Nang makaramdam ng gutom, naisipan naming lumabas at kumain sa inakamalapit na kainan sa lugar namin. Dala ang laptop, malong, at librong binabasa namin napagkasunduan naming tumambay sa ayala park.
Na miss ko ang Luneta Days namin kung saan magkatabi kaming nahihiga sa sakong panapin na nabibili lamang ng sampung piso noong panahon na yun. Nakahigang magkatabi sa pagitan ng mga ulap, bituin at malamig na lupa ng luneta. Isnt it romantic? Or pitiful? Ewan basta wala naman kaming pakialam noon sa kung anong sabihin ng mga taong makakakita sa amin sa ganung eksena parang you and me against the world bahala na. At halos araw araw na ginawa ng diyos ganun ang eksena namin tuwing gabi.
Iba talaga ang mga panahong iyun sa amin, pakiramdam ko kasi nung time na yun medyo Malaya pa kami sa mga responsibilidad ng buhay, sa pamilya at sa kung anu-anong isyu. Although minsan kapag sinusumpong kami ng aming pagiging makabayan katulad ng tipikal na kabataan binubuhos din naman namin ang aming oras at kakayahan para makatulong kahit papaano na makapagdulot ng mga pagbabago o pagmulat sa karamihan.
Minsan, masarap talagang gunitain ang mga nakaraan, lalo na ngayon habang sinusulat or tinatype ko ito nandito kami sa ayala park. Magkamasa na naman, magkatabing nakaupo sa malong na dala namin sa ilalim ng punong akasya. Deadma sa reaksyon at nagtataasang kilay ng mga taong dumadaan
Hindi ko alam kung hangang saan ang itatagal ng aming relasyon, pero kung sakali mang may magbago sa pagtinginan naming dalawa. Isa lang ang masasabi ko nagging masaya ako at alam kung ganun din siya sa piling ng isat-isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento