Hulyo 26, 2006

This One's For YoU!

Familiar ba sa iyo ang title ko? Kung ikaw na nagbabasa nito ngayon ay nagging bahagi ng buhay ko, ibig sabihin nakilala mo ako, nakasama mo ako o naka-away mo ako, kung ganun …this ones for you.

Wala lang, gusto ko lang mag-emote at magdrama ngayong mga panahong ito, hindi naman talaga drama ito sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong tawag sa ganitong mood. Madalas at normal kasi sa ating tawaging “emo” o pagdadrama ang paminsan minsan na ngalang nating pagsasabi ng totoo. Ang pagpapahiwatig at pagsisiwalat ng mg tinatago nating damdamin.

Guilt? Pwede rin, perpektong tao ako kaya nagagawa kong magsinungaling, manlait, magkasala, manlibak, mamuhi, magyabang,magpangap, magkunwari, at magtago ng mga damdaming negatibo para sa kapwa.

Kaya nga narito ako ngayon, pilit na isinusulat ang mga bagay na hindi ko magawang sabihin o gawin dahil sa pagiging perpekto ko. Masarap maging tao, dahil ibig sabihin noon may lisensya akong gawin ang mga bagay na minsan ay makakasama sa akin at sa kapwa. Salamat at hindi ako naging Diyos o santa dahil malamang hindi ko ito isusulat pag nagkataon.

At bilang isang TAO, marami akong nasaktan, maraming nagalit o namuhi sa akin dahil sa mga ginawa ko, sinabi, hindi ginawa o sinabi at inisip. Kaya sa lahat nga mga taong naargabyado ko, sinaktan, nilait, tinapakan, binastos, niloko at pinagkakautangan ng loob o ng kahit anong bagay naway mapatawad nyo ako at muling mabigyan ng panibagong pagkakataon at tamang panahon upang mapagbayaran at mabawi ko ang anumang pagkukulang at pagkakamaling nagawa ko sa inyo.

Alam kong hindi sapat ang paghinge ng tawad o paumanhin sa mga nagging pagkukulang ko sa mga taong ito. Subalit, umaasa akong nawa’y mabawasan ang sugat o sakit na dulot ng aking mga pagkakamali bilang isang tao. Sanay mapagaan ang mga loob nyo sa mga isinulat ko ngayon upang kahit papaano’y maging mas makabuluhan ang natitira pa nating panahon ditto sa mundo. Mahirap din kasing magkimkim ng sama ng loob at galit sa kapwa, para bang sa halip na maging masaya malaya at maging magaan ang mga araw natin minsan nasisira pa sa tuwing naaalala natin o nakakasalubong ang mga taong alam nating may pagkakasala sa atin.

Kaya naman nagkaganun, dahil inisip at itinanim natin sa isipan at puso natin na ang mga taong ito ay may pagkukulang at nagkasala sa atin, at hindi tayo matatahimik o magiging masaya hangat hindi natin sila nakikitang naghihirap o dumaranas din ng kapalarang ginawa nila sa atin. Kaya sa araw araw na ginawa ng kalikasan pasan natin ang bigat at kinikimkim na sama ng loob sa mga taong ito.
Kaya nga naisip ko minsan, sa bilyon-bilyong taong naninirahan ditto sa mundo isang malaking pagkakamali sa akin ang makilala ako ng isang tao dahil sa may ginawa akong mali o kasalanan sa kanila. Nakakalungkot isipin na nakilala ako ng isang nilalang bilang babaeng nagdulot sa kanila ng sakit o pagkamuhi.

Para sa akin minus 99% ganda points ang ganun, pero syempre hindi rin naman maiwasan na may mga tao ring nagkasala o nakasakit sa akin. Pero mas matatangap ko pa ng maluwag sa kalooban ang huli, ang masaktan ng mas madalas sa halip na makasakit paminsan-minsan.

Sabi nga ng lolo kong si Nietzsche “ There is much wisdom in pain as there is in pleasure” Masarap ang masaktan at madapa paminsan minsan, hindi naman dahil masochist ako kaya ko sinasabi to, pero kung iisipin at susuriin nating mabuti ang mga nagging karanasan natin mas nagiging matatag at maalam tayo matapos ang bawat pagkadapa natin at magdamag na iyakan. Dun kasi natin nare-realize ang mga kahinaan natin at matapos ang realization na iyon pumapasok din sa isipan natin ang mga ideyang magpapatatag sa atin bilang isang tao.

Siguro kung hindi ako umiyak kagabi dahil sa isang kahinaan ko bilang tao, at iyon ay ang katotohanang may mga tao akong nasaktan sa dalawampu’t anim na taong pag-iral ko ditto sa mundo. Hindi ko malalaman na ngayon ang tamang panahon upang hingin ko ng paumanhin at pagpapatawad ang mga pagkukulang at kasalanang nagawa ko sa mga taong iyon.

Wala nang sasarap pa sa pakiramdam kapag alam mong kahit papaano’y napatawad ka ng mga taong nakalaban mo sa mga nakalipas na panahon. O, kung hindi ka man nila napatawad, at least alam mong hininge mo ang kapatawaran nila sa paraang alam mo. Hindi mo na pasan ang bigat ng kasalanang nagawa mo kundi nasa tao nang nais na magkimkim nito sa loob ng mahabang panahon.

Hay, sarap ng feeling siguro pwede na akong kumanta ng “ang gaan gaan ng feeling” Kaya sa lahat ng nagbasa nito…paumanhin, patawad and peace be with you!

9 (na) komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

huuuuu!!! drama mo....(di ko pa nababasa e haba kasi ) heheheh

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

haba ng paghingi ng tawad...AMEN.....

Unknown ayon kay ...

makasalanan kasi heheh guilty!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kung ako sayo mare mangumpisal ka sa pari !! para naman mabawasan ang ksalanan mo !!! or kya kay papa randy ka na lang magumpisal !!! hehehehe !! para maganda !!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Here are some links that I believe will be interested

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Your website has a useful information for beginners like me.
»

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

I really enjoyed looking at your site, I found it very helpful indeed, keep up the good work.
»

Unknown ayon kay ...

Salamat! Thanks!

William Buenafe ayon kay ...

well said.

parang namamaalam ka dito ha! hahahaha parang yayao ka na!

just dont forget ha give me a chance to see you eye to eye bago ka yumao hahahahahahaha

lahat ay nasasaktan at nakasasakit din naman kaya magpasensiyahan na lamang ang lahat at mamuhay ng masaya.