Gusto ko lang i-share ang kwento batay sa experience ng isang kaibgan. Etong kaibigan ko ay isang atheist, marxist, activist at kung ano ano pa, sa isang salita pasaway din.. Two weeks ago, andun kaming magkakaibigan sa unit nya..kwentuhan. Ewan ko ba kung bakit nauwi ang usapan sa mga spirit spirit na yan o kaluluwa, sa mga ghost, mga nagpaparamdam at nagpapakita na pinaniniwalaan ng marami. Siyempre ang aking kaibigan nakikipagtalo at binigyan ng eksplinasyon ang ganoon mga bagay.
Ang mga katulad nga ng ghost, spirit, o mga nagpaparamdam sa atin ay isang energy lamang...(isang mahabang eksplinasyon ito at aabutin tayo ng 48 years kung explain ko pa). Dahil sa hindi naniniwala, biniro pa siya ng kasama namin na kung sa kanya daw magpapakita eh baka maniwala siya. At ang reaksiyon nya..dedma.
Isang lingo matapos ung kwentuhan, may usapang kaming magkikita ng gabi at doon matutulog sa unit nya. Kaya lang sa hindi inaasahang pagkakataon eh na cancel dahil sa hada ko...(hmm ganon talaga pag inlove ako..nakakalimutan ang lahat). Pero para hindi naman ako masyadong pasaway, inom muna kami ng isang bote ng san mig light bago ko siya tuluyang nilayasan at humada. Bandang alas tres ng umaga nag text ang kaibigan at sabi hindi siya makaakyat sa unit nya at nasa lobby lamang siya. Sabi nya na puntahan ko daw siya agad. Mga bandang alas kwatro na ng umaga, ng papamiskol siya..ilang miskol ang ginawa nya, hindi ko naman siya matawagan dahil kasama ang karir at nasa gitna ng kasarapan ng...pagtulog. Hindi din siya tumigil, kinabahan naman ako kaya tinawagan ko din ang bakla. Umiiiyak at garalgal ang boses nya. May nakapasok daw sa unit nya. Nataranta ako..sunod -sunod ang tanong ko " ni-rape ka?", "nanakawan ka?", "anong nangyari?". Bigla din akong nakonsensiya dahil kung nasamahan ko siya eh hindi mangyayari yun. Ang tanging sagot lang nya "hindi, hindi ko maipaliwanag..isang entity, punta ka na dito". Nang mga oras na yun, nalaman ko na kasama na nya ang bf nya dahil tinawagan nya nang hindi ako makontak.
Kinabukasan, pinuntahan ko siya agad sa unit nya. At eto ang kwento niya. Nang gabing bumalik siya sa unit nya nakatulog na sya agad kasi na tipsy na daw siya sa san mig na ininom namin dahil hindi siya nakapag dinner. Bandang alas tres nga ng magising siya dahil nanlamig ang paa nya at parang may gumigising sa kanya, patay ang ilaw dahil sanay mautlog ng patay ang ilaw ang kaibigan ko. Pag dilat ng mata nya isang bata ang gumigising sa kanya at inaalog ang paa nya. Isang batang babae, may ribbon na puti sa ulo, may bangs, dress na puti at blue na parang sailor ang ayos. Yung tipong parang lumang damit. at ang sabi sa kanya "ate, ate, ate". Bumilis ang pintig ng puso nya, pinikit nya ang mga mata at umiling iling. Pagdilat nya, olah! nawala ang bata! Bigla siyang nanlamig at Kumaripas ng takbo pababa. As in takot na takot siya ng mga oras na yun. Hindi daw nya alam ang gagawin. Para mapanag ko din siya sabi ko kasi unknowingly, nasa subconcious mind pa nya yung kwentuhan namin weeks ago. Hindi din siya maniwala kasi kitang kita nya at parang totoo.. Well, dahil daw sa marxist siya, sinabi na lang nya nya baka na alimpungatan daw siya. (o diba bigyan ng lakas ng loob ang sarili). Pero aminado siya na first time na nangyari sa kanya un at talagang natakot siya. Ang isang katulad na nya frontliner sa mga rally at nakikipaglaban laban sa pamahalaan?
Ako man ay nagulat dahil sa kanya pa nagmula ang kwento na hindi ko inaasahan. Hindi kaya kelangan na nyang magbalik loob sa Diyos? Manampalataya? hmmm...Pero sa huli ang nasabi nya ay hindi naman nya wina-wala o hindi siya nagiging sarado na maaaring bukod sa ating mga tao ay may mga ganong nilalang o ano mang maitatawag nyo sa kanila ang nakatira at pagala gala sa ating mundo. Ano sa tingin nyo?
4 (na) komento:
hehehe hay naku bakla... baka kulang lang sa inom yan as in nabitin sa san mig light...sino nga ba ang kaibigan mo na ito????
weheheheh, baka naman may katabi syang salamin at sarili nya ang nakita nya. ako nga, pag nakahrap ako sa salamin, para na rin akong nakakita ng halimaw, mwahahahah!!!
Thank you!
[url=http://nkdavigc.com/uhrq/qpdl.html]My homepage[/url] | [url=http://lrklnbxl.com/rzjp/tuzi.html]Cool site[/url]
Thank you!
http://nkdavigc.com/uhrq/qpdl.html | http://tnyivmnb.com/kkbk/uked.html
Mag-post ng isang Komento