Nobyembre 26, 2005

Facing the Challenge...

So what kung 25 palang ako at magdadalawa na anak ko?! Ok fine, I had my first baby at the age of 22, I wasn’t really expecting it… I mean Babae pala ako at may Matris! Sa totoo lang hindi katangahan (para dun sa mga nag-iisip ng ganun) Hindi kahinaan (para ulit dun sa mga nag-iisip ng ganun) at hindi failure ang pagkakaroon ng anak o ang pagbubuntis ng maaga.

As a matter of fact, dapat nga matuwa ka pa dahil at least napatunayan mong isa kang productive individual… ibig sabihin may pakinabang ka sa mundo he,he. Teka, tama nga ba? Sa palagay ko as early as the age of 13 bastat nagkaroon na ng menstruation ang isang babae ay may kakayahan na siyang magdalang-tao, so ibig sabihin nito hindi bawal ang magkaroon ng anak ng maaga! Hangat kaya ng katawan mo bakit hindi? Kaso nga lang sa panahon natin ngayon, tama rin lamang na ipagpilitan ng lipunan ang pagsunod sa tamang edad o mas tamang sabihin tamang panahon ng pagkakaroon ng anak, alang alang sa economic at emotional aspect ng mga magiging magulang dahil sa totoo lang iyun ang basehan ng kanilang panuntunan.

Anyway, ang pagkakaroon ko ng anak sa edad na 22 eh medyo sabit para dun sa mga taong pakiramdam nila apektado sila sa nangyari sa akin at naging desisyon ko. Una ang lalaking nakabuntis sa akin, aba’y dapat lang … pero pwede rin namang wala siyang pakialam, dahil hindi ko siya pwedeng idiin sa naging desisyon kong ituloy ang pagbubuntis may sarili siyang buhay at sa totoo lang may option ako, pero hindi yun ang pinili ko. Pangalawa ang mga magulang ko, pangatlo ang employer, pang-apat ang mga kaibigan pang-lima ang mga kapitbahay at pang anim ang sangkatauhan! Pero ako? Wala akong pakialam! This is my choice at alam ko ang pinasok ko. Sa totoo lang mahirap talaga sa simula, nandyan ang takot na baka hindi ko kayanin ang pagpapalaki ng bata o ang panganganak. Tapos iniisip ko pa ang trabaho ko, I’m supporting myself at malaking abala ang pagdadalang-tao sa trabaho! True!

Pero dahil malakas ang trip ko, Go ako! Bastat isiniksik ko sa isip ko na hindi ko gagambalain o iistorbohin ang mga taong pakiramdam nila eh apektado sila sa pagbubuntis ko. Syempre ang Boyfriend ko, aba’y bahala siya kung trip niyang saluhan ako sa hirap o hindi, ang mga magulang ko, never talaga akong lalapit sa kanila na mukhang tangang umiiyak na animoy batang paslit, ang mga kaibigan ko… well kung talagang totoong kaibigan sila magkaksubukan ngayon, at para dun sa mga kapitbahay at mga tao sa paligid…hello…deadma ever lang kayo!

Sa totoo lang hindi rin talaga ganun kadali ang lahat, teka bakit nga ba hindi ako nagpa-abort? Hindi naman ako takot gawin iyun, sa totoo lang sa ngayon nakatalong abortion na ako, ewan ko ba tamad kasi akong uminom ng pills o magpractice ng kung anong method ng birth control.

Salamat nalang dahil sa pinili kong ituloy ang una kong baby (na ngayon ay tatlong taon na at super cute at bibong si Samadhi) at buti na rin lang at nagkaroon ako ng BF na responsible at may paninindigan sa buhay (so hindi na naming kailangan magtakutan pa as if?) mga magulang na maunawain at handang tumulong nang hindi na kailangang kausapin pa, mga totoong kaibigan na lagging nandyan boss na sobrang bait at mga kapitbahay na natuto ring manahimik.

Bakit kaya? Minsan kapag nalaman ng mga taong nasa paligid mo na buntis ka sa ganoong edad, aba’y pakiramdam nila isa kang kawalan, iyong tipong sayang ang bata pa niya at may iba namang natutuwa pa na parang sinasabing “buntis siya? Buti nga malandi kasi!” Teka, bakit nga ba ganun? Siguro inaasahan ng mga taong nasa paligid natin na dapat ay milyunarya na tayo bago magbuntis, o kaya’y kasal muna sa lalaking bubuntis sayo, o kaya’y may-ari na muna tayo ng isang malaking kumpanya! Eh paano kung ayokong pakasal? O hindi ako tumataya sa lotto kaya’t malabong maging milyunarya ako o ipinanganak talaga akong simpleng mamamayan na walang sariling negosyo o mamanahin? Kailangan ko pa bang hintayin ang mga kundisyong iyun bago magdesisyong magbuntis? Aba’y mabubulok ang matris ko niyan!

Sa totoo lang, pakiramdam ko ang swerte ko at nagkaroon ako kaagad ng anak, parang mas nagkaroon ng kabuluhan ang buhay, at nadagdagan ang inspirasyon ko. Nagkaroon ako ng goal iyong tipo nang goal na talagang hindi mo panghihinayangang makuha, hindi katulad ng ibang pangarap na umiikot lang sa salapi, career at mga material na bagay.

At least sa ngayon, mas maganda at mas malaki ang challenge na kakaharapin ko, iyong hamon kung paano ko mapapalaki ang anak ko ng ayon sa mga idelohiya at pilosopiyang pinaniniwalaan ko na kadalasan ay salungat sa lipunan. Mas mapapatunayan ko na rin lalo kung hangang saan ang kakayahan kong patunayan at sundin ang tipo ng buhay na pinili ko.

Kaya sa magiging dalawa kong anak Samadhi at Sanjiv (baby boy hopefully) sana maintindihan niya ako at matangap nyo ng buong puso at buong tapang ang hamon na sabay nating haharapin… ang hamon ng lipunan laban sa tunay na kalayaan,pagkamulat at buhay na may kabuluhan.

8 komento:

Unknown ayon kay ...

i love you too! hehehe miss na kita dito kami sa samar at leyte ulit musta ????

Randy P. Valiente ayon kay ...

sabi sa yo, benta mo na yang dalawa mong anak. magkakapera kayo dyan. wah na drama...benta na!

Unknown ayon kay ...

baliw ka randy hayaan mo munang palikihin ko para madagdagan mg alagad mo hehehe

Randy P. Valiente ayon kay ...

kala ko hayaan mo munang palakihin para mas mahal ang presyo hwehehehe

Rogeliza Corpuz ayon kay ...

GO GIRL!
CONGRATS. YOU NOW HAVE 2 PRECIOUS GEMS IN YOUR LIFE...WELL 3 PALA INCLUDING PAPA JUNMER. BUTI KA PA DI TAKO MAGING MOTHER, AKO FEARFUL PA RIN BAKA KASI MAGING KATULAD KO PA YUNG ANAK KO, SAKIT SA ULO. WELL, SEE YOU SOON!

Unknown ayon kay ...

Yup sana 3 gems malapit na. Ganun talaga kapag iisipin mo mahirap pero kapg nandyan na ok na wait and see kapag nabuntis ka maeexcite ka hehe. And thanks at mabait si papa junmer...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Well done!
[url=http://gcenpobc.com/zqzt/uiey.html]My homepage[/url] | [url=http://xrtcnalt.com/mlkt/xfsy.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Good design!
http://gcenpobc.com/zqzt/uiey.html | http://asypxuns.com/xtlm/ztdn.html