Marso 17, 2008

Malapascua Adventure!




(Ayan ang dinner namin, pauso ng kasama kong retired military. Sarap ng ulam namin inihaw na isda, sardinas na sinabawan na may udong at corned beef plus maraming maraming kanin, bawal ang tubig!)

Oo nga wala pa ang holy week pero dahil excited ako inunahan ko na kayong magbakasyon. Sa totoo lang last week pa dapat ang post na ito, kaso lang sa dami ng ginagawa ng lola ngayon, (hirap maging corporate slave! charing!) kaya ito medyo napabayaan na ang blog. Pero syempre kailangan bumawi at bilang pambawi kuwento muna ako sa pakikipagsapalaran ko sa gitna ng karagatan marating lang ang Malapascua Island!

Isa sa kilalang magandang beach dito sa Cebu ang malapascua island, lamang lang kasi ng isang paligo ang boracay dito pero kung titingnan mo ang lugar halos magkasing ganda at magkasing puti rin lang ang buhangin nila. May magaganda at sosyal na mga recort, hotel at restaurant na rin ang isla. Marami na ring dayuhan ang napagawi rito, at katulad ko dahil atat na marating ang lugar ng libre sumama ako sa mga ka-officemate na pumunta sa isla para sa isang business.

Hindi ko alam kung may balat ako sa puwet, tamang-tama pagpunta namin dun matapos ang halos ilang oras na biyahe mula Cebu City, sinalubong kami ng biglaang low pressure area, lumakas ang buhos ng ulan at hangin, syempre pati na rin ang alon.

Kaya cancel lahat ng mga pampasaherong bangka na bibiyahe patawid ng isla, ewan kung swerte o malas may apat na turistang kano na kasing kulit ng mga kasama ko ang nagpumilit na kumuha ng private na bangka maihatid lang patawid ng isla, aba! pagkakataon na namin naki-ride na rin kami sa bangka nila at sinuong namin ang galit na mga alon at ulan patawid.

Akala ko katapusan ko na! hindi pa naman ako marunong lumangoy, halos walo lang kaming pasahero ng pribadong bangka na pinilit naming bumiyahe. Hinihintay ko nalang na tumaob ang bangka namin sa lakas ng mga alon, at imbes na mabasa ako sa ulan mas nabasa ako sa malalakas na hampas ng mga alon. Pero dahil sigurista ako mahigpit din ang hawak ko sa life jacket at inihanda ko na rin ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari sakaling lumubog nga kami. Una kung ginawa syempre tnxt ko na ang mga mahal ko sa buhay... syempre iba pa rin ang nagpapa-alam ng tama.

Buti nalang masamang damo ako! sa wakas matapos ang halos isat kalahating oras sa laot ayun nakarating din kami sa isla, basang-basa at nanginginig sa nerbiyos! Inisip ko, gagawin ko ba ulit ang ganung klaseng pakikipagsapalaran? Ang sagot ko Oo! sarap pala ng feeling exciting he,he.

Syempre pagdating picture dito picture dun! Pagdating sa gabi dahil walang kuryente yung nipa hut style na cottage na kinuha namin, magdamag na kuwentuhan sa harapan ng kandila ang ginawa naming libangan, at ang lamig ng gabi! Sayang hindi ko naisama ang aking fafa he,he.

9 (na) komento:

ev ayon kay ...

haha!nag enjoy ako sa post mo ne!i love the beach!keep it up!oh yeah, life is an adventure!enjoyed the read!;0)

Aleksi ayon kay ...

sarap naman jan!!!!!

Unknown ayon kay ...

Hehehe Oo nga sarap sana kaso sobrang lamig alam mo naman ako ginawin kaya hindi rin masyado nakapag swimming hehe naka sweater pa nga diba?

Dakilang Tambay ayon kay ...

sANA MAkapunta ako jan! haha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wow! kainggit! masyado ng crowded sa boracay, mukhang mas okay diyan.. grabe yung adventure mo! di ko kaya yun, di rin kasi ako marunong lumangoy.. hehe!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ganda ng beach..

William Buenafe ayon kay ...

Ate, ano kaya gagawin mo kung
lumubog eh tapos may gustong
umagaw sa life vest mong hawak
hawak, hahaha.

Elib ako sa tibay ng dibdib mo,
once going to Boracay eh naranasan
ko rin ang boat ride of my life
dahil pagdating sa pampang ng
Boracay eh basa kami, complement
of malakas na alon, Bwahahahaha.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wow! sarap kumain sa dahon ng saging..miss ko yan!

Jessica ayon kay ...

ay di ka weird, ganyan din get up pag naliligo sa beach o sa ilog. :P