Ipinapakita ang mga post na may etiketa na random thoughts. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na random thoughts. Ipakita ang lahat ng mga post

Mayo 6, 2009

THE BITTERS

Eto ay kwento ng dalawang magkaibigan na parehong my bitterness sa buhay. Gusto ko na nga sila gawan ng libro at nag iisip nga ako ng pwedeng i-title – The adventures of B1 and B2 (Bitter 1 and Bitter 2) or The Bitterness..hmmm.. ano kaya? Minsan mahirap talaga intindihin ang mga taong may bitterness sa buhay hindi ba? Ewan ko lang kung may mapupulot tayong aral sa mga to..hehehe. Para magkaron kayo ng idea kung sino sila, eto..
BITTER 1 – Siya ang taong may malayang pag iisip. Hindi takot ang gustong gawin. Hindi siya kasal pero siya ang other woman. Na inlove sa isang may asawang tao. Inlove nga ba? Or nag aadik lang to..hehehe Pero parang nagging iba ang takbo ng kanyang pag iisip at pag uunawa? Hmm malalim ha..
BITTER 2 – Single naman siya, career wise, maayos naman. Malaya din ang pag iisip pero sa kasamaang palad, puro kaibiguan sa pag ibig (kaya siguro ang daming bitterness sa buhay nito haha). May nobyo pero ito ay long distance (aahhh..kaya siguro bitter haha).
Malalaman natin ang mag angst nila sa buhay sa pamamagitan ng kanilang usapan, halika at silipin nating ang usapan nila..na puro ka-bitteran…
Conversation Part 1:

Bitter 2: bkla
Bitter1: bkla hnd na talaga nagparamdam so wat should i do?
B2: waaahh bkla wag mo na din kontakin, isa lang ibig sabihin nun
B1: alam ko ibig sabihn nun
B2: pero kailangn bang i give up????
B1: bkla bkit ndi?
B1: huhuhu hnd ko ba paglalaban ito?
B2: bkla ano ba ang ipaglalaban mo?
B1: feelngs ko
B2: may mangyayari ba?
B1: wala magmumukhang tanga lang ako
B1: huhuhu
B2: eh kung ikaw handang ipaglaban tapos siya wala naman ano saysay?
B1: waaaaahhhhhhhh
B2: umarte, sa una pa lang bkla alam mo naman ndi nya i gigive up family nya at ikaw din ndi mo igigive up family mo
B1: oo malinaw namn un, alam ko eh
B2: o lam mo naman pala eh bakit parang gusto mo pang ituloy yan?
B1: haysss.... ewan ko gago sya un lang, bahala nga siya kung ayaw eh di wag waahhh
B2: fotah bkla bakt nagiging bitter ka? inlove ka ba talaga jan?
B1: oo as in
B2: bkla ka ano ba ang kayang mong ibigay at willing i give up?
B1: bkla ung gusto ko lang namn ung tipikal otherman woman relationship
B1: walang iigive up
B1: like kung ano meron kami nung una, wala namn kamng ginive up eh, pero pareho kaming masaya
B2: bkla un nga eh, later on bkla isa sa inyo mag sasawa, it's either u demand more or siya matakot kasi his wife will get suspicious
B2: ano bah, siya ba kya nyang gawin un for you?
B1: tama ka its either nagsawa na sya o natakot sa aswa nya pero feeling ko both
B2: bkla ung mga ganyang actions or mga ganyang ginagawa nya, ayaw na nya
B1: alam ko.... obvious naman... hindi ko lang matangap, yun! yun!!!
B2: bkla kasi alam mo kung bakit?
B1: ano
B2: kasi dati hindi ka ganyan, kasi dati wala lang sayo, kala mo ndi ka tatamaan dahil nga sex lang
B1: so karma????
B2: ay ndi ko alam, siguro para ma understand mo lang
B2: na ndi lahat eh puro sex
B2: hahaha
B2: adik ka kasi sa sex eh
B2: ayan na inlove ka tuloy
B1: gaga hnd namn ako puro sex lang may attraction ako sa mga taong yun and the best way to show it eh through sex
B2: oo nga may attraction or feelings pero kala mo hangang dun lang, meron pa pala na pwede mangyari beyond that
B1: bkla it hurts alam mo un
B1: huhuhuhu
B2: waahh oo naman, hirap kaya mabigo, nakakaloka un
B1: gusto kong sabotage sya waahhhh para makagnti man lang hehehe
B2: ikaw lang un umiibig at nag pupursige, hahaah bitternes ba ito
B1: siguro nga ganun kasi ako
B2: hirap pag one way lang
B1: pinaglalaban ko
B2: tapos ikaw lang nag eefort, i know the feeling noh
B1: hnd man nya sabihin nalang sa akin na wla na kami tigilan nya na ko at tapos na ang kahibangn namin
B2: oo nga noh para ndi ka umaasa, pero kasi lalaki un eh, nagsabi ka na na tapos na, at siya rin nagsabi na tapos na
B1: play safe ang hayup.... gusto pa ko gawing reserve leche
B2: ganon na nga, parang pag kelangan ka lang nya
B2: go pero wag ayaw na nya wlang contact
B1: oo nga its unfair namn on my side diba, i think dapat malamn to ng wife nya hehehe, para awayin man lang sya
B2: nyahahaa, wala ka naman ebidensiya, ano bah, wag ng adik
B1: txt ko kaya ng mga sweet nothigs ngayon, para mahuli sya hahahaha
B2: as if nman mababasa ng wife nya un
B1: hmmm malay mo
B1: txt ko sya para magulo buhay niya, heheheh, sweet nothings, now
B1: sweet revenge hehhee
B1: wat do u think?
B1: then after that wala na kami
B1: give up ko na sya!
B1: as in for good
B2: ngek bkla ka, tapos ano naman mangyayari?
B1: so ano il send this na
B2: sa frenster na lang haha
B1: eh di awayin sya asawa nya nakaganti ako sa knya hehehe
B2: diba may access dun ung asawa nya, eh di magagalit naman sayo un
B1: magsend din me dun sa frendster nya wahahhahha
B2: bkla ka bitter ka, hahaha
B1: as in gulo na to bakla, korek!!!
B2: bkla ka umayos ka, hahaha
B2: baka may baril un, hahhaa
B1: then i move on
B1: wahahahaa
B2: move on ka jan, hahaha
B1: marami akong baril dito noh hahaha
B1: txt ko, hello there still with your wife? I miss you already its been a while since i recived ur last message. Wish we could see each other again soon i miss our hot lovemaking. Love you so much muah!
B2: ano go n b, bkla wat do u think???, go?
B2: hahaha, gagah ka baka magalit sayo un
B1: ano send ko??? eh di mas ok may dahilan na sya ngayon para iwasan me, hnd pwedeng manahimik nalng me ng ganun lang bkla
B1: bkla tnxt ko na
B1: hmmmm bahala na kung ano ang kasunod
B1: im ready to face it
B2: nyahaha, adik ka
B1: naka online, message ko nmn ngayon hehe
B2: hala ka
B1: teka mukhang wife nya ata tong nasa ym

Ooppsss..sadya nating putulin dahil mahaba pa yan haha at may kakaiba daw na nangyari diyan. Sa tingin nyo ba kinausap ni B1 ang asawa?

