The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Agosto 24, 2007
BIYAHE…
Gusto niyang tumawa at sumigaw ng malakas! Naloloka siya sa halo-halong emosyong nararamdaman sa loob niya. Ngunit nagdalawang isip siyang ibulalas ang nararamdaman, mahirap na baka mapagkamalan siyang baliw ng mga katabi niya sa sinasakyang van pabalik ng Cebu. Ngunit naisipan niyang pagbigyan ang sarili, nagpakawala ng abot tengang ngiti at sunod-sunod na malalim na buntunghininga… “Whew! Ang hirap magpigil ng damdamin lalo na’t napaka-positibo nito” usal niya sa sarili.
Nakangiting kinuha ang mobile phone at nagtxt … “ I love being myself!” at muling nagpakawala ng malalim na buntunghininga, upang maibsan ang halos sumabog niyang damdamin dahil sa labis na kasiyahan.
Itinuon niya ang pansin sa labas ng bintana, masikip ang upuan at halos isiksik siya ng dalawang lalaking nakaupo sa tagiliran niya. Deadma! Wala siyang pakialam kahit na ipitin pa siya ng dalawang damuhong ito! Masaya siya at walang makakasira sa napaka-gandang mood na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Napakaliwanag ng buong kapaligiran, napaka-ganda ng lahat! Kasabay pa ng magandang tugtog na naririnig niya mula sa radio ng sasakyan, hindi na lamang niya pinansin ang boses palakang kumakanta sa tagiliran niya kaya solve pa rin! tipong road trip ang dating “sana araw-araw ganito” mahinang bulong niya sa sarili.
Galing siya ng Dumaguete Negros, napakalapit lamang pala nito sa Cebu halos apat na oras lang na biyahe sa bus o van at 20 minutong biyahe sa pumpboat or barge patawid sa kabilang isla. Napaka- strategic na isla ng Cebu, nasa gitna kasi ng bansa kaya’t kahit saan mo balakin magpunta mapa Mindanao, Luzon o ibang isla ng Visayas halos lahat malapit! minsan nga hindi siya makapaniwala sa mura ng pamasahe.
Teka, bakit nga ba siya napadpad ng Dumaguete? Ha,ha hindi siya makapaniwala… nakakaloka mang isipin na dumayo siya sa nasabing lugar para lamang makipagkita sa isang LALAKI! Ewan pero hindi niya rin alam kung anong kalokohan ang nagawa niya … pero ang importante masaya naman siya at hindi siya nagsisi sa naging desisyon niya.
Matagal na rin naman niyang ka-chat (kahit na paminsan-minsan lang ito kung mag-online) ang lalaking iyun, kaibigan din ng mga kaibigan niya sa Manila at masasabi niyang kasama niya sa isang adhikain (ewan kung ano iyun?) Basta pakiramdam niya lang may-bonding silang dalawa! Yun lang … pwede na rin siguro i-consider na nasa friendster list niya ito (he,he) Nitong mga huling araw kasi halos araw araw niya na itong kausap on-line, sa hindi malamang dahilan napagkasunduan nilang magkita, ang problema dahil sa dikta ng tadhana lumabas na siya ang dapat na bumisita sa Dumaguete sa halip na ito ang tumawid ng Cebu.
Syempre, kung makikipagkita ka sa isang lalaki ano pa nga ba ang inaasahan mong mangyari? Kaya para maihanda ang sarili at ang partner niya, nagpa-alam na siya dito na baka sa mga susunod na araw eh maisipan niyang dumalaw ng Dumaguete. Dahil sa alam niya namang mataas ang IQ level ng partner niya, kaya alam niyang alam na nito na kung ano ang gusto niyang mangyari sa pagpunta ng Dumaguete. Kaya naisipan nilang magplano kung kelan siya aalis para i-meet ang lalaking minsan niya lang maka-chat!. Wala namang masyadong paalala ang partner niya basta be safe lang un na!
Tamang-taman naman na holiday para sa obserbasyon ng pagkamatay ni Ninoy, kaya Sabado ng umaga sumakay na siya patungong Dumaguete. At matapos nga ang halos apat na oras na biyahe, habang katxt naman sa daan ang lalaki pupuntahan niya nakarating din naman siya ng walang gaanong problema… yun nga lang gutom na gutom siya dahil hindi man lamang niya naisipang mag-almusal bago bumiyahe.
Hmmm so ikaw pala yun? Medyo nag-aalinlangang bulong niya sa sarili nang makita ang lalaki, mahirap talagang mag-expect madalas kasi sabit eh. Pero since nandito na ako go! Tara kung saan mo gusto pumunta” dagdag niya pa sa sarili at buong tamis na ngumiti sa higanteng nasa harapan niya! Six footer! Hangang balikat lang siya nito pero ayos lang…. Nagyaya ang lalaking sa wakas ay nakita niya sa unang pagkakataon sa isang resort sa labas ng Dumaguete City.
