Me at the Mabuhay Lounge
Me naman sa loob ng Eroplano
Kaloka, ang flight na nakuha ko galing ng Manila pabalik ng Cebu ay alas kuwatro ng madaling araw. Tama ba yun? Pagdating ko ng Manila galing ng Palawan ng alas siete, nakipagbuno naman ako sa traffic marating lang ang Robinsons Galleria kung saan dun ko ime-mit ang dalawa kong friend na sina Earth at Athena (kaloka sa pangalan parang Dyosa.
Umabot ng halos isa't kalahating oras ang traffic, pagdating ko dun konting chika lang at bigay ng pasalubong galing palawan sa mga friends galore na daing na pusit, kasoy at daing na ewan, kung ano ang pasalubong ko sa kanila. At ang mga walanghiya pagkabigay ko ba naman ng pasalubong aba'y nagyaya nang umuwi, hindi man lamang inisip ng dalawa kong friend ang effort ko, like ang bigat ng dala kong bagahe plus taxi fare makita at makachika lamang sila. Anyways ayos lang dahil super antok at pagod na rin naman ako dahil sa biyahe at traffic.
Umuwi ako sa bahay ng tita ko mga alas diyes na nang gabi para makitulog, dahil nga alas kuwatro pa ng madaling araw ang biyahe ko papuntang Palawan. Konting chika ulit sa mga pinsan, tsismisan at kung anik-anik, then tulugan na.
Halos alas dose pasado na rin ako nakatulog, at effort pinilit na magising ng alas tres ng madaling araw. Effort talaga ayoko ng ganitong life!!! wahhhh! parusa sa akin ang mabitin ang tulog, kaso wala akong magawa or else maiiwanan ako ng eroplano. mabilis na naligo, nagbihis at tumalilis sa gitna ng gabi! sakay ng taxi papuntang Centennial airport dahil PAL ang sasakyan ko papuntang Cebu.
Pagdating ko airport wow men! pasado alas kuwatro na nag flight ko ay 4:30 syempre late ako!!! wahhhh! bayad ng penalty na 300 at on stand by ako para sa susunod na flight. Buti nalang nagmamaganda ako at may kakilala akong incharge sa security ng PAL, so feeling VIP naman ako. Pinilit ng kakilala ko na maisingit ako para sa susunod na flight kaso lang talagang mega fully booked at ang malas lahat ng pasahero nagpakita so hindi ako pwedeng maisingit sa 7:00 am na flight.
Nakakuha ako ng 9:00 am na flight papuntang Cebu, at para mas masaya binigyan ko ng access ng kakilala ko sa Mabuhay Lounge ng Centennial Airport. Wow, dami food! libre kahit magpakabusog ka ever o lunurin mo ang sarili mo sa kape ayos lang! Wit libreng wifi internet connection pa ever! tamang tama dala ko laptop ko kaya mega browse at check ng email at kung anik-anik. Sarap buhay, ayos lang kahit hagardness sa pagod, nabawi naman sa food.
Sa wakas alas nueve na at oras na ng boarding, diretso naman ko eroplano pagkaupo ko sa seat na binigay sa akin just after the First Class Passenger tulog ang lola niyo hangang sa makarating sa Cebu!
1 komento:
piercing eyes :)
Mag-post ng isang Komento