"Whoever they vote for, we are ungovernable"-Anarchist Balck Bloc
Kagabi habang pinapanood ko ang pang-gabing edisyon ng mga balita, natuon ang pansin ko sa balitang matagumpay daw ang election na naganap sa pagpili ng bagong Papa o lider ng simbahang katoliko. Ito'y ayon sa sa TV reporter na kasalukuyang nasa Roma ng mga sandaling iyun at naghahatid ng live telecast.
Hindi ko alam kung manhid ako o talagang walang pakialam, habang nagdiriwang ang lahat, ang iba naman ay nagsabing nakakapangilabot daw ang kaganapang iyun. Ako nama'y hindi man lamang natinag sa balitang iyun, o sige may bago nang papa, pero ang balitang iyun para sa akin ay walang importansya, isa lamang ito sa mga balitang madalas kong mapanood sa TV at madinig sa radyo. Para sa marami ang pagkahirang kay Pope Benedict the 16th ay isang napakahalagang pangayayari sa kasaysayan ng mundo. Siguro nga napaka-importante ng kaganapang iyun, importante ito para sa simbahang katoliko, sa mga taga-sunod nito at maging duon sa may ibat-ibang paniniwala at relihiyon.
Pero bakit ba wala akong pakialam? Siguro dahil para sa akin, ang naganap na election ng mga cardinal' s sa pagpili ng bagong papa o pinuno ay isa lamang gawain upang ipagpatuloy ang nakagisnan nilang trdaisyon. Dahil nga sa pumanaw na ang dating Papa na si Pope John Paul the 2nd, natural lamang na may pumalit sa kanya. Nasana'y kasi tayong lahat na may tinitingalang lider o pinuno. Para bang hindi tayo mabubuhay o hindi natin mapapatakbo ang sarili nating buhay kapag walang namuno sa atin. Maging sa aspektong spiritwal na masasabi nating pribado at transcedental naghahanap pa rin tayo ng ibang tao na siyang magdidikta at gagabay sa ating buhay spiritwal. Hindi ba pwedeng tayo na mismo ang magdesisyon, pumili at magpatakbo sa aspektong ito ng ating pagkatao? Sa dami ng relihiyon at ibat-ibang sekta nito na may ibat-iba ring paniniwala, hindi natin masasabi o matukoy man lang kung alin sa mga ito ang totoo at tama! Kung tama man ang isa at ang iba ay huwad, paano naman ang ibang taga-sunod duon sa mga sa mga sinasabing huwad? Siguro hindi kasalanan ng isang tao maipanganak siya sa middle east at maging muslim, o ng isang ipinanganak sa israel ang maging hudyo, o ng ibang ipinanganak sa India na maging Hindu, o ng isang ipinanganak sa China na walang relihiyon o ng kung sino pa man na naniniwala sa Buddhismo o ako na bininyagang katoliko. Ibig sabihin ba nito magdurusa ng habang-buhay, masusunog sa kumukulong asupre at apoy o magiging pinakamababang uri ng insekto o bacteria ang maraming tao kung sakaling totoo nga ang mga paniniwalang ito?
Teka, lumalayo tayo... o sige na nga may bago ng papa eh ano ngayon? Makakamit na ba natin ang world peace? Matitigil na ba ang giyera? Mapapakain na ba lahat ng mga nagugutom? Maisasalba na ba ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira? Makakapagtrabaho na ba ang mga unemployed? Matatangap na ba ang relasyon ng parehong kasarian? Matitigil na ba ang karahasan sa mga bata at kababaehan? Tuluyan na bang masusugpo ang droga at kriminalidad? Hindi na ba magkakaroon ng bagyo, landslide, lindol, unos, tsunami at iba pang kalamidad? Syempre ang sagot HINDI!!!!
Pero malamang dadami pa lalo ang mga taong nagbubulagbulagan at nabubuhay sa takot. Mga taong binabalewala ang pagkakataon nilang mabuhay ng makabuluhan dito sa mundo, dahil sa umaasa silang mabubuhay sila ng matiwasay at habang panahon sa isang mundong binuo sa ngalan na takot at salapi...
Sige may bago nang Papa, pero sigurado wala pa ring magbabago...parang o sige may bago na tayong halal na pangulo... eh ano ngayon? Kahit ilan pang Papa o Presidente at anumang pinuno ang ipalit at ihalal ng marami sa aspektong politikal o spiritwal ito lang ang masasabi ko... EH ANO NGAYON?!
Eventually the system will reach a point- th eword that provides the social cue is "integration"- where the universal dependence of all moments on all other moments makes the talk of casuality obsolete. It is idle to search for what might have been a cause within a monolithic society. Only that the society itself remain the cause-
Theodore W. Adorno (Negative Dialectics)
6 (na) komento:
he,he pasensya na what i mean apektado ako pero asar, inis, gustong tumaas ang kilay at matawa ng malakas sa kabaliwan nilang lahat!!!!!!!!!!!!!!!!
hoy mga walang diyos!!!!!! dapat ay galangin nyo ang bagong papa!!!dahil siya na ang magiging papa natin mula ngayon. pero sana magkaroon din tayo ng mama!!!!
Bakla ang taray mo!!!!!
lam mo parang duda ako dyan sa bagong talagang papa natin?ksi kakaiba sya at parang galit yung mukha nya .malay natin may tinatago yan na misteryo sa kanyang pagkatao? gets nyo?
Thank you!
[url=http://mcrrgcnb.com/naqu/ikia.html]My homepage[/url] | [url=http://jmtzvdbz.com/grcm/bssz.html]Cool site[/url]
Good design!
http://mcrrgcnb.com/naqu/ikia.html | http://xydugiqs.com/fryq/jfxv.html
Mag-post ng isang Komento