This is my love story… magandang simula para sa isang makahulugan at magandang nobela ng pag-ibig…Sana. Pero dahil sa alam ko namang walang kwenta at hindi ko rin alam kung ang mga karanasang isusulat ko ngayon ay akma bang tawaging love story or kuwento ng pag-ibig ang nasa itaas ang nilagay kong titulo para maiakma dito. Stupid Love Story, siguro tama kasi hindi naman seryoso o madrama ang kwentong pag-ibig ko.
Teka, sa naalala ko nagsimula akong magkaroon ng crush noong grade one palang ako, syempre alam kong crush ang tawag dun pero dahil sa bata pa ako, mahirap sigurong malaman kung tama nga bang ganoon ang itawag ko sa nararamdaman ko sa lalaking ka-klase ko noon. Ewan, pero may mga tao talagang espesyal para sa atin bukod doon sa madalas nating kasapakan noong maliit pa tayo. ]
Totoo rin namang gustong gusto kong makita ang kaklaseng crush ko sa tuwing papasok ako ng room namin, deadma na kahit minsan ay napapansin kong parang nagswimming ata sa pusali ung crush ko sa sobrang dungis at dumi ng damit nya. At feeling ko rin siya ang pinaka gwapo sa mga kaklase kong lalaki kahit na madalas eh tuksuhin sya dahil sa bulol niyang pagsasalita. Pero syempre katulad ng madalas mangyari, ung crush ko ay may crush ding iba, sino pa kundi ang kaklase kong babae na maganda sa aming lahat dahil sa bukod na maputi eh mayaman ang mga magulang.
Naging kaklase ko hangang sa pag-dating ko ng grade six ang unang crush ko, dumating din sa point na nalaman niyang crush ko siya at madalas akong tuksuhin ng mga kaklase ko kapag nasa malapit sya. Na madalas namang mauwi sa habulan at batuhan ng kung anong madampot ko, ewan basta napansin kong ako ata ang madalas na tuksuhin at asarin ng mga kaklase kong lalaki noong elementary ako, siguro ginaganahan sila kasi madalas kapag sinimulan nila akong tuksuhin umaabot sa isang oras na habulan sa loob ng campus ang nangyayari. Syempre hindi man lang naging kami ng unang crush ko, dahil sa lumuwas ako ng Maynila para mag-aral ng High School nabalitaan ko nalang na lumuwas din ng Manila ang hinayupak at tinamaan ng lintek na lalaking iyun upang makapag-asawa ng isang hindi ko malaman kung sales lady sa Divisoria o isang katulong. (manlait ba?)
Noong nag-High School naman ako, syempre may crush na naman ako (lumandi nga noong elementarya high school pa?) Nasa ibang section ang naging crush ko noong High School ako, sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko natipuhan ang lalaking iyun na bukod sa sobrang puti eh akala mo baklain dahil sa lamya ng katawan (pero sa pagkaka-alam ko certified lalaki sya hangang sa ngayon) Pero iba na ako noong mag high school dahil ang style ko lalapitan ko isa isa ang mga kaklase kong babae at sasabihin ko na kunwari may sekreto ako at siya lang ang nakaka-alam at irereveal ko sa kanya kung sino crush ko! He,he (sekreto pa ba yun?)
Kaya tulad ng inaasahan nalaman ng buong section malamang pati ng buong campus kung sino ang crush ko! Na nauwi naman sa tuksuhan dahil noong magsecond year kami naging kaklase namin ang crush ko! (yeheey!) Naalala ko pa dialogue ng teacher naming sa values education noong unang araw ng pasukan
“Ano naman ngayon kung may crush si (pangalan ni espesyal someone) kay Janet?”
Maganda na sana at halos tumalon ang puso ko kung hindi lang ma-epal ang isang kaklase ko na nagsabing
“Ma’am mali po kayo! Si Janet lang ang may crush kay (pangalan ni espesyal someone)!”
At syempre katulad ng dapat asahan hindi naging kami ni Espesyal Someone, dahil noong mag third year kami nagkaroon sya ng girlfriend sa kabilang section. Syempre ano pa nga ba ang gagawin ko alangan namang tumalon ako sa apat na palapag ng eskwelahan namin dahil sa bitterness! Of course not!
