Abril 3, 2005

OPISINA...

Pasado alas nuwebe na ng umaga at nandito pa rin ako sa terminal ng FX papunta sa Makati. Eh ako pa ang huli sa pila. ‘Nak ng teteng, sa susunod na FX pa ata me makakasakay. Pinagmamasdan ko ang mga pasaherong nakapila din. Mga pang office attire talga ang suot, skirt, blazer, high heels shoes with matching sun glasses sa ulo na feeling mo ba eh ung ulo ang naiinitan. Ung mga lalaki naman, as in formal looking. Naka long-sleeves with neckties, slack pants at ang sapatos….nangingintab at pwede ka ng manalamin and with matching gel pa ang mga buhok. Kaya kahit saan me mapunta, alam ko na kung sa Makati nagtratrabaho ang mga nakakasalubong ko or nakikilala.

Kunsabagay, sa amin nga, pag tinanong ka kung saan ka nag-wo-work at sinabi mong Makati, wow! Hanep, taas ng paggalang sa iyo. Tatadtarin ka ng mababangong salita at feeling henyo ang dating, sosyal at mapera. At dudugtungan pa nila sa huli ng …”makati girl/boy”. Tama ba un? Feeling perfect naman ako kung minsan dahil sa mga puna nila. Pero sa totoo lang, kalokohan ang mga iyon. Lalo na kapag nagtrabaho ka sa mga offices. Mga pasawaay na tao ang makikilala mo. Hindi ba bagay sa hitsura nila ‘yong mga pinag-gagawa nila sa buhay. Siymepre, malalaman mo lang yan pag na-oopisina ka. Eh ako pa, sa dami ng nalibot kong opisina at mga kwento ng mga kaibigan kong nag-oopisina, talagang marami kang matututunan (sana nga lang).

Marami akong kwento sa mga opisina, lalo na sa mga nag-o-opisina. Kunsabagay, hindi naman sa tsismosa ako, kundi, talaga lang naman na na-o-obserbahan ko ang mga tao.

Meron nga akong napasukan na opisina (as in napasukan, pumasok ako kasi hanap ko yung friend ko, binisita ko siya). Unang tingin ko pa lang, talgang sosyalan ang mga tao. Isa kasing Call Center ang napasukan ng friend ko. Siyempre, umaasa na ako na mga jologs ang mga tao dun at mga coñotic. Pag-pasok ko sa lobby, siyempre, receptionist ang kumausap sa akin. At in fairness, mataray siya! Mega-speak in English, siyempre, irritable ako dahil nabibisaya siya sa tono, tina-tagalog ko ang lola mo! As pure tagalog ang ginagamit ko. Paano ba naman na hindi ako ma-uurat, ganito ang banat sa akin – “hi, iskyus me, what can I do to you? You’re lokeng for whom miz?” At siyempre, napataas ang kilay ko. Sa isip ko, wala kang maitutulong sa akin. Pero hindi ako nagmataray. Okey na sana eh, ang kaso, habang hinahantay ko yung kaibigan ko, may dumating na isa ring receptionist, as in mega beso-beso sila at nag-umpisa ng humawak ng phone. Ang akala ko trabaho, at yun pala kausap ang jowa niya. Nag-i-I love you sa phone paano ko ba naman na hindi malalaman, eh dinig ng buong building ang boses. At ang tsika pa, nag-aaway sila ng jowa dahil may nakita siyang condom sa pitaka ng lalaki, eh hindi naman sila gumagamit nun. Tama ba ulit un? Ang dami pa nyang kwento, kaya lang, dumating na ‘yung friend ko kasama ang mga ka-officemates nya, at dahil mga coño ang tao, coño na rin siya. Speaking in English, may naririnig pa akong pilit kong mag-salita ng lenggwaheng banyaga. “Yong kaibigan ko, naki pag-beso-beso din sa akin, siyempre, ako naman, kunwari sosyal din, naki pag beso-beso sa kanya. Pina-kilala nya sa akin yung mga nagging friend din nya sa trabaho, kala ko nga mga taong espasol ang mga kaharap ko dahil sa sobrang kapal ng foundation at make-ups. (hindi sa panlalait pero totoo, promise)

Ang ganda nga ng building pero 48 years naman ang elevator, kaya tuloy siksikan kami sa loob. Pero sa isip isip ko, okay lang kasi mga coño ang kasabay namin at mababango kaya kahit maghalikan kami eh, ok lang. Kaya lang hindi nagging ganu’n ang sitwasyon namin. Kahit na siksikan, panay ang daldalan ng mga ingleserang pinoy at pinay.

