Agosto 7, 2008

Lovely Sunday

Gustong gusto ko ang araw ng linggo, malamang lahat kayo eh gustong gusto rin kapag araw ng Linggo. Araw ng pahinga, araw ng pamilya, araw ng pagsamba, at araw ng pamamasyal. Ito ang araw natin, lalo na dun sa mga pumapasok sa trabaho at sa eskwela. At alam kong halos lahat tayo eh atat na hinihintay ang pagdating ng araw ng linggo kahit na lunes palang ng umaga.

Naisip ko sana araw-araw linggo, lalo na’t katulad ngayon… hindi ko alam pero para sa akin napakasaya ng araw na ito. Pagising ko palang magaan na ang naging pakiramdam ko, parang wow! sa wakas nagising ako ng kusa at hindi dahil sa maingay at nakakatulig na tunog ng alarm clock. Paglingon ko sa kanan nakita kong payapang naghihilik pa ang aking love-of-mylife.

Hindi ko alam pero sa totoo lang aaminin ko sa inyo hangang ngayon kinikilig pa rin ako at super-duper inlove sa lalaking ito, may ganun ata talaga. Parang kahit na araw-araw akong magising ng siya ang makikita ko magiging kontento ako sa buhay. Parang araw-araw mas lalo akong na-iinlove sa kanya, lalo na kapag tinitingnan ko ang mga mata at ilong nya, ang mga parte ng mukha niyang gustong gusto ko. Kaya hindi talaga ako nangingiming magsabi ng I LOVE YOU sa kanya kahit paulit-ulit dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Ang korni no? Pero well, anong magagawa ko eh sa yun ang nafe-feel ko.

Lambingan muna, ang sarap magbabad sa higaan katulad nito katabi mo ang pinaka-importanteng tao sa buhay mo. Pareho kayong walang iniisip kundi ang pagsaluhan ang araw na inilaan ng panahon para sa inyo. Syempre, dahil medyo mainit na napilitan kaming iwanan ang higaan, inihanda ng aking fafa ang kanyang mga labada para paikutin sa washing machine. Habang ako naman eh naisipang linisin ang CR at iligpit ang mga kalat sa kuwarto. Konting walis habang enjoy na nakikinig sa mga oldies songs, nang magsawa Queen naman ng, matapos pinatugtog ang collection ng mga kanta ng beatles.

Habang umiikot ang washing machine, naisipan naman naming magsayaw ng swing sa saliw ng mga lumang kanta. Para kaming mga tanga, lalo na at parehong kaliwa ang mga paa namin pero masaya diba, minsan masaya ding gawin yung mga bagay na medyo far out? Buti nalang game kami pareho ng fafa ko, pareho kaming may sayad kaya nasasakyan namin ang mga trip ng bawat isa.

Natapos ang labahin, nagsampay habang pinag-uusapan ang mga kanta ng beatles at kung para kanino at kung anong maisipang sabihin tungkol sa kanta. Minsan naging laro na rin namin ang magsalita nang magsalita ng English na parang mga tanga habang nag-uusap, naisip namin pano kaya yung mga nasa callcenter hindi kaya sila naiilang na magpatustsadahan ng mga salitang English habang nag-uusap sa mga coffee shop kung san sila madalas tumambay para magpalipas ng oras? Tuloy ang chika namin habang, nasa background pa rin ang walang kamatayang beatles songs. Yes, aaminin ko adik ako o kaming pareho ng fafa ko sa beatles at alam kong kayo rin siguro.

Sa wakas natapos ang mga labahin at pagsasampay, naligo nang sabay nagkuskusan ng mga libag nagsabon ng nagsabon at kung ano pang maisipang gawin habang nakababad sa bathtub.

Matapos maligo, magkatabing nagbasa ng librong kabibili lang namin sa booksale (the lost art of leisure and pleasure) THE HEDONISM HANDBOOK…

4 (na) komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

LU day ang linggo:) my peborit day

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Klitorika, wala pa akong kopya ng iyong aklat.Sa totoo lang, hindi ko pa nababasa ngunit alam kong may *substance yan. Sana ay huwag kang yumabang katulad nung iba.Gudlak!

BoY PaLaBoY ayon kay ...

Gustong gusto ko ang araw ng linggo, malamang lahat kayo eh gustong gusto rin kapag araw ng Linggo. Araw ng pahinga, araw ng pamilya, araw ng pagsamba, at araw ng pamamasyal. Ito ang araw natin, lalo na dun sa mga pumapasok sa trabaho at sa eskwela. At alam kong halos lahat tayo eh atat na hinihintay ang pagdating ng araw ng linggo kahit na lunes palang ng umaga.
ANG TALATANG ITO AY SUMASAGISAG SA TINATAWAG NA PAGKA-"USED TO" NG TAO SA TINAGURIANG ISTRUKTIBONG PAMUMUHAY NG MGA TAONG SANAY SA PAGBIBILANG NG TAGUMPAY!!!
Naisip ko sana araw-araw linggo, lalo na’t katulad ngayon… hindi ko alam pero para sa akin napakasaya ng araw na ito. Pagising ko palang magaan na ang naging pakiramdam ko, parang wow! sa wakas nagising ako ng kusa at hindi dahil sa maingay at nakakatulig na tunog ng alarm clock. Paglingon ko sa kanan nakita kong payapang naghihilik pa ang aking love-of-mylife.
ANG TALATA NAMAN NA ITO ANG SUMISIMBOLO NG ANGKING KATALINUHAN NG MGA TAONG HINDI NAKABASE SA TEKNOLOHIYANG MEKANIKAL AT INDUSTRIYAL!!!
Hindi ko alam pero sa totoo lang aaminin ko sa inyo hangang ngayon kinikilig pa rin ako at super-duper inlove sa lalaking ito, may ganun ata talaga. Parang kahit na araw-araw akong magising ng siya ang makikita ko magiging kontento ako sa buhay. Parang araw-araw mas lalo akong na-iinlove sa kanya, lalo na kapag tinitingnan ko ang mga mata at ilong nya, ang mga parte ng mukha niyang gustong gusto ko. Kaya hindi talaga ako nangingiming magsabi ng I LOVE YOU sa kanya kahit paulit-ulit dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Ang korni no? Pero well, anong magagawa ko eh sa yun ang nafe-feel ko.
ANG TALATANG ITO AY ANG PAGSASAPRAKTIKA NG ANARKAFEMINISTANG TAGURI!!!
IN SHORT DEMAND THE IMPOSSIBLE!!!
1203h
08092008
BALETE RECORDS

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

joskoh! sumayaw kayo ni jhoy? bakla,anong kaguluhan ito? old skul swing! HANEP! ;)