Agosto 27, 2007

Let us pray...

Minsan may kaibigan akong fisrt time na pumasok sa magulo kong kwarto, naloka sya sa pintuan palang may poster na nakasulat DUNGEONS at isa pang poster na nakasulat POLICE NOT WELCOME! Natangap nya naman ng maluwag sa loob niya ung mga unang tumambad sa kanya. Kaya lang ang hindi niya matangap ay nang makita niya ang lawarang ito ng ibat-ibang Diyos ng ibat-ibang relihiyon na idinikit ko sa isang malaking cardboard at pinagsama-sama ko.

Bakit daw ginawa ko iyun? Syempre dahil mahirap namang ipaliwanag ang mga ganung bagay isa lang ang sinabi ko. "Sigurista kasi ako, kaya kung nag-aalay ako ng dasal sinisiguro kung maririnig ng lahat ng Diyos, kaya kung sakaling hindi matupad ung mga pinagdarasal ko isa lang ibig sabihin nun...busy sila o di kaya wala sila" At sinundan ko pa ng mahinang tawa.

Feeling ko nainsulto ata ang kausap ko Blasphemy?! sa totoo lang masasabi kong tinatangap ko naman ang ibat-ibang paniniwala ng lahat ng lahi at relihiyon, pero namimili rin lang ako ng susundin at paniniwalaan. Pero ang pinaka-importante at hinding hindi ko kinakalimutan ay ang "Golden Rule" Kung ayaw mong gawin sayo huwag mong gawin sa kapwa mo! Tipong kung saan ka masaya gawin mo! Pero isa-alang alang mo ang damdamin ng mga taong maapektuhan ng mga hakbang mo. Kaya kapag may ginawa kang mali, mali dahil may natapakan kang ibang tao ihanda mo na rin ang sarili mo sa karma, dahil malamang mas matindi ang babalik sayo. (eh di natakot ka?)

Siguro kung lahat ng tao ganun na lamang ang gagawing batayan sa pagtimbang ng tama at mali napakasaya siguro ng mundo.Wala nang usaping moralidad, doctrina at kung anu-ano na lalo lamang nagpapagulo sa takbo ng isip at buhay ng marami.

Kaya let us pray...lets meditate, lets chant etc. etc.

4 (na) komento:

William Buenafe ayon kay ...

I may not agree to everything you said, nor to every belief you may have.

Pero i agree duon sa punto ng happiness.

Everyone really should be happy.

Everyone should really be given the freedom to choose what will make them happy, not being dictated by the soceity surrounding them.

Hindi ako aktibista, nor bulgar sa mga nararamdaman ko. I can honestly say na iam still more in the balancing side of life na minsan ay hipokrito din. Hahahahaha
(inaming bigla ano :-))

But what is the point really?

The point is that happiness is everyones right to have.

Again as i have said in my messages sa iyo na hindi pambobola na elibs ako sa iyo.

Di tayo parehas ng mga pananaw sa ibang issue ng buhay pero elibs pa rin ako sa iyo.

Sabi ko na nga ba na dahil sat and sun which are weekends diyan sa bansa nating Pinas kaya wala kang post.

Kami kasing mga foreign workers eh may ibang time set.

Always looking to read more from you hoping to know more about you.

Well, till next time.

William

Unknown ayon kay ...

Saturday and Sunday...kaya wala po akong post kasi po wala po talaga akong maisulat minsan. Nauubusan na rin ako ng mga kalokohan sa buhay he,he pakiramdam ko wala na akong itinago at minsan wala na rin akong mapiga sa sarili ko.

Salamat sa pagbisita at patuloy na pagbabasa sa mga post ko. At salamat sa mga pang unawa sa takbo ng magulo kong utak at mundo. sarap siguro magwork sa ibang bansa noh? Ingat palagi mga pinoy!

William Buenafe ayon kay ...

Maraming salamat din po sa iyong pagbibigay ng pansin sa komento ko.

Di ko mawari mukhang ako ay nabatubalani, sa lalim ng iyong mga bukambibig.

(Hahahahaha - nakakahawa ka :-))

I just want to say hi and hope we can be email mate (if there is such a thing LOL)

Again Thanks
William (williambuenafe1972@yahoo.com)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

TRUE Ineng....
magdasal ka ng magdasal sa mga yan...
pero san ka naman mag thathank you???
nagawa mo na bang mag thank you???
happiness??? hoy hindi kaya happiness ang issue dito... diyos kaya ni blog owner... well anyway komento lng naman etich so wag magalit kundi basag ang bungo mo...
so paano ka nagdadasal???
ibat-ibang lingwahe din ba???
or merong special na dasal para sa mga iyan...