May mga grupo ng babae sa loob at talagang malakas ang boses at pinadidinig pa nila sa lahat ang kanilang british accent. Pero ang pinag-uusapan nila ay kahalagahan ng wikang tagalog. Eh hindi ako naka-pagpigil, nasabi ko na “So, why in a british accent”? (kopya ko sa employer ng isa ko pang friend). Abah, lahat sila napalingon sa akin. Yung iba napangiti sa bara ko, ‘yung mga babae naman na nabara ko, tiningnan ako ng masama. Tinaasan ko nga ng kilay at nilakihan ko ng mata, oh eh di natahimik sila. Feeling ko ang tagal na namin sa loob ng elevator, Sinulyapan ko kung anong floor na kami, ‘nak ng teteng, nasa 15th pa lang, kunsabagay, galing kami ng 20th floor. Huminto sa 11th ang elevator at may pumasok na mga coñotic din. At pilit na sumiksik. Napagitnaan ako ng isang lalaki at babae. Akala ko tahimik na, abah, kwentuhan din sila. Gwapo ng lalaki in fairness. Kaya lang….nang magsalita, muntik na akong mahimatay. Sa hininga pa lang, alam ko na ang kinain nya ay binagoongan! At alamang ‘yung bagoong ha. Haayy….di na kayanan ng powers ko at humarap ako sa babaeng kausap nya. ‘Nak ng teteng, kung bagoong ung sa lalaki, parang nabulok na sibuyas naman ang nakain nya! Ano ba yan!? Gusto kong himatayin.

Mga ilang minuto din akong nag-tiis sa loob ng elevator. Buti na lang at nakalabas na kami. Nu’ng una akala ko walang ganong klaseng mga tao, meron din pala. Mga sosi pa sila kung titingnan mo.

Meron din ibang mga nag-o-opisina na mala-The Buzz ang dating. Tsismisan dito at tsismisan doon. Dalawang klase yan. ‘Yung unang The Buzz eh sa mga nag-o-opisina sa gobyerno at ung pangalawa ay sa mga private.

Sa Gobyerno, matatawag nating Live. As in live ang mga tsismisan. Para kang nasa studio. Kahit office hours, nasa loob ng opisina, walang pakundangan ang bugahan ng mga tsika. Kesyo nag text si juan ng gabi na at puro forward messages lang naman, kesyo ung nakain nya ay napakamahal, kesyo sales gn 50% ngayon sa SM, kesyo si ano ay na ano dahil kay ano at kung ano ano pa. Ang gulo nila! Kaya hindi sila matapos sa mga trabaho nila. Puro daldal. Isang sulat o encode sa computer or typewriter, naka isang libong salita na sa kakadaldal. Meron pang iba na palakad-lakad kala mo Bisor ang dating. Siyempre hindi rin mawawala sa mga nag-o-opis (kuno) ang mga tulala. As in natutulala dahil sa walang ginagawa o kaya naman mega texting sila. Kaya nga ba kapag pumasok ka sa mga opis nila, asahan mo, marami kang mapupulot na kwento, ang hindi mo kilala, makikilala mo.

Sa mga private naman, masasabing medyo may pag-ka sosyal pa rin ang tsismisan blues nila. Siyempre, trabaho sila. Pero kahit na nagtratrabaho sila, nagtsi-tsismisan din. Hindi mo kasi mahahalata, kunwari busy sila nagtratrabaho, pero alin ka, hindi pala. Makikita mo sa mga computer nila mga pop-up messages mula sa mga yahoo messenger or pop-up message box. O diba, sosyal talaga ang dating! Kung hindi mga paboritong artista ang pag-uusapan, o mga palabas sa sine, eh mga kapwa empleyado nila. Pero sa private, hindi uso ang tulala, kasi may internet na at mega surfing ang kanilang ginagawa.

