(This is a repost)
K anina pa ako nag hihintay dito sa labas ng bahay nila Andrea. Semanata santa kasi ngayon at tulad ng dati, mag liliwaliw at magsasaya na naman kami. Nakagawian na kasi namin. Usapan namin hindi na ako mag do-door bell dahil alas kwatro pa lang at masyadong maaga. Isa pa, ayaw kong istorbohin si tito mark.
Halos sabay na kaming lumaki ni Andrea, sa katunayan, siya ang pinakamatalik kong kaibigan, magkaklase kami mula elementarya hangang sekondarya. Samantala nung college, magkaklase lamang kami sa ibang mga subjects. Maganda, matalino, tahimik at wala akong nababalitaan na nag boyfriend si Andrea, samantalang ako, maingay, madaldal, bulgar, madaming papa, siguro pwede na din yung matalino. Ganoon ata talaga siguro dahil ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya at ang apat kung kapatid ay puro barako. Nag-iisa lang siyang anak, maaga siyang naulila sa ina sa edad na 6 na taong gulang. at ang kanyang ama na si Tito Mark ang mag-isang nagtaguyod sa kanya.
Tuwing mahal na araw, lagi kaming nag 0-out of town ni Andrea, at isang lugar lang ang lagi naming pinupuntahan, ang bahay bakasyunan namin sa probinsya sa mindoro, wala na kasing nakatira buhat ng mamatay ang aking lolo't lola. Nag-paparty kami dun, inuman, kainan, movie marathon at minsan nagsasama kami ng kaibigan pero "for girls" lang. Minsang napagkatuwaan naming manood ng isang porno. Grabe talaga pag puro babae ang magkakasama. Nakakatuwa. Sobrang saya diba? Pero sa grupo, tanging si Andrea lang ang tahimik, palibhasa konserbatibo at walang karanasan, sabi ko pa sa sarili ko habang tinitingnan siya. Siya tuloy ang tapunan ng tukso. Ang mdalas nga nyang sabihin sa akin pag tinutukso ko siya sa mga nanliligaw nya, "gusto ko tulad ng dadi ko, mabait at responsableng lalaki". Naku wala na atang ganoon, sabi ko noon sa kanya.
Minsan, tinawagan ako ni Andrea, umiiyak siya. Kailangan daw nya ng makakusap. Mugtong mugto ang kanyang mga mata. At unang tanong nya sa akin ay "Masaya ba talaga ang umibig? Ikaw, gaano mo kamahal ang boyfriend mo?" Nagulat ako. "putang inang tanong yan! putang ina ang mga lalaki! ano ka ba, alam mo namang titi lang ang habol ko sa mga yun noh! maliit, malaki, katamtaman, maputi, maitim, ano mamili ka?" pabiro ko pang sagot sa kanya.
Pero tanging tingin lang ang sagot nya sa akin "bakit mo ba natanong? wag mong sabihing may bf ka na? wala ka namang binbangit sa akin". "break na kami, pinagpalit nya na ako". Hindi ako kumibo. Malihim din pala si Andrea kahit sa akin. Siguro natatakot siyang sirain ko ang bf nya sa kanya. Sa akin kasi ang mga lalaki pare pareho. Puki lang ang gusto. " Sino ba yan? san mo nakilala? kilala ko ba? Alam ba yan ni tito mark?" sunod-sunod ko pang tanong sa kanya.
"Si Francis. balak ko na nga siyang ipakilala sayo eh. si dadi? wala namang siyang pakialam sa akin magmula ng mag-ka girlfriend siya. at isa pa malapit na silang ikasal. Ayaw nyang ipaalam kasi alam mya ayaw ko dun sa babae". Iyon ang huling usap naming dalawa. At mag-iisang buwan ng hindi ko makausap si Andrea, hindi na pumapasok at lagi daw nagkukulong sabi ni tito mark. Ayaw tumangap ng kahit na sinong bisita. Ganyan siguro kapag first love, isip ko pa. Tumawag na lamang siya sa akin isang araw bago mag semanta.
Ngayon, semana santa na naman. Sabi ni Andrea, magkita kami at makikilala ko na daw si Francis pero mag aala-sais na, hindi pa din lumalabas si Andrea. Bukas ang ilaw sa kwarto ni tito mark. Sinubukan kong pihitin ang pintuan. Bukas. Dahan dahan akong pumasok at umakyat sa kwarto nya.
Si Andrea, nakaupo sa
Halos hindi ako makagalaw. Nanlamig ang buo kong katawan at napaluhod sa sobrang panghihina ko. Si Andrea ay patuloy sa pag-iyak. Kinuha ko ang kutsilyo at dinala sa banyo. at doon nakita ko ang isang pregnancy test at ang sabi - positive.
Napaluha ako. lumabas at niyakap ang matalik kong kaibigan. "Mahal ko siya, mahal ko siya at alam ko mahal din nya ako kaya nag bunga ang aming pagmamahalan! ayaw ko siyang mawala, sabi ko kay mama aalagaan ko siya at kami ang magsasama habang buhay! pero gusto nya akong iwanan, gusto nyang lumayo kaya...kaya pinatay ko siya!". Hindi ako nakapag salita. Dinamitan ko si Andrea at niyakap ng mahigpit. Tama sila, dapat tayong mag nilay-nilay tuwing mahal na araw dahil sa pagkamatay ni Jesus na tumubos sa mga kasalanan natin. At ang araw na ito..mahal na araw ay araw ng pag titika.....
(ni Athena)
--------------xxxxxxxxxxxxxxxx---------------------
1 komento:
oh my... parang pelikula. very well written.
Mag-post ng isang Komento