Abril 13, 2005

Isda

Mahilig ba kayo sa isda? Hindi iyong mahilig kayo kumain ng isda ha, ang ibig kong sabihin mag-alaga ng mga isda dahil naaaliw kayo sa kanila o may aquarium ba kayo sa bahay. Ako, simula pa noong bata ba ako tuwang-tuwa na talaga ako sa mga isda. Ang dati kong tinitirhan noong nasa kolehiyo pa ako, sa bahay ng tita ko ay may malaking aquarium, at madalas akong nakatanga sa harapan ng aquarium na yun.
Siguro iyun ang dahilan kung bakit matagal ko nang gustong magkaroon ng sariling aquaruim at mag-alaga ng mga isda. At ngayon ngang kaya ko nang bumili ng sarili kong alagang mga isda, kinausap ko ang kinakasama ko tungkol sa bagay na ito. Ewan kung badtrip sya sa mga isda o kung talagang ayaw nya lang na gumastos nanaman ako ng ilang daan para sa mga bagay na hindi naman masyadong kailangan, ito ang sinabi niya "Ano ka ba, hindi magandang mag-alaga ng mga isda lalo na't bibilhin mo ang mga ito sa petshop". Hindi ko na sya tinanong kung bakit iyun ang sinabi nya, kaya ang ginawa ko. Bumili ako ng dalawang goldfish, isang water pump, kristal bowl at iba pang abubot ng aquarium at iniregalo ko sa anak kong dalawang taon gulang.
Ang sabi ko, "hindi ko yan binili para maging alaga ko, binili ko yan para iregalo sa anak ko (kahit na wala namang okasyon ng araw na yun)at syempre kailangan kong alagaan at linisan ang aquarium na yan dahil hindi naman kaya ng batang dalawang taon ang mag-alaga ng isda sa aquarium".
Kaya ng ma-iayos ko na lahat ang aquarium at mailagay ang mga isda dito, tuwang tuwa ako at aliw na aliw sa dalawang goldfish na paikot-ikot at palangoy-langoy sa maliit kong aquarium! Nakakatuwa naman talaga slang pagmasdan diba? Lalo na ang mga goldfish dahil sa makintab na balat ng mga ito. Napansin ko matakaw at malalaki ang tiyan ng mga goldfish na ito at kapag dumumi aba'y napakahahaba ng dumi nila!
Lumipas ang ilang araw, parang nakakasawa rin palang titigan buong maghapon ang mga isda, o siguro kaya naibsan na ang tuwa ko sa aquarium dahil sa wakas nagkaroon din ng katuparan ang pangarap kong magkaroon ng isa nito? Napansin ko parang walang buhay at paulit-ulit lamang ang mga isda sa ginagawa nilang paglangoy, ni minsan ata hindi ko sila nakitang natulog? ah,basta pakiramdam ko hindi na ako naaaliw sa kanila. Walang bago kundi ang mga duming lalong dumadami na nagpapabaho at nagpapalabo sa tubig ng aquarium. Ay!wala nang thrill, pakiramdam ko nakakabagot ang buhay ng mga isdang ito. Nakakulong sa isang maliit na babasaging bowl na may artificial na halaman at hangin, pati pagkain nila halos isubo na sa kanila!
Naisip ko, nakakaramdam din kaya ng pagka-inip ang mga isdang ito? Katulad din kaya sila ng tao na minsan gustong lumaya, makawala, mamasyal at tumuklas ng ibang daigdig? Siguro sa liit ng aquarium ko kabisado na ng mga isdang ito ang bawat sulok at anyo ng aquarium. Malamang nabilang na din nila kung ilan ang buhangin na naroon.
Bigla ko tuloy naisip na pakawalan na lamang ang dalawang isdang ito, sa pinakamalapit na dagat sa lugar namin. Kaya lang ang malaking ikinatatakot ko, hindi kabisado ng mga isdang ito na nabili ko sa isang sikat na petshop at lumaki sa aquarium, na may artificial na kapaligiran kung ano ang takbo ng buhay sa dagat.
Natatakot ako na baka kapag pinakawalan ko sila ay bigla silang ma-excite sa bago nilang paligid, at hindi nila mamalayan ang mga panganib na naghihintay sa kanila sa bago nilang mundo. Paano kung may dumating na malaking pating? Malamang lahat ng isda na naroon ay nagtakbuhan na at nagsipagtago, samantalang ang dalawang goldfish na ito ay walang gagawin kundi ang magtaka at matulala kung bakit nag-alisan na lahat ng mga isda!Eh di mas mapapaaga ang buhay nila dun sa dagat kung sakali!
Teka, ano nga ba ang dapat kong gawin? nalilito tuloy ako eh, kung ibabalik ko naman sila sa petshop, baka mabili lang sila ng isang walang pusong gusto lang mag-alaga ng isda para patayin sa gutom. Siguro mas mabuti pang isipin ko na lang na ang dalawang goldfish na ito, ay nabuhay upang maikulong sa isang maliit na aquarium. Minsan may nabasa ako, ang mga goldfish daw ang uri ng mga isda na marunong mag-adapt sa kanilang paligid, kaya kung maliit ang aquarium hindi sila lalaki ng sobra dun sa aquarium na pinaglagyan sa kanila. Siguro tama nga, kasi yun din ang napapansin ko sa mga alaga kong goldfish, kaya siguro hindi rin sila nag-aanak o dumadami sa aquarium kasi alam nilang sisikip lalo ang mundo nila kapag nagdagdag pa sila ng isa. Mabuti pa ang mga isda sa aquarium marunong mag-family planning!
Tama nga sigurong manatili na lamang sila sa aquarium ko, ito ang mundong nakagisnan nila, at mahihirapan silang baguhin ito at ang takbo ng buhay nila, sabi nga ng marami mahirap baguhin ang nakasanayan na!
Parang tayo, namulat tayo sa nakagisnang relihiyon, paniniwala, lipunan at kultura ng ating mga magulang, na ipinasa naman nila sa atin; at syempre umaasa silang ganun din ang gagawin natin sa mga magiging anak natin. Oo nga't nakaka-inip, walang thrill, paulit-ulit, nakakabagot at konbensyunal pero ito ang ating "comport zone", hindi man tayo masaya alam naman nating mas ligtas at mas kabisado natin ang takbo ng ganitong buhay.
Subalit ganun pa man, may mga pagkakataon pa rin na isa o dalawa sa atin ang hahamon at pilit na babago sa nakagisnang ito. Para sa mga isda ko, siguro bukas makalawa maiibsan na rin o tuluyan nang mawawala ang nararamdaman kong pangamba para sa kanilang kaligtasan, kapalit ng buhay nila na maaaring maiksi subalit makabuluhan.


