Ewan ko ba kung bakit ko napapasin ang mga bagay bagay sa paligid ko ngayon...siguro boredom na nga ito! Madalas ako sumakay ng bus, ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang ito napansin..habang nakahinto yung bus, tinitigan ko yung konduktor mula ulo hangang paa.naks, ang napansin ko eh yung lawlaw nyang pantalon. tama ba yun? Nakipag siksikan ung bus na sinasakyan ko sa ibang bus, hangang sa mapansin ko din yung mga pantalon ng ibang kondukor. Bkit kaya pare pareho silang lawlaw ang pantalon at maluluwag? uniform? hmmm...hangang sa maningil na nga si manong konduktor, abah, kaya naman pala lawlaw eh, lahat ng barya nya eh nsa bulsa nya! wow in fairness hindi siya nabibigatan kaya pala ung iba, iba na din maglakad..pansinin nyo. kaya pag sumsakay ako ng bus halos lahat ng konduktor eh maluwag at lawlaw ng pants dahil andun ang mga barya nila.
pangalawa, nagkaron ng outing ang barkada, siyempre ang isa naming kasama alipin ng pera at nagmamayabang, dala dala nya kotse nya. nag pa gas up kami. nabasa ko sa cashier eto - " WALA SA CASHIER AND SUSI NG KAHA DE YERO!". o di ba with matching exclamaiton mark pa. para kanino ba ang babala na yun? hmmm...buti na yung pinangungunahan nila ang mga holdaper para wala nga namang aberya di ba?
pangatlo, mapa bill board, at mapa tv, pinapatalastas si SUPERMAN (yung bago ngaun ha, superman returns). sabi pa ng kapatid ko gusto nya mapanood si superman..hmmm..sa isip ko kay capt Barbel ka na lang di ba? ano nga ba meron kay superman? sabi ko pa eh pare pareho din naman ang kwento kay superman. malakas siya, nanghihina siya sa krypton..at eto ang matindi, isa siyang journalist na may pagka weirdo, not really weirdo pero ung kanyang ayos di ba, with matching eyeglasses. same lang naman diba? from old to new. eh kung gawin nilang hindi naman sa krypton nanghihina si superman? o kaya hindi naman si lex lutor ang kalaban nya? at sana ung image nya ibahin, instead na mabait at may pagka weird, smart, bakit hindi natin gawin na isa siyang tambay, addict or barumbado, para naman may thrill at kakaiba di ba? sa tingin nyo?
ah basta mas maganda pa din ang majika! bwahaha...hangang sa susunod
4 (na) komento:
well, superman is actually made to assume that character. if you want to satisfy the above characteristics, look for anti-hero characters like Wolverine, Lobo, Black Adam, Punisher, etc.
Captain Barbell is actually some copy of the Superman myth. I don't need to explain the parallelism to you. Pero if you're searching for local heroes, try the local demigods. Madami sa mga mitolohiya natin, makukulay pa.
wow seryoso masyado ha hehheehe okies sige po more research to be done. he,he...miss ko na tong si anonymous na to hehehe...
sino ba yang anonymous na yan? parang nagkalat yan? sa blog ko nagkakalat din yan
Great site loved it alot, will come back and visit again.
»
Mag-post ng isang Komento