Part 2
B2: ano na naman yan bkla
B1: wala kausap ko sya back to normal....
B2: yun nga laylow lang talaga kasi nasa haws sya last week, adik lang ako
B1: huh? ano naman yan, kala ko ba tinigilan mo na yan, ay pasaway
B1: ano nalang to maintenance... hehhe, hnd na ganun ka intense para at least he is still my option

Part 3
B1: ano gawa m bkla
B2: gusto kong umiyak!!!
B1: wahaha bakit
B2: gago tong jowa ko kakainis
B2: nag away kami as in tapos nag sorry ako fotah sbi nya nag sosory lang daw ako kasi may binili siya para sa akin at gusto kong makuha un!
B2: argh!!!
B2: bkla natapakan ang pagkatao ko nung, fotah kung gusto ko ng pera at regalo noon pa wala na ako sa kanya, &8!@? ina nya!!!
B1: hahha
B2: naiiyak ako bkla, gago siya talaga, naiinis ako
B1: eh di tingnan m alam nya kagaya ka rin ng iba kaya gudluk neng hnd na mwawala sa isip nya un
B2: oo nga eh, kakainis diba, ano na gagawin ko?, waaahh
B1: tigilan mo na
B2: tapos hanap na lang ng iba?, wwaaahh ayoko na ng iba, nakakapagod na
B1: wag ka maghanap hayaan m sila dumating, hehehe
B2: bkla pano ko sila makikita eh andito lang naman ako sa haws
B1: tanga got to believe in magic
B1: ehehe pag love talaga darating un, hnd pinipilit, ano ba
B2: kunsabagay
B1: kausap ko sarili ko wahaha
B2: nyahaha
B2: parang ang isang tanga nagbigay ng advise sa isa pang tanga, ano bah, hahaha
B1: oo ganun na nga un, hehe
B1: hind kaya ano pagnnasa lang siguro un
B1: wer frends namn lilipas din un libog ko dun nag inarte lang siguro ako na love un hehhe, adik
B2: hindi adik ka lang talaga
B1: oo
B1: alam ko ganyan ako sa mga nagng lalaki ko dati diba, pero lumilipas din,
B1: siya kasi eh un nga kasi binola nya ko love nya daw me
B1: kaya naniwala ako, heheheh
B1: pero ngayon wala sex sex lang tlaga yung junior nya lang pinanghinayangan ko hehhe
B2: nyahahaah junior ka jan, adik ka, hahhha, tigilan mo na ang kaka sex
B1: hnd kasi mabait din na miss ko company nya
B2: nakakasama din yan, hahaha
B1: tapos un nga kinikilig ako sa knya eh, as in kiss palang melt na ko, wwwaaaahhhh
B2: nyahaha kaya siguro ayaw iwanan ng misis, haha at mahal na mahal siya
B1: oo nga adik, hahaha, hnd namn kagandahan hmmppp
B2: bitter ka bkla!!
B1: oo siya din naman ha bitter sa aswa nya hahaha
B2: hahahah ows? jina justify ang pagiging bitter hahah
B1: hehehe gaga ka
B1: naka online si gago busy daw sa report nya heheheh
B2: arrruuhhh, tigilan mo na yan bkla, nakakasama sa atay yan, hahaha
B1: oo nga, hahahaha, baka ma-constipate ako, aahaa oo gagah
B2: tigilan mo na yan

Part 4
B1: i give up final na to
B2: nyahahah, no na namn give up give up na yan, let the pain remain in my heart
B1: ayoko na bkla
B1: kung ayw wag pilitin
B2: ay ano ba sabi ba nya wag na?
B1: delete ko na sya sa ym ko promise
B2: kaloka ka
B1: hnd na hurt ako online ayaw ako kausapin
B2: wag ng pahirapan ang sarili
B1: kasi kausap nya wife nya online
B2: oh tapos nag iinarte ka
B1: sabi nya baby nya kausap ganun na rin un
B2: nyahahaha, wag ng arte jan, wife ang kausap eh, umayos ka
B1: oo nga kaya, wag na, yoko na as in, bahala sya
B1: denelete ko na 2 nya ym nilagay sa spam, ignore list
B2: hahahaha, ows?, totoo ba yan?, hay naku bkla tawanan na lang natin ang problema
B2: kasi kami ng jowa ko mukhang mag bre break na, nag sabi na siya eh
B1: hahahhaa
B1: magsamasama tayong mga sawi
B2: waaaahhhhh korek, wala bang tanduay jan
B1: oo nga
B1: bkla ............ im so down talaga naiinis na ko, ang lungkot ko huhuhuu, It hurts it hurts
B2: ako din huhu lets comfort each other waaahhh
B1: wahhhh
B2: bkti ndi ka na ba talaga kinakausap?
B1: hnd, nalis ko na nga sa ym ko sya eh, wala talaga naiinis na ko, huhuhuhu
B2: ok lang un kahit ndi ka kausapin, ndi naman siya mkakahanap ng iba hehe
B1: alam ko, kaso ito adik ako, bkla affected leche, punyeta talaga inis ako, hayyysss
B2: bkla umayos ka na lang, isipin mo mwawala din yan
B2: fotah bkla kung hindi ka pinapansin eh di deadma na lang
B1: makaganti man lang sa knya leche sya
B2: oh ayan ka na naman
B1: eh ano nga, alam ko sasabihin mo tigilan ko na....
B1: ano ba to titigilan ko ba or wat
B2: tigilan na adik ka, kasi ikaw lang mahihirapan, Hangat maaga promis
B1: sige na nga promise titigilan ko na, oowwsss???, ilan beses ko na sinabi to, hagard na ko as in super down.....
B2: oo nga adik adik ka
B1: hays
B2: bakit ba kasi ayaw mo tigilan
B1: syet love ko kasi, hnd ko alam bakit, as in, nagseselos ako sa mga pics nila ng asawa nya, adik ako
B2: sobra na ang attachments mo
B1: todo na to, as in l-o-v-e, nagtxt ko if kumain na sya nagtxtbak namn, now wer txting....
B2: ay ewan ko sayo kala ko wala na
B1: sabi ko i feel so down
B2: sana naman ndi ka nagpapahalata na ikaw ang humahabol diba
B1: hnd ko kasi alam eh.... bakit sya nagttxtbak, deadma kung deadma diba
B2: ay ewan ko sayo, siguro he's trying to be nice to you, gentleman act?
B1: ahhh siguro nga civil lang si gago, waaahhh, bkla para m namn akong sinampal
B2: ano bah, kasi ikaw na din nag sabi sa akin eh, na ndi ka chat, ndi din siya nag ii nitiate na mag text, unless na ikaw ang mag text
B1: oo nga
B2: bkla isipin mo nga, katulad pa rin ba siya ng dati? tinitext ka pa din nya kahit na ndi mo siya text? nag sasabi ba siya na mahal ka talaga nya?
B1: hnd na
B2: oh, gumising na adik hahaha
B1: kapag tinanong ko sabi love namn daw
B2: hmmm kelangan talaga tanong mo un?
B1: tanga nga eh, adik
B2: hmmm bkla ndi nga sa nakikita ko parang he's trying to be nice lang
B2: ask mo siya tapos sabi nya love ka naman nya, sabi nya lang un para matapos na usapan, lam mo un?, waaaahhhh

