Imagine...
nasa harap ka ng computer, halos luwa na ang mata ng computer monitor sa kakatitig nito sayo habang hinihintay nito ang pagkilos ng mga kamay mo sa inip na ring mga keyboard.
Imagine...
Halos isang oras na atang ngawit ang upuan sa pilit at matiyaga nitong pagtitiis sa bigat at lapad ng pwet mo, habang ang sandalan naman nito ay halos mapangiwi na sa bigat ng likod mo dahil sa iyong pagkakaupo.
Imagine...
Kanina pa tumatakbo ang oras at malamang time out ka na at lugi nanaman sa computer rent at internet fee ang sarili mo dahil sa haba ng nasayang mong oras sa paghihintay.
Imagine...
Pilit mong hinuhugot ang imahinasyon sa pagod at tuliro mong utak, ngunit bigo pa rin at hindi mo makuha ang inaasam na ideya.
Imagine...
wala kang maisulat sa blog na pilit mong binubuhay muli para sa mga taong matiyagang naghihintay ng kanilang mababasa.
Imagine...
Dilat ang mga mata nila sa harapan ng computer monitor, naka-upo sa mga nakasimangot nang upuan at lugi nanaman sa renta ng computer habang pilit na hinuhugot sa mga imahinasyon nila ang ideyang nais mong maasam... Ngunit bigo pa rin...
Imagine...
6 (na) komento:
imagine natutulog ako na walang salawal pero nakajacket. ang sagwa no hehehe? pero yan ang ginagawa ko ngayon bwahahaha
random blogger here. takte, nakakasabaw, lutung-luto utak ko, hindi na pinapasok ng imahinasyon
imagine... umiral nanaman ang pagiging kulafu mo hehehe pasaway. Teka asan na copy ko ng nobelang ipinagmamalaki mo?
jen... tama ka sistah kaya ngayon lang ulit na update blog ko. Nga pala ganda ng blog mo...
Imagine..............................................................................................................................................................................................................................................by John Lennon. Wala lang. May masabi lang. hehehe
imagine sa ka iimagine mo eh ang haba na ng posting and yet sabi mo walang ideang pumapasok sa iyo.
na miss mo na imagining ia a big idea pala.
hahaha
Mag-post ng isang Komento