Kaya ibinaling ko ang pansin ko sa isa kong kaklaseng lalaki na itinuring ko namang bestfriend! Punyeta, iyun ata talaga ang pagkakaintindi niya, magkaibigan lang kami kaya madalas ako ang ginagawang tulay ng anak ng tipaklong na lalaking iyun! sa lahat ng babaeng nililigawan niya. Sa akin magpapahatid ng sulat, sa akin magbibilin ng mensahe, ako uutusang magpaalam sa teacher kung bakit malalate sya habang nakikipag date! Buwisit!!!!
Ano pa nga ba ang dapat asahan? Syempre hindi naman ako masamang kaibigan kaya todo suporta nalang ako sa lahat ng mga nagging relasyon niya. Sa awa ng Diyos proud ako sa kanya dahil hangang sa ngayon ang nakatuluyan niya ay ang babaeng girlfriend niya simula noong third year high school palang kami! Syanga pala may anak na sila ngayon, ang walanghiya hindi man lang ako kinuhang ninang?!
Kaya nag College akong hindi man lamang nagkaroon ng boyfriend! (Hu,hu,hu) Syempre naisip ko katulad ng mga tipikal na babae, “abnormal ata kung hindi man lang ako magkaka-syota?” Kaso ang masaklap noong unang araw ng pasukan sa kolehiyo, sa tinamaan ng kidlat na professor ko sa Biology ako nagka-crush!!!! Disaster ito malamang!
First time magturo ni sir kinakabahan pa, at katatapos lang ata niyang mag masteral? Basta alam ko 25 years old siya noon at 17 years old naman ako tinatandaan ko kasi halos araw-araw kong binibilang kung ilan ang agwat ng edad namin. Dahil sa ako ang pinaka makulit sa mga kaklase kong babae noon sa section namin, syempre nakuha kong gawan ng paraan kung paano makalapit sa teacher kong crush ko. Natatandaan ko imbes na apat na armchair lang bawat row naging lima dahil sumingit ako sa gitna, halos harangan ko ang center isle ng classroom namin! Syempre ngiti lang si sir sa kabibohan ko he,he masyado ata akong obvious noon? At bago matapos ang unang araw ng pasukan nakuha ko na agad ang totoong pangalan ni Sir (hmmm mabantot hindi bagay sa kanya, amoy matandang hukluban dahil Junior siya) nakuha ko rin eksaktong address niya at telephone number! Ang tindi diba?!
Hindi ko alam kong ganun ang epekto ng pag-ibig, dahil madalas kahit na halos matunaw si sir sa kakatitig ko habang naglelecture sya lagi naman akong bokya sa mga exams niya! Dyahe! Pero deadma lang, halos gabi-gabi akong tumatawag sa bahay nila lahat ata ng alibi sinabi ko na kahit yung mga alibi ng ibang kaklase ko nagamit ko na maka-usap ko lang sya sa phone. Hindi ko alam kung mabait siya o type nya rin ako? (ehem) dahil nakikipag kuwentuhan naman sya sa akin kapag tumatawag ako. At dahil sa madalas na pag-tawag ko nakilala ko na halos ang buong angkan nila pati ata mga ninuno niya kilala ko na, dahil sa madalas na pakikipag chika ko sa mga kapatid niya na mabait din naman sa akin.
Pag-umaga naman halos araw-araw akong nasa faculty room para tingnan sya, bukod sa madalas kong pagbeep sa kanya ng mga sweet nothings na kung kani-kaninong pangalan gamit ko (wala pang CP noon 1997) tapos madalas ko pang gawing alibi ang pag-bisita sa ibang mga professor namin sa faculty room nila para lang matanaw sya kahit sandali. Madalas nga hinaharang na ako ng guard sa tuwing papasok ako sa faculty room dahil alam niyang wala naman akong importanteng gagawin sa loob. Sa totoo lang alam ata ng halos lahat ng professor sa university na crush ko ang biology professor ko! In fairness ha hindi man lang ako nakaramdam ng hiya ng mga panahong iyun.
Makapal ata talaga ang mukha ko o baka super inlove lang talaga ako noon kaya parang against all odds ang drama ko? Dagdagan pa ng dramang professor at estudyante kaya hindi dapat magkatuluyan, kaya ayun! ako namang si gaga masyadong dinidibdib ang kaisipang iyun. Madalas akong mag-emote na dinadaan sa pagsusulat, sa totoo lang napuno ko ang isang notebook ng mga tula, story at kung ano anong drama, masyado akong inspired dahil sa kanya. Ang nakakaloka pa, umiikot ang notebook ko na iyun na parang diary ko na rin sa buong klase namin, in short lahat ng mga classmate ko binabasa ang laman ng diary ko! Na wala naman ibang laman kundi si Sir! Puro si Sir!