Part 5
B1: adik tigilan m na
B2: oo nga eh, huhuhu, kakainis
B1:hay naku tigil na
B1: alisin m na sa ym mo yan, hahhaa
B2: nyahahaaha, parang ikaw lang
B2: kakainis, sana ndi na natin na raramdaman ito, tigilan na ang drugs bkla
B1: oo nga, wala hnd ko na sya ym, promise wala na sya sa messenger ko kaya hnd k nakikta
B2: nyehehe ows? promis?
B1: oo gaga, as in eh ikaw???
B2: bkla tigilan na kaya nating ang mga lalaki, hahaha waaahh, fotah bkla nawiwindang na ako lam mo ba yun
B1: oo sexsex nalng waahh na pag ibig
B2: hahaha sana diba? baka ma inlove ka ulit hahaha
B1: korek hnd na promis, hmmppp

Ang haba ng kanilang usapan diba? Na gets nyo ba? Kasi ako hindi hehehe..ang mga babae nga naman, talagang emosyonal at bitter, hindi na yun maalis. Sabi nga nila to be happy with a man you must understand him a lot and love him a little. To be happy with a woman you must love her a lot and not try to understand her at all...o diba?

Lesson learned: Huwag iinom ng amplaya juice na marami para hind maging bitter!

Abril 26, 2009

Mga Kasabihan Napapanahon ;-)

  1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
  2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba"
  3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
  4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
  5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
  6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
  7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
  8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
  9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka..Kaya quits lang."
  10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

Abril 20, 2009

Bored at Adik Mode!

Matagal ko nang gustong mag sulat ng bago at magpost dito sa blog ko, halos isang buwan na rin akong hindi nakakapagsulat. Yung mga naunang post ko ditto na mga nabasa nyo eh, kasama pa yun sa manuscript ng book 2 ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nitong mga nakaraang lingo eh “adik” at ”boredom” mode ako.

Adik sa kakalaro ng chess on line well, maganda naman kasi at talagang nakakalibang ang larong chess bukod sa may mga na meet akong mga bagong OL buddies, hehe from different parts of the world. Karamihan nga lang puro Indians, adik din pala ang mga Indians sa chess! Halos ang room ng Indians at pinas lang kasi ang napansin kong dinadagsa ng tao. Kaya naman ang lola nyo wala na rin ginawa kundi ang makipagchat habang naglalaro ng chess maghapon! Adik nga!

Boredom… kasi matapos ang ilang linggong sunod-sunod na travel at field works sa Leyte at kung saang panig ng kabisayaan. Ito ang lola nyo standby mode kaya bored to the max! Nakakairita rin pala ang walang ginagawa maghapon kundi ang humarap sa computer. Hindi rin naman ako makalabas kasi nga office gurl ang drama ko kaya ito nakatali muna sa opisina.

At dahil sa mga moda kung ito ayun, maraming tao ang napagdidiskitahan ko, an dami kong kinukulit. Txt ng txt kahit hindi naman dapat mag txt! Walang ginawa kundi ang magsayang ng load ng cp. Naiirita na rin ako sa sarili ko kasi nga feeling ko dahil sa boredom marami akong naasar at naiistorbo,

Gusto kong makipag-konek sa kung sino, sino kahit man lang sa txt o chat. Feeling ko kasi kapag wala akong ginagawa, wala ring ginagawa ang mga taong ito sa mga buhay nila,. Hay, nakakaloka at nakakairita ako nitong mga panahong ito.

Kaya dun sa mga nasagasaan ng kakulitan at nakakairitang moda na ito eh pasensya na po mga ate at kuya. Tao lang….hehehe laging palusot ang salitang yan bakit kaya? Excuses, excuses …

Gusto ko nang tigilan ito, kaya lang paano? I want to divert my attention sa mga bagay na pwede kong gawin habang standby mode sa office. Ehhhh… ano naman kaya? Any suggestion?

Marso 7, 2009

AMORES PERROS

"Loves a Bitch!" Bakit nga ba? Napakaraming negatibong karanasan at damdamin ang naidulot sa atin ng pag-ibig. Sabihin na nilang "bitter" ako, wala akong pakialam! Oo ngumata ako ng sangkatutak na hilaw na ampalaya, with matching ampalaya shake!

Naranasan nyo na bang mag-mahal? Ako naranasan ko na, sa katunayan maraming beses na. At habang dumarami ang mga taong minamahal ko at nagmamahal sa akin,lalo lamang tumitindi ang kalungkutan ko at hangarin na tapusin na ang mapait na buhay na dulot ng pag-ibig.

Sino nga ba ang taong una kong minahal? Syempre ang una kong nakagisnan dito sa mundo ang mga magulang ko. Mahal na mahal ko sila at doble ang pagmamahal na ibinigay nila sa akin. At dahil sa pagmamahal na ito ng magulang sa anak, hindi ko lubos na naranasan ang maging isang tunay na paslit! Ang maglaro hangang sa gusto ko at pumunta sa mga lugar na gusto kong puntahan. Dahil sa pagmamahal na ito ng tinatawag nating magulang nagawa nilang ipagkait sa atin ang kalayaang tuklasin ang mundo sa sarili nating paraan.

Dumarating sa puntong ang mga anak ay mapipilitang pumunta sa malalayong lugar upang mag-aral o mag-trabaho at mapalayo sa kanilang mga magulang sa mahabang panahon. At dahil mahal ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ganun din ang mga magulang sa anak walang ginawa ang bawat isa kundi ang magmukmok at umiyak sa pangungulila. Kitam! walang naidudulot ang pag-ibig kundi puro luha at sama ng loob.