written by Luann

7 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

hoy!
wala lang

Unknown ayon kay ...

HOY KA RIN MAY PAPA NA!!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
[url=http://xrynytax.com/hlpw/ydrq.html]My homepage[/url] | [url=http://uefxbspv.com/mzbi/kkhj.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Great work!
http://xrynytax.com/hlpw/ydrq.html | http://tgetywrh.com/yvec/bkzx.html

William Buenafe ayon kay ...

kabuluhan sa buhay

malalim ang kahulugan ng tatlong salitang ito, ibat-iba para sa lahat ng tao

sa akin, ang kabuluhan sa buhay ay nangangahulugan na mayroon kang nagagawang bagay na nagpapaligaya o nagpapagaan sa buhay ng iba

halimbawa sa mga isda na nasa aquarium (mayroon din ako - at ibat ibang uri ng isda ang naroon, walang gold fish dahil kaaway daw ng mga klase ng isda na mayroon ako) totoong naka kulong sila sa four corners ng aquarium (not applicable sa bowl mo hehehe) pero hindi ibig sabihin nito na hindi ito mabuti para sa kanila. Ang naging kaguluhan nila sa buhay nila ay napasaya ka nila at ako rin sa tuwing makikita natin silang langoy lang ng langoy na kahit paikot ikot na para bang walang excitement eh nakakaalim pagmasdan na sila ay nabubuhay ng walang alalahanin - hindi sila nagaalala na walang makain dahil nariyan ka para pakainin sila sa bawat oras - hindi sila nagaalala na baka may predator na biglang dumating at bigla silang kainin at ba bye na sa life dahil nariyan ka para alamin at piliin lamang ang mga species na magkakabagay at harmonious together.

kaya give and take ang kahalagahan sa buhay. ang isda napapasaya at napaparelax ka after a tedious day from work at ikaw in return ang bahala to keep their existence free from any trouble.

Give and take, Take but make sure you give.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Madaling maghanap ng dahilan upang mabuhay. Pero higit na madaling isipin ang mga dahilan upang bumitaw, hindi na kailangang maghanap, ipikit mo lang ang mga mata mo, malalaman mo na, sa isang iglap, babaha ng paliwanag.

Masarap sigurong magpaalam sa mundong pumuksa sa karapatan mong mamahala ng sarili mong buhay. Masarap nga siguro.

Madaling mawala ang kulay. Bumabalik, pero magtatago rin pagkalipas ng ilang sandali. Sabik ako sa makikislap, mababango at magaganda, bihira kasi sa tunay kong mundo. Kaya't sa tuwing may pagkakataon, nagpapatangay ako sa agos ng kabila kong mundo. Minsan, madalas, pinaplano ko ang tuluyang pakikipagtanan sa mga alon. Hanep, ganito siguro ang pakiramdam ng mga nagmumumog ng ecstasy at pumapakyaw ng shabu sa Pasay, nagpapadala sa makukulay at mababangong kanta ng sirena. Pero…

Mahal ko ang buhay. Mahal ko sila. Putang ina, hindi ko nga alam kung bakit. Siguro ganun lang talaga yun. Ganun lang talaga. Siguro.