Agosto 9, 2006

Mga Makukulit na Tanong...

Bumisita sa bahay nung isang araw ang pamilya na aking kapatid. Nanahimik ako sa isang tabi ng bulabugin ako ng aking pamangkin na walang kasing kulit. Hindi para makipaglaro kundi para magtanong ng magtanong..heto mga katanungan nya..

1. Tita, bakit si Superman may kapa? Hindi ba siya makakalipad kung wala un? - naloka ako..itanong ba sa akin un? sagot ko lang para maganda tingnan, fashionista kasi siya..

2. Eh bakit pula? - Hala, pati ba naman kulay pakialaman pa nya ha..sagot ko lang, kasi favorite color nya un (he he may maisagot lang)

3. Bakit hindi nagugulo buhok nya pag lumilipad? - hays...sabi ko na lang kasi naka gel siya.

4. Bakit pag lumilipad si Superman eh nakasara ung kamao nya? - at pati ba naman un?..may karugtong pa na tanong. anong hinahawakan nya? may tinatago ba siya?. eto nman sagot ko, kasi andun ang energy..(ngi anong koneksyon?)may batong hawak actually si superman, nagtataguan bato sila ni lex lutor kya ganon...

5. Nakasuot ba ng sapatos si Superman? naka boots ba siya? - ah eh..ewan ko kasi ndi ko pansin eh..

6. Bakit Letter S ung nasa dibdib nya? - sagot ko naman, siyempre ibig sabihin nun Sperman este superman pala..Ibig sabihin un na ung pangalan nya bago pa siya napunta ng mundo kasi diba mga tao lang nagbigay ng pangalan sa kanya? - ay ganon tamang pag isipan pa ang ganong bagay?

7. Tita, favorite color din ba ni superman ang blue? - ha ha kaloka talaga, lahat na lang, sagot ko sa kanya oo, actually two colors lang ang kilala ni superman ang red at blue...

8. (eto pa) Kung si superman eh superman ang tawag, ano tawag sa momi at dadi nya? supermom and superdad? - grrrr...ang kulit talaga ha?!

Sa tamang pagiging pasaway ng pamangkin ko, sinabihan ko na tanungin ang kanyang ama dahil mas close sila ni superman..! At lumapit nga sa kanyang ama, narinig ko na lang "papa, bakit si superman..? (he he gudluck sa kapatid ko!)

3 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

ayos ang mga tanong a. buti di niya naitanong kung magaling sa kama si superman?

Mac ayon kay ...

hay naku randy buti na lang at hindi nya naitanong un dahil malamang eh..ehem..ndi ko alam ang isasagot he he...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ok yang tanong na yan mare !! ang maiisasagot ko sa iba kya yung kamay ni superman na nakatiklop may hawak sya ng vibrator at ska mahilg sya magsuot ng bota ng kulay pula !!!hehehe !!! oliver