Kapag dumarating naman sa puntong naibsan o nakalimutan mo na ang pangungulila sa magulang, may mga tao namang darating para guluhin muli ang mapayapa mo nang mundo. Magkakaroon ka ng crush! at maiinlove ka sa isang mapagbalat-kayong sugo ni satanas! Magkakaroon ka ng boyfriend na mamahalin mo "raw" at magmamahal din "daw" sayo; na magdudulot ulit ng panibagong kalungkutan, gulo at insecurity sayo! Ang away sa pagitan ng mga magkasintahan ay hindi na bago sa ating lahat, at ang malala pa nito minsan dumarating sa punto na isa o silang dalawa ay mapapatay dahil sa tindi ng pag-ibig sa isat-isa!

Kung hindi nyo naman napatay ang isat-isa sa dami ng mga naging away nyo, syempre pa magpapakasal kayo! At magkakaroon ng anak, madadagdagan muli ang mga taong mamahalin mo at syempre magdudulot na panibagong sakit ng ulo. Dahil sa may mga anak na kayo, marami na kayong hindi ma-e-enjoy, at mababawasan na rin ang panahon at oras nyo sa isat-isa. Dahil sa pagmamahal mo sa anak magiging losyang ka at ma-i-insecure hangang sa iwanan ka ng asawa mo! Na magdudulot nanaman ng panibagong pait, kalungkutan hangang sa dumating ang panahong gusto mo na lamang mamatay!

Sasabihin nila may mga kaibigan namang magmamahal at dadamay sayo sa oras ng iyong pag-iisa. Siguro totoo nga, pero kadalasan kung sino pa ang mga taong pinagkatiwalaan mo minahal at itinuring na kaibigan ay sila pa ang unang manloloko sayo.

Talagang walang maidudulot na maganda ang pag-ibig! hindi nyo ba napapansin habang dumarami ang mga taong minamahal mo at nagmamahal sayo, nadadagdagan din ang responsibilidad mo sa ibang tao, natatali ka at halos umikot na ang buhay mo sa kanila, nawawalan ka ng kalayaan at oras para sa iyong sarili. Hangang sa dumating ang panahong makakalimutan mo kung sino at ano ka nga bang talaga, at ano nga ba ang kaluhugan ng kalayaan at tunay na pag-ibig.

O, huwag nyo masyadong seryosohin at nagbibiro lang ako! As in Joke! Joke! Joke!

-THIS IS A REPOST-

Marso 2, 2009

Experimental Romantic Relationships: Emerging Conditions of the New World Order

(a personal evaluation)

By walking contradiction (my partner)

“Anarchism is not a concept that can be locked up in a word like a gravestone. It is not a political theory. It is a way of conceiving life, and life, young or old as we may be, whether we are old or children, is not something definitive: it is a stake we must play day after day.”
-Alfredo Bonano, THE ANARCHIST TENSION

Jealousy, And What I’ve Learned From It
Yes, I still feel jealous sometimes. I’ve had experiences before of being insanely jealous --- not just of another man, but of other things my partner loved or experienced or were excited about. Being able to come to terms with these things has been a very important in the development of my confidence and sense of self. It took me years to feel (not just understand) that if my partner loves other things or other people as well, it doesn’t mean I am less valuable. Besides, if she truly loves me, it’s not because I march up to someone list of desired qualities that someone else can outmatch me at – she loves me for reasons that are unique to me, that no one else can compare with, so I have nothing to fear.
I consider my jealousy a worthy adversary, one that can teach me a lot about myself if I confront it with rather than trying to protect myself from it by controlling others. I’ve had experiences in relationships before where we have limited ourselves in order for us to protect from jealousy, and it has been catastrophic for both of us, you can imagine.

Love isn’t a scarcity commodity --- it must increase, just like joy, the more it is permitted and shared and given away. Remember the elementary song “LOVE IS SOMETHING THAT YOU GIVE IT AWAY” and movies like “PAY IT FORWARD”?
I don’t feel like I have to hoard anyone all to myself now. I know that doesn’t work, or help to protect love (or me, for that matter) It’s just as important to me now that I help others to not be “afraid of me” as it is they learn not to be afraid of themselves.


Another Gender Rant


One of the things jealousy has taught me about is my attitude toward other men. In our society, men are conditioned to hate each other, try to “protect” womyn from other men (which often looks more like hoarding and protecting personal “property”), and this inclination makes sense when you look at how fucked up many men are when it comes to interacting with womyn. But for me to not trust any men to be something good for my partner (past the point of limited friendship) is outright paranoia and territorial bullshiting. If I trust the judgement of my partner, I should trust her to know what and who is good for her, and to not let my each-against-all male conditioning interfere.

Objections I’ve Heard Raised Against Open Relationships

“I guess that’s fine if it’s what YOU WANT (choice) to try, but luckily I only want monogamy for myself! I’m all set!” – a friend
That’s great for you, if it really is true --- for the time being, at least. We’re always so thrilled when our desires happen to coincide with social rules: then it is easy for us to feel proud of our desires, to think they’re beautiful, since they are universally accepted (indeed, everything around you is reinforcing the idea that that what you are lucky enough to feel for the moment is perfection itself) … but you might not always be that “lucky”, you know. Should you (or someone else) ever feel a need that isn’t satisfied by the monogamy system, if you haven’t explore it once, try it twice!

“It sounds good in theory, but the way people feel is more important than these abstractions…” –a friend
Some people think that we come up with ideas and theories not as solutions to the real problems of our lives, but to show off what good ideas we can come up with. If it is not clear by now that that I’ve been thinking about this as an attempt to solve rather than exacerbate the problems in my intimate relationship, then I apologize for doing such a poor job writing this article.

(this is a repost)

Pebrero 27, 2009

Bitterness Itoh!!!

I thought I loved him,
but he had to break my heart for me
to know what true love really is.

A failing love is like desperately
hanging on to something precious;
not wanting to give up,
but your hands feel the pain.
And, when you finally let go,
you're free from any pain,
but your hands are empty.

What do you live for when all
you were living for is gone?

We cannot beg someone to stay
if they want to leave
and be with someone else.
We have to admit that love
doesn't give us the license to own a person.
This is what love means...sacrifice.

Deep in my heart, I'm suffering,
knowing that I've lost you.
On the outside, I'm living,
pretending that I've forgotten you

I just want one day to go by
where I'm not pretending I'm happy!

Once upon a time I was falling in love,
but now I’m only falling apart.

I could fill a thousand pages
telling you how I felt
and still you would not understand.
So now I leave without a sound,
except that of my heart shattering
as it hits the ground.

I always knew looking back on the tears would make me laugh,
but I never knew looking back on the laughs would make me cry.

Every morning I wish it were night again,
for it is only at night and in the depth of my dreams that I can feel you,
and you still belong to me.

If you never get your heart broken,
you'll never learn to love.

She's got him falling head over heals for her
and I can't even get him to stumble..

Love is hard to get,
but harder to let go.

Love is short,
but forgetting is long.

