Abril 9, 2008

The Scape


Ang hirap pala ng tumatakas lang, ang dapat limang araw na stay ko sa Palawan umabot lang ng apat dahil sa afraid akong mabukong tumakas lang at hindi nag file ng leave sa opisina.

Dumating kami ng kasama ko mula Cebu papuntang Puerto Prinsesa Palawan ng Sabado, ayos lang Sabado naman, Linggo ok lang din wala talagang pasok, Lunes tamang-tama holiday! Martes, naku ito na may pasok na kami bahala na, aba! buti nalang walang naghanap sa akin sa opisina, walang nakahalata na wala ako. Field kasi madalas ang assignment ko, kaya siguro ok lang na wala ako sa paningin ng mga kasama ko ng isang araw, pero mukhang mahirap kung aabot ako ng dalawang araw na wala sa opisina ng walang paalam.

Kaya ang ginawa ko, nagdesisyon akong bumalik na ng Cebu mamya pawalan ako ng trabaho dahil lang sa lakwatsa. Gusto ko sanang tawagan nalang ang HR namin at sabihing napauwi ako ng bayan naming dahil namatay ang lola ko, kaso naka-ilang beses na leave na rin ako na iyun ang lagi kong idinadahilan (patawarin nawa ako ng lola ko).

Hindi pwede, kailangan makabalik ako ng huwebes ng umaga sa Cebu at makapasok ng araw ding iyun. Nagpabook ako ng flight, malas ang flight papunta ng Cebu ay Monday, Thursday at Saturday lang, gumawa ng paraan wala nang choice kumuha ako ng ticket papuntang manila at ticket ulit mula manila papunta naman ng Cebu! Pasaway doble gastos umabot sa mahigit 7 thousand pesosang binayaran ko!

Kainis ha! Kaloka pero go na rin! Air Phil ang nasakyan ko papuntang Manila nang alas singko ng hapon mula Palawan, ang nakuha ko naming pinaka-maagang flight papuntang Cebu ay 4 am! Ano ba yan masyadong alanganin! Ang hirap naman nakakaloka, gastos na effort pa.

Hindi bale, binawi ko nalang ang effort ko sa pagbisita sa mga kamag-anak at kaibigan sa Manila bago lumipad papuntang Cebu. At bumili na rin ako syempre ng mga pasalubong para sa kanila pusit, cashew nuts at mga daing galling palawan.

Naku baka sabihin nyo hindi ako nag-enjoy sa stay ko sa Palawan ha, of course nag enjoy naman ako hindi ko pinalagpas ang white sand na mga beach nila, nag tour sa kanilang Capitol, nag picture taking ever sa kung saan, kumain ng kumain at namasyal sa bayan. Sarap bumalik sa Palawan! Promise babalik ako dun pero sa susunod hindi na ako tatakas, magpapa-alam na talaga ako nang hindi naman ako gumastos ng doble sa pamasahe effort eh! Namumulubi ako eh dati na nga akong pulubi!

Ayan sa taas ang ilan sa mga kuha ko sa Palawan sa ilang araw na pakikipagsapalaran.

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wow! ganda ng place