Mag-aapat na taon na ang panganay naming si Samadhi ngayong darating na October. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, masasabi kong bibo at napakaganda ng anak namin ng kinakasama ko(sa loob ng anim na taon, wow! tagal na noh?). Parang kailan lang eh naaalala ko pa na madalas ko lang ipaghele at karga-karga ko pa ang panganay ko. Ngayon, napapansin kong mukhang mas marami pang alam at mas marunong pa ang anak ko kesa sa akin! Biruin mo ba naman halos, araw-araw ata ay nagtatalo at nagkakasagutan kami ng anak kong sobrang KULIT! Sa sobrang kulit niya wala ata akong ibinilin o ipinagbawal na sinunod niya!
Katulad na lamang halimbawang ibinilin ko na huwag magbubukas ng computer mag-isa, huwag gagawing coloring book ang mga koleksyon kong libro (ang hirap atang umikot sa mga booksale ngayon para lang makahanap ng mura at magandang libro), huwag gagawing video cam o play station ang cellphone!, at huwag gagawing building blocks ang mga DVD ng ama niya! Pero as usual gaya ng sinabi ko madalas si Samadhi na napakakulit ang nasusunod.
Alam naming natural lang talaga sa mga bata ang maging sobrang curious, mahilig maglaro, maging palatanong at maging sobrang kulit. Pero minsan kahit na sangkatutak ng libro ang basahin mo tungkol sa right parenting (kung meron mang tamang parenting) hindi rin talaga uubra!Talagang mauubusan ka talaga ng pasensya to the point na mapapalo mo ang anak mo.
Ngayon naiintindihan ko kung bakit madalas akong mapalo noong bata pa ako, nakakatawa noh? ang sobrang pagmamahal ng magulang ang naging sanhi para masaktan nila ang mga anak nila. Pero syempre matapos ang paluan session kailangang bumawi sa anak, kakausapin at ipapaliwanag kung bakit sila napapagalitan o nasasaktan. Pero madalas matapos ang malungkot na bahaging iyon ng araw hay naku, balik nanaman sa dati mangungulit at matigas nanaman ang ulo ng anak mo.
Pero, syempre dahil pareho kaming nagtatrabaho ng partner ko, parang hindi na ata kakayanin ng powers namin kahit manghiram pa kami ng powers kay Sabina o kay Captain Barbel, naku hindi talaga uubra, talagang mauubos ang pasensya namin sa kakulitan ng panganay namin subukan man naming manghiram ng pasensya sa lahat ng kapitbahay.
Kaya ang ginawa ko, nag-inquire ako sa mga preschool at nursery school dito sa Cebu, naisip ko na kapag nagsimulang mag-aral ang anak ko pwede kong ipasa ang pag-aalaga sa kanya sa magiging teacher niya habang nasa school. Pero, anak ng tipaklong duling! napakamamahal ng mga eskwelahan dito sa Cebu! Umaabot sa 30 thousand hangang 20 thousand ang tuition! Naku, sabi ko hindi college ang pag-aaralin ko, na matapos ang apat na taon ay pwedeng mabawi dahil magtatrabaho na sya. Batang mag-aapat na taong gulang palang ang papapag-aralin ko! Biruin mo ilang 20 thousand pa yan hangang sa mag-edad sya ng beinte? Malamang sa susunod na taon hindi lang limang libo ang itataas ng mga tuition fee na yan! Nakakaloka! Napakahirap naman ata niyan sa mga magulang na tulad ko sa panahon ngayon. Ano nalang kaya para dun sa mga magulang five years from now?
At isa pang masakit na katotohanan ang mga pre school ay may dalawang oras lang na session sa isang araw! Putik ok sana kung kahit na limang oras ano, kaya nga ipapasok ko sa eskwelahan para wala akong sasawayin ng ilang oras sa bahay eh. Dalawang oras na "free from kunsumi" nagkakahalagang 30 thousand sa isang taon? WOw pare magtayo nalang kaya ako ng sarili kong pre-school?
Kaya ang nangyari nagdesisyon kaming dalawa ng partner ko na mag-home-schooling o home study nalang muna ang panganay namin. Makakasave pa kami at tiyak pang safe ang anak namin. Kaya lang ito naman ang tanong, anong approach kaya ang maganda para sa isang batang katulad niya "SUMMER HILL? o CATHOLIC SCHOOL?".
Naku, yan ang malaking hamon na kinakahap namin ng partner ko ngayon? ano nga ba? Sige pag-iisipan ko muna ang kasagutan sa tanong na yan. Pwede naman sigurong trial and error ang gawin namin noh? Pwede ba yun erase, erase pag nagkamali? Nakakaloka ata yun! Hay naku kung pwede nga lang sana "e-FREEZE" muna ang mga bata kapag tipong pagod na ang magulang sa pag-aalaga at sa pangungulit nila, kaya lang hindi eh. May mga buhay, at marunong mag-isip at magdesisyon ang mga batang kahit isang taong gulang palang. Kaya sa mga magulang isang malaking challenge talaga ang pagpapalaki ng anak. Sa kanila kasi nakasalalay ang kabuuang marka natin sa buhay bilang isang tao. Pero syempre imposibleng makakuha ka ng markang 100% dahil madalas ang mga tagahukom; ibig sabihin ang mga taong nasa paligid natin ay may kanya kanyang opinyon sa tamang pagpapalaki ng mga anak.
Kayo ano ang suggestion nyo? Tulong naman dyan oh!
9 (na) komento:
dalawa na pala anak mo! ;-) miss you ate!
hahahaha korek! Oo nga miss you too sistah!
choose the cheapest school. then give your children internet access. that's actually helping them to learn.
ok,ok sige po fafa heheheh.
wagmo na pag aralin ang anak mo, gastos lang yan. REBOLUSYON NA!!!!!!!
Hehehehe pwede rin sana simulan mo na ang rebolusyon...ng tyan mo hehehehe
Here are some links that I believe will be interested
Greets to the webmaster of this wonderful site! Keep up the good work. Thanks.
»
I like it! Keep up the good work. Thanks for sharing this wonderful site with us.
»
Mag-post ng isang Komento