You'll never understand why I hurt so much
because you're not the one who is crying,
you're not the one who is left behind,
you're not the one who loved too much,
and you're not the one who is holding on to someone who is gone...

You don't have to let it slip away but you want to,
I don't want to let it slip away but I have to.

It is only when I realized I could lose you
that I realized I could never lose my love for you.

Loving someone doesn't mean
you have to be with that someone,
because sometimes Fate plays a fool on us
and we are not meant to be together.
But still, there is love between us.

The hardest thing to do is watch someone
you love, love someone else.


Ooopps hnd ako nagsulat nito na copy ko lang po emo mode ako ngayon for the link visit ka dito...



Pebrero 12, 2009

ANG MGA ADAN NI EBA

Whew! Iba na talaga ang powers ng mga kababaihan ngayon. Lahat ng mga nagagawa ng mga Adan eh nagagawa na din ng Eba. Siguro nga ay dahil ang mga Eba ngayon ay matatawag nating modern women.

Ang mga kapwa Ebang nakilala ko eh lahat mahahaba ang hair. Alam nyo ba kung bakit? Hindi dahil sila ay successful sa career kung hindi dahil sila ay madaming Adan! Alamin natin…

Eba #1 – Hindi siya kagandahan pero sa totoo lang, ang dami niyang Adan! Minsan inaya niya akong lumabas at nag kakwentuhan kami, na pro-problema siya dahil hindi nya alam kung sino talaga ang pipiliin niya (haba nga ng hair nya). Dahil hindi lang dalawa o tatlo ang kanyang Adan kung hindi 4 na Adan! Wow! Anong gayuma ang gamit mo, tanong ko pa sa kanya dahil tulad nga ng nasabi ko kanina eh hindi siya kagandahan! Sabi ko na lang siguro ay nababaitan sa kanya. At in fairness, lahat yun ay seryoso. Sabi nga niya, just go with the flow, kung ang mga lalaki nga nakukuha na mag karoon ng madaming babae, why not us? (hmm she has a point). Try na niyang makipag hiwalay pero ano daw magagawa niya, ayaw nilang lahat! Single naman siya, at lahat naman ng mga Adan nya ay puro single din. Hindi ko alam kung paano niya nahahati ang oras niya. Pwede bang lahat ay mahal mo? Tanong ko pa, pero ang sabi nya siguro dahil lahat ay mahal nya. Nakakaloka. Naguluhan talaga ako. Masaya naman daw siya at lahat ng mga Adan nya ay mahal na mahal siya. Gusto ko tuloy siyang sakalin, feeling ko tuloy ini-inggit niya ako dahil ako ay isa pa ding single!

Eba #2 – Tawagin natin siyang United Colors of Benetton dahil parang halos lahat ata ng nationality eh gusto niyang tikman. Siya ang Eba na hindi ko akalain na madaming Adan! Dahil sa tagal tagal na pagkaka- kilala ko sa kanya, siya ang tipong one man-woman. Pero nang mag ka-usap kami sa chat sa internet, nalaman ko na 4 din ang kanyang Adan! Ang isa ay Indian, Mexican, australiano at pinoy! Oh diba san ka pa! Ang sabi pa nya ay nag tataka at nag tatanong siya dahil dati ay hindi daw siya ganon, muntikan na nga daw siya mag madre noon (ah ewan ko, tanungin daw ba ako?) Naka schedule daw ang kanyang mga Adan, pero in fairness, isa lang dun ang serious for her, malapit na siyang ikasal dito and the rest e..wala lang.. hehe, kasi ang motto nya kung sino ang unang mag alok ng kasal sa kanya, yung ang seseryosohin niya..oh isa pa din mataray ang isang to!

Eba #3 – Siya? Wala lang. Ang reason lang nya eh, ayaw na niyang mag sersyoso sa pag-ibig. Nabigo na kasi siya. Kaya ngayon, collect and collect lang siya! (revenge ba ito sa mga Adan?) Maganda siya pero sayang nga lang at nabigo sa pag ibig kaya ayun, wala ng tiwala sa mga Adan! Sinusumpa niya ata ang relasyon, dahil sa tuwing nakakakita siya ng mga lovers, sinasabi nya na mag hihiwalay din daw yun balang araw! (mas masahol pa ang bitterness niya sa akin!) Sabi pa nga niya “I've got everything I need and I'm not one of those women who thinks a man is the answer to everything, ” (pang awards ang linya nya!)

Eba #4 – oh well.. siya ang kaibigan ko na raining men. Kung nag paulan ang Diyos ng mga lalaki para sa ating mga Eba, may dala siyang malaking palanggana pang sahod. Para siyang pulis o military, kahit san mag punta may Adan! Kahit na may partner siya eh madami pa ding Adan! Hindi ko alam kung gusto lang ba nya ng ibang ka-sex or thrill lang hanap niya. Hindi naman seryoso lahat dahil mahal pa din nya ang partner nya at laging safe sex (dapat lang noh). At in fairness honest din siya sa mga lalaki na may partner siya. Eh bakit nga ba nag hahanap pa din siya ng ibang Adan? Sabi nga ng mga lalaking maraming babae, parang putahe daw, nakakasawa ang araw araw na pagkain (kala siguro ng mga lalaki sila lang ang pwede mag dialogue nun). May ganung level? Malakas lang daw ang sex appeal nya! (tingin ko tuloy nag dro-droga siya! Hehe). Sabi ko nga buti na lang at magaling siya mag tago sa partner nya. Hindi naman daw araw-araw (nangangatuwiran pa!) Sabi pa niya, mag sasawa din daw siya at habang andito daw tayo sa mundo why not try everything we want, we only live once.

Sabi pa nga ng isa kong kaibigan na mag pa-pari, si Eba ang kumagat ng mansanas kaya tayong mga babae ang talagang makasalanan (haler! Eh kung siya kaya ang kagatin ng Ebang gaya ko?, itutuloy pa kaya nya ang pagiging pari?). Ang hindi alam ng friend ko na kung hindi dahil kay Eba ay malamang wala siya ngayon dito sa mundo.

Ganito talaga ata ang buhay. Tayong mga Eba sadyang kakaiba. Sabi nga nila, sala sa lamig sala sa init. Gusto lang naman nating maranasan ang totoong buhay…ang realidad. Hindi tulad sa mga fairy tales na kapag nakita mo na ang prince charming mo, mag papakasal kayo and you lived happily ever after!

Pero sa totoong buhay, ay hindi. Tayong mga Eba ay puno ng kahiwagaan, kaya nga mahirap din tayo spelling-in diba? Gusto lang naman natin i-express ang ating karapatan..ang ating sarili. Mali ba yun?

