The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Hulyo 28, 2006
Knowing Mr. Right
Gusto mo bang malaman kung ang kasalukuyang BF mo ngayon ay ang iyong MR. RIGHT? Marami at may madaling paraan para malaman mo ang isa sa ultimate question mo sa buhay. Sa mga kadalagahan ngayon na nagdadalawang isip at naguguluhan kung magpapatali na nga ba sa BF nila o hindi narito ang ilang panuntunan upang malaman mong si BF na nga ba ang Mr. Right mo.
1. Syempre unang una dapat malaman mo kung handa ka ba at feel mo bang makasiping si BF in the future (that is kung hindi nyo pa nagagawa yun). Kung hindi mo maimagine ang sariling ka-sex si BF aba’y ngayon palang hiwalayan mo na dahil walang saysay ang relasyon nyong yan kung sakali.
2. Nakakaramdam ka ban g chuvachuchu, ibig sabihin ng kilig at kabog ng dibdib sa tuwing kasama mo si BF?
3. Pakiramdam mo ba kuntento ka na sa BF mo ngayon kahit sa tuwing naglalakad o namamasyal kayo kung saan saan din namamasyal ang mga eyeballl mo. Kuntento in a sense na kahit may poging nakangiti sayo kay BF pa rin ang smile mo.
4. Ito importante, nauutusan mo si BF na bumili ng sanitary napkin mo na hindi ka nararamdam ng kahit konting pagka-ilang o hiya man lang. At ganun din si BF tipong naintindihan ka niya at para bang normal lang sa kanya ang ibili ka ng sanitary napkin na parang bumili lang ng yosi sa tindahan.
5. Walang inhibisyong naipapakita mo sa kanya ang kahubdan mo kahit alam mong tatlong layers ang bilbil mo o kuweba sa itim ang singit mo.
6. Hindi ka nahihiyang magpabunot ng buhok sa kili-kili kay BF.
7. Alam ni BF ang lahat ng flaws at asset mo. At hindi mo ito ikinahihiya sa kanya.
8. Pakiramdam mo safe ka at si BF na ang pinakaguwapo at machong lalaki sa tingin mo. Kahit alam mong duling sya o hindi man lang marunong magbasa.
9. Nalulungkot at hindi ka mapakali kapag hindi nagparamdam ng ilang minuto si BF sayo.
10. Halos ka share mo si BF sa lahat ng bagay, pati sahod at kinikita mo sa sideline isina-share mo rin sa kanya, at ganun din sya sayo.
11. Nakilala mo na ang buong angkan ni BF pati ang kanyang mga ninuno.
12. Nanay o Tatay o Mama o Papa na ang tawag mo sa parents ni BF. At feeling mo part ka na ng buong pamilya ni BF.
13. Natutulog ka na o kumakain sa bahay ni BF paminsan-minsan.
14. Pakiramdam mo si BF na ang karapat dapat na maging ama ng magiging mga anak mo.
15. Nag-propose na ng kasal si BF sayo. At nagpaplano na kayo kung ilan ang magiging anak nyo in the future.
16. At syempre ang huli pinakasalan ka o naglive-in kayo ni BF.
Ang mga impormasyon sa itaas ay ilan lamang sa mga senyales ng isang maganda at may patutunguhang relasyon ng babae at lalaki o ng lalaki at lalaki o babae at babae. Pero kahit sabihin nating ang nararanasan mo ay ALL OF THE ABOVE mga 75 porsyento lamang ang nagtatagumpay sa mga relasyong may ganitong senyales. Dahil kahit na umabot na sa sakalan este kasalan at pagkakaroon ng labintatlong anak may mga mag-asawa pa ring nagkakahiwalay sa dahilang sila lamang ang nakaka-alam.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
4 (na) komento:
Hay naku bkla, ala me masabi..ndi totoo lahat yan! (bitter, he he)
hahahahahah ganun ba? fine, fine, fine
sorry neng i deleted ur post kasi naguguluhan ako eh heheh. Try making another entry ok. Love yah!
I say briefly: Best! Useful information. Good job guys.
»
Mag-post ng isang Komento