The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Enero 28, 2012
INTERVIEW
Nagwalk out nanaman ako sa trabaho ko for more than seven years! Actually pangalawang walk out as in AWOL ko na ito. Hindi ko alam kasi bakit may mga taong pasaway magpatakbo ng kumpanya hindi naman sila ang may-ari.
Mabuti pa ang mga totoong Boss as in may-ari ng kumpanya na namumuhunan likas na mababait at mas nakakaintindi sa mga empleyado nila. Samantalang ang mga taong binabayaran din lang para mag-manage at humawak ng tao mga astang Diyos.
Hayss… anyways so BUM ako ngayon jobless at syempre ano pa bang dapat gawin? Magpadala nang magpadala ng resume mag-email na sa mga taong kakilala at maghagilap ng trabaho,
Naku! Ako pa naman ang taong mahirap makahanap ng trabaho, kakaiba kasi ang field ko at kakaiba din ang talent. Hindi sya yung normal na trabahong nagbibilang lang ng oras at nakaupo maghapon sa opisina. Hindi din ito ang tipo ng trabahong may nakasalampak na mic at headset sa ulo na sasagot ng mga tawag sa telepono gamit ang hiniram na accent sa ibang lupalop ng daigdig.
Sa totoo lang, ang dapat na maging trabaho ko… yung tipo ng trabahong hindi na kailangan pumasok ng opisina. (meron ba nun? Meron! Yun nga ang trabaho ko!) Yung trabahong ang importante ay may accomplished ka sa araw na iyun at natapos ang dapat gawin sa tamang oras na ibinigay sayo.
So naghanap ako ng naghanap ng ganung tipo ng trabaho at suwerte may nakita akong hiring! Nag-send ng resume ang lola mo at nag-antay kasabay ang pagdarasal kay “Inang Kalikasan” na sana ay matanggap o matawagan man lang para sa interview.
Naghintay ang lola niyo nang may palagian ang bukas nang e-mail sa pag-asang may mga nag-reply sa mga submissions ko.
Yahooo! Nakatanggap ako ng sms o txt at email galing sa isang kumpanya na pinagpasahan ko at ay inaanyayahan para sa isang job interview! Bukas na agad? As in tomorrow? So ang lola nyo gusto nang magpanic dahil sa hindi ko alam kung ano ang isusuot ko? Wala akong business attire na karaniwang sinusuot sa mga ganung klaseng imbitasyon. Naghanap naman ako nang casual attire or anything na pwedeng isuot para sa aking job interview! Mag-rugged na lang kaya ako, t-shirt at maong pants… ay leche… punta na lang ako doon nang nakahubad!
Mabuti nalang at to the rescue ang pinsan ko at pinahiram ako ng damit na pwede kong maisuot kinabukasan. Kulay pula as in red na blouse na makikita ang suot mong bra at masikip na skirt na kulay itim at isang sapatos na mapapamura ka habang naglalakad dahil sa taas ng heels. Wish ko lang wag akong matapilok o madapa.
Kinabukasan habang nagmumurang naglalakad sa kahabaan ng Ayala Avenue, Makati (kasi nga yung sapatos ang taas!) nagdarasal naman at the same time sa lahat ng puwersa ni “Inang Kalikasan” kasama ang karanasan at tapang ng loob na maipasa ko ang interview na ito dahil unang-una kailangan ko ng trabaho at pangalawa kailangan ko nga ng trabaho!
Nakarating naman ako ng matiwasay sa tapat ng building kung saan ang opisina na magiging bago kong trabaho. Akyat sa 10th floor at ayun sakop nila ang buong floor ng gusali na iyon.
Maya-maya lang nasa tapat na ako ng babaeng may nakasukbit na headset sa ulo at maya-maya ang pindot sa teleponong nasa harap niya sa tuwing magri-ring ito. Napansin ko rin na walang ibang applicante na naghihintay sa pagkakataon na iyon so naisip ko baka naman iba-ibang time ang schedule namin.
“Miss, pasok ka na sa room, sa dulo, andun kasi ang mag-iinterview sa iyo”
Go… naman agad ako na kinakabahan pa at super trying hard na maglakad with confident, mabuti na lang at nasanay ako sa mga pilapil nang mga bukirin sa aming probinsiya ala Venus Raj.
Kumatok naman ako sa pintong nakasara. Narinig ang “come in” na sabi ng lalaking nasa loob nito.