Hay naku! Hindi ko ma imagine ang mga kagagahang pinagagawa ko, First year ako at first semester ko sya professor, at ang isang nakakaloka pasang awa ako sa subject niya as in TRES! Paano ba namang hindi eh wala ata akong ipinasang exam sa kanya! Hindi ko alam kung bakit wala akong natutunan sa kanya noon samantalang isa sa paborito kong sabject ang biology noong high school ako ! Nakakabobo nga ba ang pag-ibig? Malamang Oo !
Pahahabain ko pa ba ito? Syempre walang nangyari sa mga ilusyon at pantasya ko kay Sir! Dahil noong mag second year college ako nalaman ko nalang na girlfriend niya ang isang estudyante ng Management, (Masscomm po kasi ako noon) na ka batch ko! Ang sabi naman ng hayup na professor ko 19 na daw ang babae kaya niya niligawan at hindi niya na rin daw hawak ang section nito kaya feeling niya legal na maging-ON as in magkarelasyon sila. Teka bakit kaya parang nagpapaliwanag siya sa akin? Syempre sino ba naming hindi eh halos hindi ko siya tinigilan sa kakakulit noon kung bakit siya nakipag relasyon sa isang estudyante rin lang….(bakit hindi nalang ako? Hu,hu) Drama ko talaga noon, halos magunaw ang buong mundo ko ng mga panahong iyun. Pero ano ba naman panama ko sa babaeng iyun eh siya ata ang pambato ng klase nila sa mga beauty contest sa school namin! (I rest my case!!!!! Waaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!)
Hayyysssss….. wala ata talaga akong swerte pagdating sa Pag-ibig, kaya siguro napagod na rin puso ko kaya simula noong mabigo ako sa punyetang professor ko (na hindi ko alam kung nasaang lupalop na ng pilipinas ngayon, hindi ko sya mahagilap kahit sa pinoy search o sa friendster) Tumigil na rin ata ang malikot kong puso sa paghahanap ng matitipuhan, pero ok na rin naman dahil parang one of the boys ang drama ko hangang sa mag-fourth year college ako. No boyfriend, no string attached, no commitment, etc. Nag-enjoy din naman akong makasama ang mga kaklase kong lalaki bilang isang barkada lang, at maging parte din ng isang barkadang puro babae na marunong umintindi sa takbo ng utak ko.
Taong 2000, sa isang gay pride march sa Malate Manila, ko nakilala ang lalaking pwede ko sigurong ituring na unang nagpatibok ng puso ko. Parang…siguro love at first sight? Meron ata talaga noon ung tipong sa unang sulyap mo palang sa kanya mapapabulong ka at last ito na….
Pero syempre akala ko kapag naramdaman mong wow this is it! Wala nang magiging sagabal, iyun pala hindi dahil may girlfriend na siya na halos dalawang taon niyang karelasyon. Kaya ang nangyari naging magkaibigan muna kami na nauwi rin sa pagiging “the other woman ko” malas ko talaga! Hindi bale, ok lang hindi naman ako ang tipo ng babaeng naghahangad ng eksklusibong relasyon, pag may time ka go tayo pero pag wala fine. Kaso, ang girlfriend niya gusto ng exclusivity kaya ayon dumating sila sa puntong “Who’s who, which is which” ang drama na nauwi sa pagbreak-up nila.
Ako naman, syempre aarte pa ba ako? Pagkakataon ko na ito… kaya ang nangyari naging exclusive din kami sa isat-isa paminsan-minsan hangang sa maisipan naming mag-sama. Kaya ito kami ngayon mahigit pitong taon ng minsan magulo, madrama, madugo at masayang pagsasama.
This is my stupid love story…sana kinapulutan nyo ng aral ang kuwentong pag-ibig kong ito he,he,he. (ay teka sabi nila kapag he,he, he daw malibog kaya Ha,ha,ha tawa na pang matalino!) he,he este ha,ha
2 komento:
Kaya pala, tsk tsk tsk kaya pala,
Hoy huwag mo namang gantihan ang mga lalake ngayon, dahil lang sa mga tears mo noon, hahahahahahaha
nakakatakot ka talaga.
kuya hindi po ako gumaganti sa mga lalaki sa katunayan po mahal na mahal ko silang lahat at gusto kong ampunin at pag aralin! hehehe mamasang? hahaha. Seryoso, wala po akong galit sa mga boys...
Mag-post ng isang Komento