Paano ko nga ba bibigyan ng hustisya itong nagawa ko? Bulong niya sa sarili… syempre alam niya namang hindi ganun kakitid ang utak ng lalaking kasama niya. Naintindihan din naman nito ang takbo ng utak niya at mga desisyon. Sabi nga niya dito noong minsan nagkausap sila on-line, na kung makikipagkita siya rito kung sakali; hindi ito dahil sa lalaki mismo, at hindi ito usapin ng sex or kalibugan lang.
Para sa kanya malalim ang kahulugan ng ganitong desisyon, may pinangagalingan ang mga saloobing ito, syempre bukod sa may konting physical attraction sya dito, isinaalang-alang niya rin ang takbo ng pag-iisip ng lalaking kasama niya ngayon. Teka bakit nga ba niya ito nagustuhan? Sa puntong humantong pa siya sa pakikipagtalik? Unang-una alam niyang hindi iisipin ng lalaking ito na “pokpok” siya o “easy to get” dahil sa nakipagkita siya dito, pangalawa sigurado siyang hindi iisipin ng lalaking ito na “naisahan” nito ang partner o kinakasama niya sa kasalukuyan dahil unang-una alam ng partner niya na makikipagkita siya rito at natural alam ng partner niya na may mangyayari sa kanilang dalawa! , pangatlo alam niyang ito ang gusto niyang gawin sa mga oras na ito at handa siya sa anumang kahantungan ng mga pangyayari.
Nang ihatid siya nito sa pier kung saan siya sasakay ng pump boat pabalik ng Cebu, bukod sa kuwentuhan tungkol sa kabulukan ng sistema ng mga paaralan sa lugar nila at pulitika napaka-casual lamang ng pamamaalam nila sa isat-isa isang “friendly” high five!? At ngiti lang parang sinabi lang nila sa isat-isa na salamat at ingat ka. Walang kadramahan at kakornihan! Simple lang!
Kaya naman ngayon… habang bumibiyahe siya pabalik ng Cebu matapos ang isang masaya at makulay na araw na inilagi niya sa Dumaguete hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya lubusan siyang LUMAYA bilang isang BABAE! Naisip niya sino ba namang tao sa buong Pilipinas ang bumibiyahe pabalik sa kanyang mahal o pamilya matapos ang isang “kataksilan” na ganito kapositibo ang nararamdaman? Wala ako lang!
Walang guilt, walang worries…. Na baka isang araw malaman ng kinakasama niya na ginawa niya ito, o kaya sa pagbalik niya tanungin siya ng mga dadatnan niya sa bahay kung saan siya nangaling at anong ginawa niya at bakit hindi siya umuwi at saan siya natulog kagabi?! Alam niya walang magtatanong sa kanya ng ganun at alam niyang hindi siya magtatahi ng mga kasinungalingan sa oras na makarating siya ng bahay. Napangiti na lamang ulit siya sa kaisipang iyun.
Matapos ang apat na oras na biyahe nasa Cebu na ulit siya, nakangiti at masaya parang gusto niyang kumaway sa mga taong nakaabang sa terminal “ Gusto niyang sabihin, hello I’m back!” Nasa Cebu na ulit siya… balik trabaho, balik sa nakakasawang routine ng buhay opisina pero at least alam niyang sa pagkakataong ito may masarap siyang baon araw-araw. Lalong nadagdagan ang tuwang nararamdaman niya nang makita niyang naghihintay sa kanya sa terminal ang partner niya, ang lalaking nakasama niya ng halos mahigit pitong taon, nakangiti itong sumalubong sa kanya at agad na kinuha ang dala-dala niyang bag at magka-hawak kamay silang naglakad palabas ng terminal.
Muli naalala niya ang paborito niyang linya sa isang babasahin:
“THE DESIRE TO CHANGE THE WORLD REMAINS MERELY AN ABSTRACT IDEAL OR A POLITICAL PROGRAM UNLESS IT BECOMES THE WILL TO TRANSFORM ONE’S OWN LIFE!”
(Wolfi Landstreicher - Againts the Logic of Submission)
-END-
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
4 (na) komento:
dahil lang sa isang gabing ligaya, bumiyahe ka pa? ang lupit mo!!!!!
ha,ha huwag ka nang makialam... baksyon na rin un ano ka ba? palibhasa..... he,he
May kasabihan nga na ang pinagpawisan mo ay pinahahalagahan
mo, FREEDOM is always paid for with a price, so ENJOY IT.
Ms Samadhi, its seem to be a habit for me now to check on your blog.
Why, maybe you can tell me hahaha
Your wits really is a breath of fresh air, ika nga.
Hope we can be a regular friend.
Tah tah...
William (williambuenafe1972@yahoo.com)
salamat po!
Mag-post ng isang Komento