Tandaan nyo na lang na in every man’s success, there’s a woman behind…this is based on…Experienced!Teka parang far out ata? He,he

ni athena



Pebrero 6, 2009

The Others

“Hindi kami kabit noh, we’re the other woman”, iyan ang sagot sa akin ng aking friend ng magkakwentuhan kami isang araw habang umiiyak.

Ito yung araw na nagkita kita kami ng mga old friends ko. Parang reunion na din. Nakakaloka kasi lahat sila may common denominator. Ang pagiging…Other woman.

“hmm..ah ok, so whats the difference?” tanong ko naman.

“Kasi yung mistress eh masyadong negative ang dating, sila ung mga babaeng ayaw ng long term commitment, it’s either gusto lang nila maging masaya, sexually attached yes, and of course, financially attached noh, eh yung other woman, involved sexually and emotionally, as in there is love. Di ba nga yung ibang mga other woman is not looking for financial support basta makasama lang nila yung lalaki, iba yung feeling na nakakasama mo”, dugtong pa niya.

Ok fine. Parang lahat sila may kanya-kanyang story bakit nagging other woman. Bakit nga ba?

Other Woman #1 – Ito ung friend ko na as in head over heels inlove sa kanyang married lover. Bakit siya nagging other woman? Well sabi nya, friends sila at first hangang sa na develop. Hindi talaga nila akalain na magiging mag lover sila. She’s been the other woman for almost 4 years na (wow matagal na din pala). Tinanong ko siya kung hangang kelan, ang sagot nya hangang sa Masaya silang dalawa, pero wala siyang balak na papiliin ang lalaki dahil ito ay may anak, hindi lang isa kundi 3. Sa una pa lang ay hindi na nag sinungaling sa kanya ang lalaki na may asawa na ito kaya wala siyang sinisisi. Ang dahilan nya din ay basta Masaya siya..silang dalawa. Tinanong ko pa siya paano kung mahuli sila? Ang sagot nya ay hindi, dahil isa siyang perfect other woman! (taray!..so abangan ko na lang ang kabanata nya)

Other Woman #2 – Ito ang friend ko na other woman na gusto kong iuntog ang ulo sa pader. Dahil nagpadala sa bola ng lalaki. Alam din niyang may asawa ang lalaki sa simula pa lang, pero dahil sa mga katagang ito, eh nahuli siya sa bitag – “Mas naiintindihan mo ako kesa sa aking asawa, pinikot lang nya ako”, at ito ang matindi na sinabi sa kanya – “hindi ko siya mahal”. (argh!) Men are born liars! (hehe, hindi naman ako bitter diba?) Sinabi din sa kanya na iiwan ang asawa para magkasama na sila, pero just last week, nabalitaan nyang nanganak ang asawa. At ito ang first baby. (ahh ok..diba?) Sobrang mahal na nya ang lalaki, at they’ve been in the relationship for 3 years na din. Ngayon ay naguguluhan siya kung anong gagawin since nangako ang siraulong lalaki sa kanya. Malabo na iwan ng lalaki ang kanyang asawa sa sitwasyon pero ang aking friendship ay talagang nahihirapan at para bang katapusan na ng mundo para sa kanya (isa pa ngang beer ditto!) Ang lalaki kung mahal talaga siya nito ay matagal nang iniwan ang asawa. Pero heto at nagka anak pa. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan ko dahil siya ay nagmahal lamang, pero ang sabi nga nila ang pagiging kabit or other woman ay hindi habang buhay, Cheer up gurl! Try mo ulit maki pag meet sa iba..sa ibang lalaking may asawa naman…(hehe joke!)

Other Woman #3 – Siya naman yung friend ko na isa ring tanga. Umibig din sa married guy. Well, sabi ng guy eh hiwalay na sila, as in hiwalay lang ng bahay dahil wala lang annulment. Siguro kasalanan ko, kasi she met the guy thru me..(eh haler, hindi ko din alam na hindi pa pala annulled yung guy sa first marriage). Alam din niyang 3 ang anak nitong guy. Pero kakaiba, kasi nang na meet nya yung guy eh hindi stable ang guy financially. Dahil napa ibig na siya eh sabi nga nya, she’s helping the guy financially! (oh diba kakaibang other woman itong friend ko, very generous), at ask ko naman, in return naman, what ang nakukuha nya? Sabi pa nya eh – good sex! (sobrang kaloka nitong friend ko talaga). Pero she’s happy. 6 years na ang relationship nila at nagging loyal naman sa kanya ang guy (ahh..ok, im not going to contest on that one..hehe), at sa 6 years na relationship eh very charitable ang lola ko extension na din sa mga anak. Hindi ko din siya masisis dahil inlove din. Pero after ng six years eh nagkaron na ng work ang guy (sa wakas!) at sobrang masaya siya dahil first time nyang ma treat ng fish ball! (ang saya saya nga). Masaya na sana dahil hindi naman nagsasama ang guy at asawa nya pero nabalitaan na lang nya na lumipat ang asawang babae sa bahay ng guy! At ang dahilan ng guy eh dahil walang mag aalaga ng mga bata since siya ay may work na. Wala naman magawa ang friend ko dahil andun na ang babae..basta ang importante daw eh ang love with each other at..good sex!

Other Woman #4 – Whew! (dami kong friends talaga!) eto yung friend ko na tapos na ang relationship na sya married guy recently, pero ang matindi eh, until now love pa nya at gusto na din magpakamatay. Nahuli kasi sila ng asawa. Nakikipag balikan ang lalaki sa kanya pero natatakot siya. Bakti kamo? Dahil war freak ang asawa! As in dumalaw sa office nila at mukhang hindi daw papatalo buti na lang at nakapagtago siya. Sabi nga nya, kung patalinuhan ang labanan eh lalaban siya pero kung physical eh baka sa ospital kami ngaying nag kwe-kwentuhan. (kaya din siguro ang lalaki eh naghahanap ng iba) Hindi kasi siya perfect other woman! Sa sobrang love ang lalaki kahit lingo eh tinetext ang lalaki, eh un ang number one rule na don’t text the guy on Sundays! At eto ang matindi, ka officemate lang nya yung guy! Gusto ko din untog ang ulo dahil inamin nya na pa minsan minsan eh nagkikita pa din sila ng guy (oh diba walang ka dala dala). Hindi nya ang alam ang solusyon dahil ayaw nya ng karma, sabi ko mag resign na siya sa work at gagawin naman daw nya, (ok good luck dahil on that time na mag kakasama kami eh text mate sila ng guy).

