Dumating na ba sa punto ng buhay nyo na kailangan nyong mamili? Kung sino ang susundin? Ang Puso o ang Utak?
Matagal ko nang kakilala na halos dalawang taon ang lalaking ito at ito ay nasa ibang bansa. Sabi nya gusto daw nya ako at mahal na daw nya ako. Sa isip isip ko naman..Haler! pwede ba un eh hindi pa naman kami nagkikita ng personal? Well, kung ako ang tatanungin, natutuwa ako sa kanya dahil may mga bagay na nagkakasundo kami. Nasabi ko sa kanya na gusto ko din siya dahil masaya kami parehas pag magka usap. Sa kabilang banda naman, meron isang lalaki na nakikita at nakakasama ko ng personal..masaya ako pag kasama ang taong iyon..sa madaling salita..mahal ko..Mahal ko kahit na maraming babae at hindi ako nabibigyan ng atensiyon at halaga..Mahal naman daw nya ako kaya lamang gusto nyang ma settle muna ng maayos ang buhya nya dito..Yung tipong maganda ang business at work. Sa akin naman ok fine, handa akong maghintay..
Dumating ang karir na nasa ibang bansa..nagkita kami. sabi nya mahal na daw nya ako lalo ng makita ako (hmmm sabi ko na eh kakaiba talga ang exotic beauty ko, he he). Ok naman ang itsura nya, hindi siya pangit at may sarili siyang tsekot. Sinagot ko siya at Inaya nya akong tumira kasama siya habang andito siya sa pinas at balak me pakasalan. (hmmm eto ba ay makakatotohanan?) hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Wala din naman nagbago sa naramdaman ko sa kanya. Siya lamang ang tanging lalaki na nakapunta at nagustuhan ng pamilya ko. Kya lamang, ang laging nasa isip ko ay ang isang karir na talagang mahal ko..Hay! kaloka talga dahil kahit kami ay nag chuchuva ever sa gabi..waahhh! yung isa ang nsa isip ko. ( im so bad)...
Hindi ko alam kung dapat na ba akong makipag hiwalay sa kanya..Ang sabi ng nakakarami, gamitin ko daw ang utak at matutunan ko din mahalin..eh pano naman ang puso ko? Sabi nila may karapatan naman daw akong lumigaya, pano kung ang kaligayahan ko ay mahalin ang taong mahal ko. OO tanga talga ako, yun din ang sabi nila dahil ang taong mahal ko ay sinasaktan lamang ako at walang pagpapahalaga...Handa akong maghintay..pero hanggang kelan? Makatarungan nga bang isakrispisyo ko ang sariling kaligayahan? Magmahal ng iba at kalimutan na ang nakaraan? Pano kug hindi pala? Pano kung mahal ko pa din siya? Ngayon ay nakatali na ako, may oras pa ba na kumalas ako ngayong alam ko na kung gaano ako kamahal ng isa at handang gawin ang lahat para kao lumigaya? Nasabi ko noon na kapag may dumating na lalaking mamahalin ako ay kakalimutan ko siya. At dumating na nga ang oras na yun...Pero bakit hindi ko magawa? Puso o utak, hangang ngayon ay tinitimbang ko pa din...ayoko ng masaktan at magmukhang tanga sa taong mahal ko..Alam kong balewala sa kanyang malaman na meron na akong iba. Bakit nga ba pag dating sa pag-ibig parang ang buhay ay nagiging komplikado? Ang buhay talaga ay walang kasiguraduhan...ngaun para gusto ko pang mamuhay ng nag iisa, single at walang commitment..dahil malaya kong magagawa ang lahat ng gusto ko..
10 komento:
hay naku mac gamitin mo na utak mo this time nakaksawa din ang maghintay sa walang kasiguruhan buti sana kung ang hinihintay mo eh medyo bata pa (joke) anyways seryoso ako, sabi nga nila natuturuan naman daw ang puso konting exercise lang yan. Go!
anong puso at utak ang pinagsasabi mo?! 'ARI' ANG GAMITIN MO!!!! ARI!!!!!
Hahaha abnoy ka talaga Randy, pero u have a point there huh..hmmm...
hahaha abnoy ka talaga randy..hmmm..but u have a point there huh..pwede!
go lang ng go ate! :-)
eto pala ang url ng aking blog. update mo na lang ang sa iyo.
http://www.livejournal.com/users/chasingsass
heheh kmusta n...ngaun lang ko ccoment blog mo heheh....puso? utak? puson ayaw mo? hehehe sa mundong ito kailangan ma utak kna...puso lumang tugtugin n yan...pang telenovela lang yan lol
Thank you!
[url=http://cpzohchh.com/sbua/goyi.html]My homepage[/url] | [url=http://zurwfkth.com/vydk/ijtw.html]Cool site[/url]
Great work!
http://cpzohchh.com/sbua/goyi.html | http://wqpvccdd.com/chlo/bbod.html
mahirap talaga to choose
so kung ako, i would choose ME
hindi ko sinasabing ako ang piliin mo hehehehehe joke
i mean as long na i know i have me, i will bravely face tomorrow.
ewan ko if this will mean anything to you pero mahalaga na ang hindi mawala sa iyo ay ang iyong sarili.
ay naku ate, kung ako sayo gawin mo ang tama! kung ano ang magpapasaya sayo
Mag-post ng isang Komento