Abril 27, 2005

Naglalabas lang ng sama ng loob....

H indi ko alam kung paano ko ma-ilalabas ang sama ng loob kong ito kasama ng pagwasak ng aking puso (magdrama daw ba?). Minahal ko ang lalaking ito at ang tanong na lagi kong sinasabi ay mahal din ba ako. Oo, lumalabas kami, nag-da-date at kwentuhan pero matagal na iyon. Nang malaman nyang mahal ko na siya, Para talaga akong binagsakan ng malaking bato as in malaking bato! (hindi ng langit at lupa). Sinabi nyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay ko, mas gugustuhin pa daw nyang maging magkaibigan kami kaysa mawala ako. Ganon? Pagkatapos mong sipsipin ang aking kabataan at angkinin ang buo kong katawan! Anong klase kang nilalang?
Dumaan ako sa bahay nya para may ibigay ang mga mahahalagang dokumento na pinakuha nya sa akin. At sa pag upo ko pa lang, eto kaagad ang aking nakita. aba...isang sandals ng babae? Madali ko agad nilinga ang buo nyang kabahayan, nasaan ang babae? gusto ko siyang tanungin saan mo itinago?! maya-maya bumukas ang pintuan ng banyo. At ang lumabas...daraaaann....isang hindi maipaliwang na nilalang! hindi naman ako bitter pero ng makita ko ang babae, nak ng teteng! eto ba pinagpalit mo sa akin? Ang unang tanong na pumasok sa isip ko, anong meron siya na wala ako? ang tanging lamang lang nya ay ang isang linya nyang kilay at mahabang buhok. Kung paitiman din ng kulay parehas kami at parehas maliit. kaya nga lang mas malapad ang mukha nya! (laitin daw ba). At ang Put^@5$ inang babae yan! gusto kong hubarin ang suot suot nyang robe na robe ng mahal ko na ako ang nag susuot dati! Hindi talaga ako makatiis, pero dahil propesyonal pokpok ako este mataas ang level ko, civil ako sa kanila. at ang mahaderang babae bumalik pa sa kwarto? ano ito for the second time around?
nawala talaga ang respeto ko sa kanya. Nasaan ang sinasabi nyang hindi na siya na iinlove dahil sa mga nakaraan ng relasyon? na ayaw na nya ng sex? na tabaho muna bago babae? ganoon ba talaga ang mga lalaki? Basta sa babae at tamaan ng init ng katawan ay nawawala na sa kanilang mga sarili? kunsabagay hindi ko sila masisi. Tayong mga babae ay mabubuhay kahit hindi makipag talik. HIndi katulad ng mga lalaki. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi kaya nakarma na ako at kailangan ko ng magbalik loob sa Diyos? Grabeh hindi na kayanan ng powers ko makita silang dalawa at sa ganitong sitwasyon pa na mukhang masaya, enjoy magkasama!
Umalis ako sa bahay nya ng masamang masama ang loob! Gusto kong magwala. Sabi pa ng isa kong kaibigan, hindi siya kawalan at wala akong karapatan dahil wala kaming relasyon at totoo naman. Pero bakit ako apektado? Gayong napag-usapan na namin na hangang mag-kaibigan na lamang kami. basta galit ako sa kanya at nawala na ang respeto ko. Sabi naman ng isa ko pang kaibigan, marami ka pang titing makikita diyan!
At eto lang ang masasabi ko:
Sa Aking Papa o sa Lalaking Minsan kong Minahal - etong sau...(put!@^# ina ka!) hindi naman ako masyadong galit. Hahabulin mo din ako, luluhod sa aking harapan at mag-mamaka awang tanggapin at ibigin kang muli. bwahahaha....
At sa babaeng haliparot - taas ang kilay ko! Mas maganda pa din ako! hindi ko alam kung saang planeta ka galing at anong klaseng nilalang ka, huwag lang mag-krus ang landas natin dahil kapag iyon ay nangyari, dila mo lang ang wlang latay! babalatan kita ng buhay at lalagyan ng asin ang buong katawan, papatakan ng kalamansi saka ka ibibilad sa araw! (takutin daw ba?). Malamang ginayuma mo lang siya!
posted by: panic queen

22 komento:

Secret Samadhi ayon kay ...