Other Woman #5 – oh well, hindi ko alam kung dapat nga bang tawaging other woman itong friend kong ito. Dahil siya ay may other man! (huh? Kaloka diba) Actually, they are both others (gulo). Kasi ang lalaki ay may asawa din (kabit-kabit?). Hindi ko din siya masisisi. Kilala ko ang asawa nya, super busy to the max sa work at lagging wala sa bahay, lagging out of town. Ang married guy na lover nya eh officemate din nya, at may kinakasama na gurl for 7 years na. Sa sobrang matinding atensiyon na naibibigay sa kanya ng lalaki eh ayun, na inlove siya na hindi nya naramdaman sa asawa nya. Buti na lang at walang silang anak pero ang problema eh ang lalaki ang may anak. Hindi naman nya kayang hiwalayan ang asawa nya dahil natatakot siya. Sa family nya..at sa sasabihin ng ibang tao. Suwerte siya dahil ang lalaki ay mahal talaga siya dahil hiniwalayan ang asawa. Ngayon, hindi nya alam ang gagawin, sabi ko na lang, i- pra-pray over ko siya (amen!)

After nilang magkwento, ako ang tinanong nila, what if I am in their shoes? Sabi ko, I guess I have been there (naks,hehe), Hindi talagang nagging mistress, pero ang partner ko ang may other woman. Masakit pala pag inamin sayo na may third party or may others, pero ang mas masakit ang magiging decision natin. So, tinanong nila ako kung ano daw ang ginawa ko nang malaman kong may other woman ang partner ko. Sabi ko na lang, kaya nga ako nagging single mom diba? I made my choice.

Wel, lahat sila ay may kanya-kanyang kwento, lahat sila ay iisa sa paningin natin, sa paningin ng mga tao. Lahat sila ay isang kerida, kabit, mistress or other woman. Lahat sila ay gusto din maging number one or only one, gustong mag kapamilya at gusting ilantad ang relasyon. Kahit saan man natin tingnan, sa society natin eh ang mistress or other woman eh not morally accepted. Pero lahat sila ay tao din. Bakit ba marami ang galit kapag nalaman ng mga tao na ikaw ay isang kabit, mistress, or other woman? Para bang may sakit ka na nakakapandiri. Hind man ako nagging other woman or mistress pero I always believe na there’s always two sides of a coin. Pero lagi pa din sumasagi sa isip ko na bakit kelangan pahirapan o saktan ang feelings ng isang tao kung wala ka naman planong mag stay habang buhay sa buhay nya?

Sabi nga ni Ruth Purple, ‘Mistresses, yes we don't like the idea of them but they are also people whose only fault is being in love with the right person in the wrong time.”

ni athena

Enero 20, 2009

Aligaga...

Oo as in aligaga ako ngayon, hagardness to the maximum level nanaman ang lola nyo. Ito nga ang dami kong gustong ipost dito sa blog ko sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Kahapon lang Lunes, natapos ang pinaka the BIG EVENT dito sa Cebu ang Sinulog Festival.

Halos ilang gabi rin akong puyat, hindi sa gimik kundi sa ingay ng isang grill/resto bar na malapit sa tinitirhan ko, imagine naman habang pinipilit mo ang sarili kong maidlip kahit papaano eh biglang patutugtugin ang mga kantang favorite o gustong gusto mo. Ikaw naman dahil adik eh sa halip na matulog eh sinasabayan ng kokote mo ang kantang pinapatugtog ng mga taong ayaw magpatulog.

kaya ako, kinabukasan hagard akala mo eh nakipag sex ako buong magdamag sa laki ng eyebag (sex talaga diba?). During the sinulog naman, aba'y ewan ko ba kung saan nangaling ang sangakatutak na tao sa in C-R-O-W-D halos lahat ng major street sa Cebu sarado, magkabilaang lane occupied ng mga taong paroot parito, ang iba pa'y may hawak ng mga bote ng alak, baso ng beer na palakad lakad parang ginawang bar ang buong cebu! Halos lahat ng kanto rin may tugtugan, disco, live band at kung anik-anik na gimik para libangin ang mga taong nagpapalibang naman (just to make sure na nasa sinulog nga sila).

Tapos ngayon naman ito, pinporoblema ko nanaman ang darating kong project kung saan maglilibot nanaman ako sa area ng Visayas haysss naloloka na ata talaga ako. Tapos malapit na deadline ko sa book 2 ko marami pa akong gustong idagdag ano ba naman yan ateh sinabi ng kailangan ko na talaga ng Clone!

At itoh pa... nag-iisip ako as in pinag iisipan ko at pinagbubuhusan ko ng panahon ang pagdedesisyon sa magiging pangalan ng alaga kong 2 pagong at 2 lobster! Any suggestion?!

Enero 15, 2009

Clone nyo ko pls!

Oo as in mahirap with capital M ang maraming commitment sa buhay! Ang hirap maging working mom at maging breadwinner ng dalawang pamilya. Kung meron mang superwoman siguro ako yun! Hayz, ilang beses na rin akong muntik mawala sa katinuan sa dami ng mga inaasikaso ko sa buhay. At oo gusto kong maging legal at magkaroon ng human cloning, dahil nangangailngan ako ng limang clone ng sarili ko.

Isa para sa mga anak ko, para naman fulltime ang magiging pag-aasikaso ko sa kanila at magabayan ko sila sa kanilang paglaki. Marami na rin akong namiss na mga events at mga importanteng pangyayari sa buhay ng mga anak ko. Katulad ngayon, kasama ang daughter ko sa parada dahil firts time nyang mapapasali sa isang activity para sa fiesta (irarampa nya ang kanyang gandang mana niya sa nanay niya!) At syempre dahil kailangang magtrabaho at kailangan din naman ako sa trabaho nasa opisina ako sa halip na kasama ang anak ko.

Pangalawa para sa partner ko, oo na sige na kahit sabihin nyo pang hello?! siyam na taon na kaming nagsasama ng bf ko at malapit nang maging isang dekada. Gusto ko pa rin pong kasama oras oras ang BF ko! huwag na umangal, alam ko ganyan din ang na feel nyo sa mga taong mahal niyo.

Pangatlo, kailangan ko ng clone para sa mga kaibigan ko, friends needs my time kailangan kong gumimik, rumampa at magmaganda kasama ng mga kaibigan kong nagnanaknak din sa ganda kagaya ng lola nyo. I miss you guys promise!!

Pang-apat kailangan ng isa pang ako para pumasok sa trabaho araw araw, ayusin ang mga dapat ayusin sa opisina araw araw. Mag fill up ng attendance, magmaganda sa boss at sa mga kaopisina at harapin ang sangkatutak na problemang kailangan ng solusyon ko.

Panglima kailangan ko ng isa pang ak,o para sa mga raket at sideline ko. Oo sa hirap ng buhay ngayon kailangan maging practikal. At dahil practikal ako imagine kung ilang sideline meron ako mga kaibigan? Hmmmm.... naku sa dami ng talent ko eh hndi ko na rin mabilang ang mga kung anu-anong raket at sideline na napasukan ko at pwede kong pasukin.

