Mayo 3, 2008

anything goes...

He,he naloka kayo sa title ko... wala lang ito parang nararamdaman ko nanaman ang matinding boredom!!! Today is Saturday, wala kaming pasok kaya ito maghapon ako sa kuwarto ko, buti nalang umulan kaya hindi masyadong mainit ngayon. Nanood ng DVD, swerte dahil nakabili ako kagabi ng DVD copy ng pirated National Treasure at 10,000 BC sa suki kong stall sa Carbon kaya yun ang pinanood ko maghapon.

Kapag na inip naman harap sa laptop, update ng blog, nakibasa ng ibang blog, at ito ngayon susubukang magsulat ng bagong entry. Oooops bago ko makalimutan mag-uupload nga pala ako ng picture ayan sa baba.

Kuha ko kahapon nang mapadaan ako sa Ayala, puno ata ng Acacia yan habang naglalagas ang mga bulaklak... ang ganda para kang nagshower ng mga maliliit na bulaklak kapag napatapat ka sa ilalim nito, parang "fall" he,he.

Sa paglalakwatsa sinubukan ko na ring makitambay sa isang Coffee shop na may libreng access sa WIFI at nagpangap na burgis habang nagkakape at nag-bo-blog. Obviously hindi ko keri...



Kaya bumalik nalang ako ng opisina, naalala ko nagpost nga pala ako ng entry about Global Warming at kung paano makakatulong sa pagbibigay ng solusyon dito. The best pa rin ang lead by example kaya ito pinagdiskitahan kong kalkalin ang lahat ng mga basura sa opisina at pinagsama-sama ko ang mga papel na pwede pang magamit ang likuran at ang mga papel na pwede namang ibenta para marecycle ulit. (bagay pala sa akin ang maging basurera gagawin ko ngang career itoh!)



9 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahaha bagay ka as burgis ever ateng! hehehe kakatuwa ang story mo!

Unknown ayon kay ...

hehehe
ganun po ba mahal na reyna? Sige ipagpapatuloy ko ang pagpapangap sa mga susunod na araw hehe. Salamat sa dalaw ateh!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

fwen, c bob ong talaga yun?! kakatuwa nmn... i luv his books... hehehe..

kip on postng....

Nimble ayon kay ...

Ang cute ni bob ong kamuka lng ni kua dens bwahahaha!!!

sisa ayon kay ...

Si Kuya Dens ay si Bob Ong?
Ay indi a.
Nagkakamali ka, Kabobo.
Bakit mo naman naisep yan.
Nanghihingi ata sya ng paliwanag kung paano mo natunton ang konklusyon na sya ay si Bob Ong.
God bless you!

Unknown ayon kay ...

Hmmmm hindi ko alam kung anong kaguluhan ito. Pero ito ang larawang ibinigay sa akin ng isa sa mga kabobo kuha daw ito nung Grand EB at sinabi niyang si Bob Ong nga ang lalaking nasa gitna. Well, kung hindi siya mas maganda siguro kung bibigyan nyo ako ng larawan ni Bob Ong. Maraming salamt mga ate at kuya... sa ngayon siya na muna si Bob Ong hehehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kabobo, pwede bang pakibawi ang maling info sa entry na ito? Mas negatibo kasi ang dulot nito sa ating kabobong si dens. Sana ay naniniwala ka ring dapat ay pawang katotohanan lamang ang inilalagay natin sa ating blog. Responsibilidad natin ito bilang blogger.

Unknown ayon kay ...

Okies... paumanhin mga kapatid at mga kabobo at sa lalaking napag kamalang si Bob Ong. Inalis ko na rin ang larawan sa entry para sa ikakatahimik nating lahat. Salamat naman kung hindi talaga siya si Bob Ong medyo na disappoint din ako nang malaman kong nagpakita sya sa publiko. Pero buti nalang wrong info pala... hhaayysss anyways maraming salamat sa lahat. Ituloy ang suporta kay Bob Ong at sa mga isinusulat niya!

Randy P. Valiente ayon kay ...

ang sinumang makakapagturo kay bob ong ay bibigyan ng pabuya!