Mac,
pokpok hwag mo masyadong dibdibin ang karanasan na yan pero at least ha positive pa rin dahil nakapagsulat at nakapagshare ka ulit dito sa blog natin.

Randy Valiente ayon kay ...

pakamatay na!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hay naku randy, wit ko gagawin yun, tama na yung isang araw na inilabas ko ang sama ng loob ko!

Randy Valiente ayon kay ...

tama....marami ka pang titing matitikman...hakhakhakhak
gusto mo ng titi? marami akong tinda.
(bastusan daw ba sa blog na ito?)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ha,ha, marami ka bang tinda randy? baka naman puro second hand yan, o kaya slightly used or recon? hehe, may brochure ka ba? para naman makapamili ako...

Randy Valiente ayon kay ...

langya ka! naghanap ka pa ng brochure. magdadala na lang ako ng actual sample, para mapili mo agad ang magandang klase.
ano ba ang sukat mo? medium, large, o extra large?

Jv Muñoz ayon kay ...

Luann,
Mabigat ang problema mo...Nagpapa-rent naman ako ng teetee! Pwede whole day or half-day...

Secret Samadhi ayon kay ...

hoy mga pasaway hindi po ako ang nangangailangan ng titi sa ngayon si mac na pasaway, pero jv sige willing akong i-rent yang sayo he,he,he magkano ba? Dapat may discount ha presyong kaibigan.he,he

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ha,ha, cge randy dala ka sample ha! baka naman parang pekpek yan na mga bilasa o kaya hindi na tumatayo ha, hehe. prefer ko triple x na size, meron ka ba nun?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

pasaway na JV, sure ka ba na pwede i-rent yang sau? ha, ha, baka magsisi ka..how much ba?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

putsa randy baka naman local yung mga titi na binibenta mo ha... hehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ano ba namang post to...puro kabastusan? magsisi na kayo...malapit nang dumating ang titi...este...ang paghuhukom!

Secret Samadhi ayon kay ...

Tama ba yun? Ang babastos nyo nga mga pasaway talaga kayo. Ako magbabago na.... gudluck?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ha,ha, ala me masabi! dapat talaga magbago na1 kaya nga hindi na t-t- hanap ko kundi pu--. o ayan wala ng bastos jan ha...

aleksi ayon kay ...

ba't sino bang may sabing may mas gaganda pa sayo...eh ako lang naman ang mas maganda sayo.

Mac ayon kay ...

he.he, korek aleksi, ikaw lang ang mas maganda sa akin at wala ng iba pa! compare to lugaw...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
[url=http://ftakptln.com/inah/vgsx.html]My homepage[/url] | [url=http://mduyuatk.com/bxbt/kwqt.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Well done!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
http://ftakptln.com/inah/vgsx.html | http://aaocyokh.com/ldvl/nljr.html

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

helo lo.,grabe nmn po ang pinagdaanan mo.,kya mu poyan.,marami pa po tlgang lalaki dyan.,tnx po 4 d inspiration.,my natu2nan po aq sa nbsa q

William Buenafe ayon kay ...

LOL hay sobra toits. Hindi mabura ang ngiti sa labi ko dahil sobrang naaliw to the point na parang nabaliw ako hindi sa posting kung hindi sa mga comments hahahahahahahha

pero the moral lesson if there is really one hehehehehe is never never never never never expect from anyone but GOD and you.

Thats it, expectation leads to frustration which leads then to sorrows which might end up in death.

So be happy, enjoy, no expectation just spontaneous happiness, di ba yan ang motto mo.

dimple is bluey ayon kay ...

alam mo girl...

he d0esn't deserve u...

hayaan u n lang xa...

dami pa jan iba...

it his l0st naman...

n0t yours...