagdating ko dun ng bandang alas singko (late ako dahil dalawang beses akong naligaw papunta roon, akala nga daw ng mga bata hindi na matutuloy ang party) Nagulat ako dahil nagprepare pala ng program ang mga bata. Dahil syempre wala dun si Mr. J.M. ako ang nagging panauhing pandangal nila nakakaloka! at nakakaiyak po dahil sobra akong na-touch as in sa mga presentation ng mga bata. Yung partner ko na kasama ko din ng araw na iyun ay naiyak din sa sobrang tuwa niya dahil makikita mong lahat ng mga batang naroon ay masaya talaga ng araw na iyun.

Saya-saya ng party ni Mr. J.M. kaya naman ng ibinalita ko sa kanya yung nangyari at yung mga dance number ng mga bata natuwa din sya. Naisip ko sarap sigurong maging katulad niya, maraming pera at kayang magbigay ng mga ganitong uri ng kasiyahan kahit panandalian lang sa mga lubos na nangangailangan. Pero syempre dahil hindi naman ako mayaman at isang kahig isang tuka rin lang ako, masaya na rin ako na kahit dun sa konting nagawa kong pagbibigay ng konting oras at effort na maorganize yung nasabing party kahit papaano ay napasaya ko rin ang mga batang iyun. Sana maulit ulit sa susunod na taon! Maraming salamat at Happy Birthday Mr. J.M.

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

pag yumaman ka sana kilala mo pa rin ako, hahaha

sarap ng feeling siguro ng isang panauhing pangdangal no, pero i know na talagang touching ang mga presentation ng mga bata, iba kasi kapag bata ang nag deliver eh talagang may heart at walang kaplastikan.

keep up the good work and mabuhay ka friend.

william

Unknown ayon kay ...

salamat po! heheh you can use may shout box kuya meron na po salamat sa isang kaibigan hehehe