Kaya ayan, limang clone ng sarili ko ang kailangan ko. Kelan kaya mangyayari yun? at sino naman kayang saksakan ng henyo ang makakagawa nito para matulungan nyo ako. Mga friends kung may kilala kayo txt nyo naman ako pls!

Enero 12, 2009

Bago

Bagong taon, bagong buhay bagong pag-asa yan ang sabi nila! Eh sa akin ano ba ang nabago bukod sa nadagdagan nanaman ng isang taon ang edad ko. Yup! 29 na ako sa awa ng mga dapat maawa malapit ko ng maabot ang chapter III ng buhay.

Pero feeling ko kahapon lang ako lumabas sa eskwelahan, parang kailan lang nakikipag-agawan pa ako sa jeep tuwing umaga para humabol sa second subject ko sa umaga (madalas akong late noon dahilan kung bakit bagsak ako! kaya huwag nyo pong tularan). Parang kailan lang ng una kong makilala ang partner ko hmmm halos siyam na taon na pala ang nakalipas pero hangang ngayon sariwa pa rin sa alaala ko yung feeling ng kilig at paghanga sa kanya (naks naman pasweet!). At natutuwa naman ako na kahit halos nagsasawa na kami sa mga mukha namin eh hangang ngayon hindi pa rin naman nawawala ang pagiging sweet namin sa isat-isa.

At syempre makakalimutan ko ba ang mga panahong nagdadalantao ako sa panganay namin, o sa bunso namin na tatlong taon na rin ngayon. Imagine 29 lang ako meron na akong 6 at 3 years old kid? Well, kailangan pa bang pagtalunan natin kung kelan ang tamang edad ng pagkakaroon ng anak? Siguro naman hindi dahil ang mahalaga napapalaki namin ang mga anak namin ng tama (ayun sa aking sariling standard he,he).

Sa taong ito ano ba ang mga nabago sa akin bukod sa syempre ilalabas ko ang aking book 2 (hiraya manawari!) sana mas maraming bagong suporter na tumangkilik sa bago kong proyekto ngayon. Marami rin naman akong gustong baguhin, nagbabalak akong magchange ng career o kaya ng kompanyang papasukan.

Pero sa ngayon malabo pa ito, hindi ko yata kayang umalis sa pinapasukan ko dahil sa maraming dahilan, pero tingnan natin hindi ko naman hawak ang tadhana bahala na. Basta ang alam ko lang kung sakaling may babaguhin ako sa career ko hopefully para sa mas ika-uunlad ko ito bilang isang corporate slave... means greener pasture...more anda bahala na muna at isantabi na muna natin ang mga kung anu-anong prinsipyo sa buhay, sa panahon ngayon kailangan maging wais at praktikal diba?

Ooopss may bago nga pala akong pinagkakaabalahan ngayon ang alaga kong green turtle na pina-ampon sa akin ng isang african national friend ko na bumalik na sa bansa nila sa dahilang hindi siya makahanap ng babaeng mamahalin at magmamahal sa kanya sa pinas. Kaya ayun umuwi sa kanila at kesa naman lasunin nya yung alagang pagong na hindi naman niya madadala dahil hassle sa biyahe, ayun pina-ampon niya nalang sa akin. At syempre dahil ayokong nalulungkot ang alaga ko bumili ako ng isa pang green turtle at dalawang lobster (ewan ko ba) para alagaan na rin. Wish ko lang eh tumagal sila sa akin.

Hmmm so yan na muna ang chika at mga bago sa akin hangang sa muli mga ka blog!

Mayo 3, 2008

anything goes...

He,he naloka kayo sa title ko... wala lang ito parang nararamdaman ko nanaman ang matinding boredom!!! Today is Saturday, wala kaming pasok kaya ito maghapon ako sa kuwarto ko, buti nalang umulan kaya hindi masyadong mainit ngayon. Nanood ng DVD, swerte dahil nakabili ako kagabi ng DVD copy ng pirated National Treasure at 10,000 BC sa suki kong stall sa Carbon kaya yun ang pinanood ko maghapon.

Kapag na inip naman harap sa laptop, update ng blog, nakibasa ng ibang blog, at ito ngayon susubukang magsulat ng bagong entry. Oooops bago ko makalimutan mag-uupload nga pala ako ng picture ayan sa baba.

Kuha ko kahapon nang mapadaan ako sa Ayala, puno ata ng Acacia yan habang naglalagas ang mga bulaklak... ang ganda para kang nagshower ng mga maliliit na bulaklak kapag napatapat ka sa ilalim nito, parang "fall" he,he.

Sa paglalakwatsa sinubukan ko na ring makitambay sa isang Coffee shop na may libreng access sa WIFI at nagpangap na burgis habang nagkakape at nag-bo-blog. Obviously hindi ko keri...



Kaya bumalik nalang ako ng opisina, naalala ko nagpost nga pala ako ng entry about Global Warming at kung paano makakatulong sa pagbibigay ng solusyon dito. The best pa rin ang lead by example kaya ito pinagdiskitahan kong kalkalin ang lahat ng mga basura sa opisina at pinagsama-sama ko ang mga papel na pwede pang magamit ang likuran at ang mga papel na pwede namang ibenta para marecycle ulit. (bagay pala sa akin ang maging basurera gagawin ko ngang career itoh!)



Mayo 1, 2008

Optical Illusions... ang weird!


There should be 11 faces on this picture. Average people see 4-6, sensible 8-10. The best see all 11, schizophrenics and paranoics 12 and more. And you? (don't take this one too seriously, I have even heard that there are 13 faces)
--------------------------------------------------------------------------------------

Naloka ako dito! o baka dati na talaga akong loka-loka! imagine sabi dapat eleven faces lang daw ang makikita sa picture na ito. Pero 13 ang nakita ng mga mata ko! baka nga beyond schizophrenic ako? he,he. Pakitingnan nga mga kapatid at sabihin sa akin kung ilan ang nakikita nyong mukha sa larawang nasa itaas, para naman at least malaman kong hindi pala ako nag-iisa ha,ha,ha!


Dr. Jekyll and Mr. Hide scary illusion.
Step away from your computer screen. You should see the two faces swap over! Come closer to the screen again and they swap again. Spooky, isn't it. This hybrid image was created by Phillippe G. Schyns and Aude Oliva of the Univ. of Glasgow. It proves that we may not be seeing what's actually there, all the time.
------------------------------------------------------------------------------------------------- This one spooky! natuwa ako dito ... imagine may ganito palang talaga? Hay naku everything is an illusion talaga! wala na akong tiwala sa mga mata ko ngayon.



Ito tingnan natin kung gaano kabilis ang mga mata nyo! Hanapin ang nag-iisang mukha ng tao sa larawang ito go!



Oooopss ito! hahaha nakaka-aliw!

Para sa mas marami, mas challenging at mas nakakatuwang optical illusions bumisita kayo dito BRAINDEN