Ang pakikipagtungali laban sa “logic of submission” o ang pagsunod sa idinidikta ng lipunan ay maisasakatuparan lamang ng isang idibidwal kung magagawa niyang isabuhay o sundin ang kanyang mga nasa o naising relasyon maging ito ay ang tinatawag nating open relationship, homosexuality, heterosexuality, bisexuality o kung ano ano mang relasyon na makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan o satisfaction.
Ano nga ba ang FREE LOVE? Madalas ko itong marinig sa mga kaibigan at kasamahan ko. Pero sa nakikita ko marami sa kanila o sa mga taong nag-aadvocate ng ganitong paniniwala ang hindi naisasabuhay o napapanindigan ito. Naalala ko tuloy ang isa kung dating kaibigan na ngayon ay itinuturing yata akong kaaway, sa kanya ko unang narinig ang salitang ito noong panahong laman kami ng Luneta, sabi niya free love daw sya… at bilang isang lalaking ipinagsisigawan sa kabuuan ng Luneta ang kanyang pilosopiya dumating ang panahong bigla atang nabasag ang paniniwala niyang ito, minsan kasi dumaan sa tambayan namin ang babaeng itinuring niyang espesyal sa kanya na may kasamang ibang lalaki at dahil alam naming bukas siya sa mga bagay na ganito sinubukan naming obserbahan ang magiging reaksyon ng lalaking nag-aadvocate ng “free love” kuno at syempre pa biglang natahimik sa isang sulok ang lalaking ito na para bang gusto niya nang maglaho na lamang parang bula ng mga panahong iyun. Oh well, alam niya kung sino siya…
Sa totoo lang mas madaling sabihin at paniwalaan ang ideyang ito keysa isabuhay, malaki ang pagkakaiba ng paniniwala sa pagsasabuhay dahil kadalasan ang paniniwala ay nabibigyan lamang ng hustisya kapag ito ay naranasan at napanindigan ng isang idibidwal.
Ako at ang partner ko alam kong meron kaming “silent agreement” ng isang bukas na relasyon, maari ring tawaging free love ang arragement na ito at ito ang dahilan kung bakit ayaw pa rin naming magpatali sa seremonyas ng “kasal” maging sa huwes. Nangangahulugan ito na malaya kaming magkaroon ng anumang relasyon sa mga taong nais naming makarelasyon maging ito man ay sekswal o kung anuman na magbibigay sa amin ng kaligayahan o satisfaction. Syempre kahit hindi namin pinag-uusapan nangangahulugan din ito na mananatiling sekreto namin sa isat-isa ang mga relasyon at kung anumang adventure meron kami sa labas ng aming pagsasama.
Kaya lang minsan, bilang nagsasama sa iisang relasyon hindi pa rin maiaalis sa atin ang curiosity hingil sa mga naging karelasyon o nakasama ng ating partner. Hindi naman sa pagiging paranoid o possessive pero hindi maiiwasang mag-usisa tayo sa mga bagay na alam nating hindi na natin dapat pang alamin.
Kaya naisipan kong buksan ang ganitong usapan noong nakaraang gabi, napagkasunduan naming magbigay ng tatlong katanungan sa isat-isa na sasagutin naman namin ng buong katapatan. As in the whole truth and nothing but the truth…syempre ang unang tanong ilan na ang mga naging karelasyong sekswal ng bawat isa sa amin sa loob limang taon naming pagsasama, sumunod kung sinu-sino ang mga tao o nilalang na ito at ang pangatlo pano naganap.
O diba nakakaloka? Pero sa totoo lang nag-enjoy kaming dalawa sa laro naming iyun, minsan masarap pa rin talaga sa pakiramdam ung nailalabas mo ang mga sekretong matagal mo nang itinatago, hindi naman dahil sa natatakot ka…iyun bang tipong itinago mo lang dahil hindi naman na dapat pang pag-usapan o wala lang…parang ok fine I did it again…so what?
Ang nakakatuwa pa wala kaming naramdamang galit o selos sa isat-isa, minsan nagulat lang ako nang malaman kong nagkaroon siya ng sekswal na relasyon sa mga taong hindi ko inaasahan at ganun din naman ang naging reaksyon niya. Narealize tuloy namin na wow ang dami ko palang hindi alam sayo huh? Para tuloy lagging may bagong dapat tuklasin sa aming pagkatao dahil sa ganitong arragement.
At least hindi kami mabobored sa isat-isa diba? Hindi katulad ng mga relasyong nagsisikap na maging exclusive to the extent of betraying themselves sa arragement naming, mas nabibigyan naming ng kalayaan ang bawat isa. Naiiwasan din naming ang guilt sa sarili at lalong napapamahal kami sa isat-isa dahil alam naming wala na kaming makikitang kapareha na magbibigay sa amin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig… ang pagiging Malaya.
8 komento:
hheheehee yoko nga sabihin kung sino siya basta lalaki yun... kilala mo na siguro kung sino. hmmmmmmmm
ang lupet mo janet! cge tuloy nyo lang yang free love nyo! habang libre, bukas may bayad na yan
galing.=D maraming mga banda dito sa manila sa POP indie scene, lalo na ung mga self proclaimed femenist na sigaw ng sigaw, taluwas naman sa sinisigaw nila ung mga ginagawa nila, pero ciguro tinitimpla plang nila. pro nakakatawa kung susuriin mo.=D
hi anonymous tama ka dyan maybe you should try reading MASKARA entry ko rin sa blog kaya lang nasa archive na yun. Hmmm ok sana kung tinitimpla pa nga nila kaya lang mahirap talagang panindigan yan.
Anyway free love ba ka nyo. kalukuhan yan, may free love kayong nalalaman ha saan kaya meron nyan hehehehe janet kung my kilala ka pakilala mo ako ha, free love gusto me eh!!!
Nice site!
[url=http://vhhpxuvy.com/ppic/cebx.html]My homepage[/url] | [url=http://exytabmd.com/ddrv/wauy.html]Cool site[/url]
Well done!
http://vhhpxuvy.com/ppic/cebx.html | http://vclbuduy.com/wvmi/xtwe.html
ang ganda naman ng arrangement na ganyan...hahaha...ma i try nga....hahaha...lolz..
Mag-post ng isang Komento