Oo yan ang tanong, gusto mong malaman?
Last weekend, tumakas ako… tumakas sa opisina ng halos apat na araw at nagpunta sa Puerto Prinsesa Palawan! First time kong makakarating ng Palawan kaya ginawa ko ang lahat ng paraan para matuloy ang lakad ko.
Although raket ang pinunta ko dun, ayos lang at least sagot naman lahat ng cliente ang gastos, plane ticket, accommodation, food at kung anu-ano pang kaeklatan na pwede kong pagkagastusan pagdating ko dun.
Dahil noong una, nagdadalawang isip pa ako kung tatangapin ko ba ang project o hindi dahil nga hindi ako siguradong makakatakas. Kaya naman halos maloka ako sa init ng ulo ng kasama kong isinama ko sa raket nang marating namin ang ticketing office ng Cebu Pacific sa Airport. Sabado nun nalaman naming 10 am ang flight ng Cebu Pacific papuntang Puerto Prinsesa nang araw na iyun, bale kasi halos tatlong beses lang ang schedule ng eroplano mula sa Cebu papuntang Palawan sa isang lingo at malas Cebu Pacific lang talaga ang nagiisang airline na bumibiyahe dun. Kaya ang ginawa naminCHANCE passenger kami as in chance talaga nagbabakasakali na makasakay ng araw na iyun, bitbit na namin ang mga bagahe naming papuntang airport na hindi alam kung makakasakay ba o hindi. Dahil kung sakaling hindi kami makakasakay maghihintay nanaman kami hangang Martes.
Kaya kaloka, maaga pa nandun na kami bago mag-alas otso, pila na kami at kumuha ng priority number pagkapasok ng opisina nila. Number 75 ang number ko pagdating ko dun number 58 ang kasalukuyang binibigyan ng transaction. Nagutom na ako makalipas ang isang oras number 62 na ang kasalukuyang kausap ng ticketing staff, ang number 62 na yun umabot pa ng halos kalahating oras hindi pa rin nababago, natataranta na kasama ko dahil baka nga maiwanan na kami ng eroplanong papuntang palawan, hindi na nakatiis tumayo nilapitan ang cashier na nakatunganga lang, bale apat kasi ang staff na kasalukyang nandun ng araw nay un, tatlo ang nag-aasikaso ng mga customer, isa ang cashier. Sa totoo lang dalawa lang ang staff na kumakausap ng mga customer ang isa hindi ko malaman kung busy sa kung ano sa isang sulok, deadma lang kahit halos umusok na tenga ng mga customer sa tagal ng serbisyo nila.
Paglapit ng kasama kong mainit na ang ulo dahil sa magkahalong gutom at inis sa bagal nila, galit na itong nagsalita sa Cashier, “Miss ano ba naman hangang anong oras ba kami maghihintay ditto maiiwanan na kami ng eroplano, pwede bang i-check kung makakasakay kami o hindi? Nataranta ata ang cashier, dahil maraming nagsecond the motion na mga iba pang pasahero, nagtayuan na rin ang iba, kanya kanyang lapit sa mga staff, kanya kanyang tanong ng mga concern nila. Feeling ko magkakaroon ng riot ng mga oras na iyun, naloka ako! Diyos me naman hindi lang pala kami ang pasaway na naghihintay ding makakuha ng ticket, marami pala kami at lahat gusto nang mag-unahan. Parang nabalewala din naman kasi ang priority number na binigay nila imagine halos mahigit isang oras ang transaction ng bawat isang pasahero sa dami ng mga sumisingit, kanya kanyang tanong ayaw mag-antay ng oras nila kaloka.
Ang ginawa ng matalinong cashier pinapila nalang lahat ng mga pasaherong naghihintay ng alas Diyes na flight para makahabol at makasakay. Aba syempre ang ginawa ng kasama ko, go agad unang-una sa pila bahala na ang mga maiwanan. Sa wakas nakakuha rin kami ng ticket, halos pasado alas nueve na rin nang maka-check in kami, hintay lang ng sandali sa boarding time maya maya ayun pasakay na kami ng eroplanong papuntang Puerto Prinsesa Palawan para sa aming pagtakas!
Abangan ang aking pakikipagsapalaran sa palawan…..
1 komento:
buti na lang at nagwala yung kasama mo.. hehe!
Mag-post ng isang Komento