Matagal ko nang napanood ang pelikulang ito (Me, You, Them) ni ________ kuwento ito ng isang babaeng may tatlong asawa o kinakasama sa loob ng iisang bubong, Nakakaloka! Kaya nga nung mapanood ko ito gusto kong lumuhod at purihin ang babaeng ito.
Dahil may nakilala nanaman akong lalaking sa palagay ko ay makakasundo ko at type na type ko, naalala ko tuloy ang pelikula. Naiisip ko tuloy kung pwede kayang gawin yun? Siguro naman pwedeng-pwede dahil unang-una hindi naman ako nabibilang sa kung anong relihiyon na maraming bawal. Bininyagan akong katoliko, syempre dahil katoliko ang mga magulang ko, pero hindi ibig sabihin noon na tinangap at isasabuhay ko ang mga doctrina nila.
Kaya nga tinanong ko isa kong kaibigan kung posibleng gawin yun, sabi naman niya impossible daw. Eh ako naman si gaga na gusto lang atang i-justify ang gusto ko; sinagot ko naman siyang eh bakit ang mga muslim at mga Bla’an (isang tribo sa south cotabato) pwede mag-asawa ng marami? Naloka ako sa sarili ko para akong bata nito.
Well syempre sagot ng kaibigan ko, dahil muslim yun! At isa pa lalaki lang ang allowed sa kanila ng ganun! Ay unfair! Bakit ganun? Teka nga bakit ba ganun? Naalala ko tuloy ang isang dialogue ng isang character sa movie na HISTORY BOYS ito ang kanyang definition ng History – “History is a woman following behind with a bucket.!” Alam ko mahirap baguhin ang mga nakasanayan na, isang malaking hamon talaga sa mundong ito na pinaghaharian ng mga nilalang na may ipinagmamalaking “piece of skin and muscle” sa pagitan ng mga hita nila. Na ang isang babeng katulad ko ay magkaroon din ng mga pribilihiyo na sila lamang “daw” ang dapat na magkamit. Sorry, tinatawag ko itong syang privilege na pinauso at pinairal lamang ng lahi nila. Kung magagawa nila bakit hindi tayo? Sabihin na natin halimbawa na sa pagkakataong ito muslim ako, well I can be flexible pwede rin akong comunista or hudyo bukas, huwag na kayong umangal buhay ko ito at sinusubukan ko lang ilatag sa inyo kung ano ang mga pwedeng gawin ng isang babaeng katulad ko.
Hindi ba pwede tayong mamili at pwede natin gawin ang mga bagay na gusto natin! Pero, syempre unang-una dahil sa may partner ako sa kasalukuyan itatanong ko muna sa kanya kung papayag siya sa ganitong set-up, hmmm ito ang mahirap dito. Teka naisip ko, noong pumunta ako sa South Cotabato para sa isang research project, nagkaroon ako ng chance na mabisita ang community ng mga Bla’an sa bulubundukin ng South Cotabato. Isa sa weird na kultura nila ay ang pagkakaroon ng maraming asawa ng mga kalalakihan, syempre katulad ng muslim dapat unang-una kakayanin mong buhayin ang mga asawa at magiging anak nyo. Pangalawa, dapat may consent ng unang misis mo na mag-aasawa ng isa pa at ititira mo ito sa bahay ninyo. Sa kultura naman nila, talagang papayagang mga asawa nilang babae, dahil lahat ng mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga bata ay ipapasa niya sa pangalawang asawa! Eh di ang siste buhay reyna sya! Wala Na syang gagawin kundi ang magpahinga at matulog buong maghapon! Ha,ha, ha magandang ideya noh! Kaya naman karamihan sa mga lalaki dun ay may isa o tatlong asawa at syempre lahat ng asawa nila masaya dahil habang dumadami ang asawa ng asawa mo aba’y lalo kang nagiging buhay reyna!
Kaya kung papayag ang partner ko, mukhang magiging masaya ang buhay mag-asawa namin ME. YOU, THEM! Or sa amin kung sakali ME, YOU, HIM! Hahaha. Sana lang wish ko, pumayag sya kasi kung sakali papayag naman ako kung sya naman ang humiling na magdadala siya ng babae sa bahay namin! Kaya kung sakali pwedeng swinger or orgy ang drama naming apat!
WHAT IF EVERYONE DECIDED RIGHT OR WRONG FOR THEMSELVES, WITHOUT ANY REGARD FOR CONVENTIONAL MORALITY? WHAT IF EVERYONE DID WHAT THEY WANTED TO, WITH THE COURAGE TO FACE ANY CONSEQUENCES? WHAT IF EVERYONE FEARD LOVELESS, LIFELESS MONOTONY MORE THAN THEY FEAR TAKING RISK, MORE THAN THEY FEAR BEING HUNGRY OR COLD OR IN DANGER? WHAT IF EVERYONE SET DOWN THEIR "RESPONSIBILITIES" AND "COMMON SENSE"? AND DARED TO PURSUE THEIR WILDEST DREAM, TO SET THE STAKES HIGH AND LIVE EACH DAY AS IF IT WERE THE LAST? THINK WHAT A PLACE THE WORLD WOULD BE?
DISARM AUTHORITY! ARM YOUR DESIRES!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento