Setyembre 15, 2007

Desperada/do

How Does Shortwave Tweezer Hair Removal Work? Water molecules inside the follicle shaft are "excited" over 27 million times per second through the use of high intensity radio waves, resulting in a Thermolysis (heating) effect. It works exactly the same way a microwave oven cooks food. This heat build-up thermally desiccates (dries) and coagulates (cooks) the hair papilla cells. This creates site-specific deep-tissue traumatization, which severely damages hair follicle tissue beyond the point of regeneration.

Desperada/do ka na bang talaga at pati ang mga ganitong equipment o gadget ay gagamitin mo sa sarili mong katawan para lamang matawag na maganda o gwapo? Ano pa kayang cell tissue ng mga katawan natin ang kaya nating baguhin, itorture, sunugin, alisin at kung anu-ano pa para lamang pumasa sa panlasa ng mga nakararami?

Ang sagot dapat sa mga ganitong problema (sa totoo lang hindi po ito problema) ginagawa lamang nating problema base na rin sa dikta ng ating isipan dahil sa mga impluwensya ng ating mga nababasa, napapanood, nakikita sa mga taong nasa paligid natin, sa mga telebisyon, magazine etc. Ang sagot sa mga ganitong problema "deadma! pakialam nyo kung mahaba buhok ko sa kili-kili? or paki nyo kung yung buhok ko sa binti eh pwede nang iterentas sa haba? Paki nyo?!" Pero syempre, nakakaloka din kasi kapag yan ang sinagot at naging attitude natin baka wala nang lumapit o magkagusto sa atin noh... pero teka sabi nila love is blind...makikita pa ba ng magmamahal sa akin ang mga buhok ko sa mga hindi dapat magkaroon ng buhok pero sa kasamaang palad ay talagang tinutubuan ng buhok???

Ano nanaman kaya ang mauuso sa hinaharap bilang pamantayan ng ganda ng isang tao? Sa palagay nyo? Nakakaloka!

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

IM NOT INTERESTED IN MODERN GADGETRY

BASTA AKO I JUST MAKE SURE NA WHATEVER I GOT ARE PUTTED TO
GOOD USE.

Abner M. Hornedo, M.D. ayon kay ...

salamat po sa pag bisita sa blogsite ko... nawa'y maging umpisa na ito ng mabuti nating pagkakaibigan...

regards