Wala lang... dumadalaw lang sa blog kong ito, hindi ko lubos maisip kung bakit madalang na lamang akong makapag-post dito. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapagsulat, ibig kong sabihin makapagsulat ng mga bagay na gusto kong isulat (mga bagay na walang kinalaman sa trabaho ko), hindi ang magsulat ng mga bagay na dapat kong isulat sa ayaw at sa gusto ko! Katulad ng mga reports, memo, correspondence etc.
Hindi ko pa nga ata nasasabi sa mga malugod kong mambabasa, sa mga taong madalas bumisita dito noon na nasa Cebu na ako ngayon. Isang taon mahigit na ako sa Cebu! Dahil sa trabaho, pero ayos lang mas maganda rito kumpara sa manila tahimik minsan magulo din, walang trapik kapag hindi rush hour, at ang pinaka the best kalahating minuto lang kung gusto mong marating ang bundok nasa bundok kana, o kung gusto mo marating ang pinakamagandang beach nandun kana.
Nakakamiss din naman ang Manila... lalo na ang mga international film festival na libre! ang luneta! ang mga kaibigan at mga kaaway ko! At ang mga rally at welga na madalas mong makita sa Edsa o Mendiola!
Nakakailang bisita na rin naman ako sa Manila simula nang malipat ako ng Davao at Cebu! Sarap ng feeling kapag makikita mo na ang matataas na mga building, ang Manila bay, ang kahabaan ng Edsa habang bumaba ang Eroplanong sinasakyan ko para maglanding sa NAIA. Pakiramdam ko lagi akong bagong salta kapag bumibisita ako ng Manila, ung huli nga naloko pa ako ng hinayupak na taxi driver! Tama ba namang singilin ako ng 500 mula NAIA hangang sa Intramuros?! Pero ayos lang huwag lang akong maholdap ng driver mismo ng taxing sasakyan ko. (pero parang ganun na rin un ah?)
Nakakatuwa ring makasama ang mga dating kasama sa trabaho, sa eskwela, mga kapitbahay, kaibigan at sa totoo lang laging kulang ang araw ko kapag napapadalaw ako ng Manila sa dami ng gusto kong puntahan at dalawin. Pero syempre hindi ko pinalalagpas ang Luneta, aba hindi mo mararamdamang nasa Manila ka kapag hindi mo man lang itatapak ang mga paa mo sa Luneta noh! Pero ako higit pa dun ang dahilan ko, para sa akin parang "Im home again" ang drama kapag nasa Luneta ako. Kailangan ko pa bang sabihin kung bakit? Hindi na siguro....
Sarap talagang mapadalaw...paminsan-minsan pero dito sa BLOG ko asahan nyong hindi lang dalaw ang gagawin ko dahil araw-araw na akong maglalagi dito! Kaya asahan nyong may mababasa na ulit kayo dito, kitakits palagi!
3 komento:
nabuhay ka!!! langya ka lumuluwas ka pala dito di ka man lang nagpaparamdam!!!!
di na ako matutuloy sa cebu dahil nauna na sina carlo capras dun, galing na kami sa iloilo last week, baka next week e sa bicol naman.
GERI HERE: Existential ang drama ng lola ko. I'm a reader of your blog, keep it inside yourself na lang, este, keep it up!!! love ya!
P.S.
Kailan kaya mangyayari na ang Luneta naman ang dadalaw sayo sa Cebu? carry mo kaya?? hehe
Huwag kang mag alala ililipat ko sa Fuente Osmena ang Luneta para malapit sa akin. Kaw naman ngayon nga lang ulit ako nagbalik loob sa blog ko kasi nagtatampo na eh, sawa na raw sya sa mga pics kong walang kwenta! He,he
Mag-post ng isang Komento