Hindi pa diyan nagtatapos, kahit na sabihin mong ganoon sila mag-tsismisan, hindi pa ma-kokontento, pag-nagkikita-kita sa CR, ganun pa rin ang pag-uusapan, dahil sa tamad na mag-type ng mga words kaya mas gugustuhin pang personal at live na mag-kwentuhan. Siyempre, meron din iba na, coñotic nga kaya pupunta sa mga café, iinom ng kapeng kasing mahal ng mga signature clothes, pero ang pag-uusapan ang mga nangyari sa opisina. Parang ‘yung sa mga magkakaibigan na nanood ng sine, at paglabas ng sinehan, pagkwe-kwentuhan ang naponood. Eh sila sila rin naman yung nakapananood. May mga tsismisan din na talaga namang hindi mo alam kung matutuwa ka o maiinis eh. Mapa-canteen, Mapa- CR at elevator, ano sa tingin mo ang madalas na kwentuhan? hindi ang boss, hindi ang trabaho, kundi...ang telenovelas sa GMA or ABS. yung mga korean novelas na nauso ngayon! Pinangunahan yan ng walang kamatayan ng Meteor Garden, Endless Love (1, 2, 3), Lovers in Paris, Full House, Stairway to Heaven, Glass shoes, save the last dance for me, at kung ano ano pa. (naks di ba alam ko lahat, pano ba naman, eh ikaw ba naman sa araw araw na ginawa ng Diyos, pagsakay pa lang ng FX pagpasok sa office, yun na maririnig ko sa kapwa pasahero tapos sa office yun, sa CR, hangang sa pag-uwi, kaya kahit hindi ko pinapanood, alam ko na kwento)

Ganyan talaga ang buhay kapag nag-oopisina ka. Kung minsan, ikaw ang laman ng tsika nila. Abah, mahirap talaga pag empleyado ka. Kapag bago ka sa kompanya, very welcome sayo ang lahat. Mababait, at very friendly. At kapag nag-tagal-tagal na, iba na ang takbo ng buhay mo panigurado. Hindi dahil sa maraming trabaho kung hindi dahil sa mga taong naiinggit at madalas kang siraan. Ang pinoy kasi ay may ugaling crab mentality. ‘Yung tipong, ayaw nila na umaangat ka dahil nakikita nilang may potensyal ka at mas magaling. It's human nature. Nakakainis di ba?

May makikita ka rin sa mga opisina na para kang nasa big dome sa sobrang laki ng office pero bilang naman sa mga daliri ang mga empleyado. Meron din naman na para kang nasa cockpit arena. Nasubukan ko ng pumasok sa ganong opisina. Wow ang daming utaw! As in daming tao! Ang iingay! Absent kasi yung messenger namin sa office kaya me ang napag utusan. At 48 thousand years pa bago ako napansin. Meron pang isa, dahil sa sobrang laki ng opisina, pagpasok mo, wow nasa casino filipino ba ako? (hehehe) sa sobrang walang magawa, nag so-solataire or tong-its ang mga empleyado. (promise, totoo yun). Siyempre, wla naman ang boss pag nalalaro ng cards ang mga pasaway na empleyado or else "you're fired" ang kakalabasan nila. o di ba ang saya saya pag nag oopisina ka. Marami ka talagang matutunan (may natutunan nga ba? eh kau?). That's for now....till then..let's talk about something else....
written and contributed by: PANIC QUEEN

6 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

Sorry Luann i forget to write my name, i am the contributer of this. You can call me PANIC QUEEN....

Unknown ayon kay ...

ok fine inayos ko na po lola, if you want email mo nalang muna yung article then ako na magpost. Basta yun gagamitin mong pen name?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

D.R.I.= Done Reading It

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

D.R.I.= Done Reading It

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice site!
[url=http://kjgwmxvu.com/urqe/xawb.html]My homepage[/url] | [url=http://gebadxik.com/ndtw/tqcm.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Great work!
http://kjgwmxvu.com/urqe/xawb.html | http://ukbsmnky.com/fesa/svws.html