“Ang gwapo naman ng future boss ko!” yan ang bulong ko sa sarili pagkapasok na pagkapasok ko ng kuwarto sabay ng marahang pagsara ng pinto. Moreno, mukhang late thirties o early forties…maganda ang katawan, tipong Daddy…isang mabait na Daddy pero mukhang habulin at nagpapahabol sa chicks!
“Good Aftermoon Sir…”
“Sit down…”
Umupo naman ako sa upuan na nasa tabi ng table niya, behave na nagmamaganda at nag antay ng mga sasabihin at itatanong niya.
Binasa niya ang resume ko…hmmmm naloka sya kasi kakaiba ang mga work experience ko (basta confidential na yun). Tinanong nya din ako tungkol sa background ko na may kinalaman sa business ng company dahil yun nga ang ina-applayan ko at mukhang satisfied naman si “Boss to be”.
Humaba ang usapan at tanungan, sumasagot naman ako ng buong paggalang habang pinagpapantasyahan ko na ang kaharap ko ng hindi ko alam (promise) basta bigla nalang pumasok sa isip ko … pano kaya makipag sex si sir? Ang bango niya ha… ang mga kamay … ang linis-linis naman niyang tingnan para sa isang lalaki.
Hmmmp… kaya lang may wedding ring, naisip ko so what? Eh… kung titikman mo lang naman hindi mo naman aagawin sa asawa.
At yun, tinanong nya ako sa book ko… isinama ko pa kasi sa resume… hahaha, as if naman diba? Ano daw ang mga tipo nang isinusulat ko?! What, sasabihin ko bang isinusulat ko sa libro ang tungkol sa mga sex adventures ko? Idadagdag ko ba na gusto ko din siyang isama? (nyahahaha… why not?)
At syempre sinabi ko na parang slight autobiography ang tipo ng book na medyo sexy (hindi mahalay) at sinabi ko na rin ang website ng blog ko, hehehehe! (bahala siya kung anong iisipin nya).
Nagulat naman ako kasi very interested sya at talagang binuksan pa ang website ng blog ko! OMG! Nakakahiya….dyahe… nag browse pa ng ilang pages… at napapangiti…pilyong ngiti. Ginagawa nya yun sa harapan ko?! Biglang namula ang mga pisngi nang lola niyo!
Hays… sa wakas natapos din ang interview at salamat walang masamang nangyari, tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng opisina nya mag-aalas singko na pala, uwian na! Tatawagan nalang daw ako ng HR nila kung tanggap ako sa trabaho.
So, saan ang way mo pauwi? Nagulat ako sa tanong ni “Boss to be” sa akin.
“Hmmm…Las Pinas po sir” malumanay na sagot ko.
“Sumabay ka na sa akin… Paranaque ang way ko from there dun ka na sumakay papunta sa inyo para mas madali ka.” patay malisyang suggestion niya sa akin.
“Naku…maisasakatuparan ko pala ang pantasya kong maisama si sir sa Book 3.” nakangiti kong bulong sa sarili.
“Hindi po ba nakakahiya sa inyo?” pakunwaring tanong ko sa kanya.
“Ok lang, mas maganda nga yun may kausap ako pauwi hindi mababagot sa daan at trapik” sagot naman niya.
“Ok po… antayin ko nalang kayo sa labas?”
Lumabas ako ng kuwarto…dapat poise pa din deadma ang sakit na paa dahil sa taas ng heels. Nag-antay ako sa kanya malapit sa elevator, nahiya kasi akong tumambay dun sa tapat ng babaeng may headset at pindot ng pindot sa telepono.
Maya-maya lang lumabas na si Boss… hmmm…crush ko talaga siya promise! Nakangiti siyang lumapit sa akin at sabay kaming sumakay ng elevator, napansin ko wala pang empleyadong lumalabas, siguro ang iba nag overtime pa sa facebook o baka may mga ka-chat pa.
Diretso kami sa basement ng building kung saan dun naka-park ang sasakyan nya. Wait ineng, teka muna, mag isip-isip ka nga… tama ba itong gagawin mo? Basta ka nalang sumasama kung kani-kanino eh hindi mo nga kilala ang taong yan. (nagsalita na ang aking konsensya!)
Eh ano naman, makikisabay lang naman ako pauwi… at isa pa malaki na ako…este matanda na ako alam ko na ginagawa ko. At kung tungkol naman sa security, mabilis akong tumakbo, at alert ang utak ko pagdating sa mga ganung sitwasyon mag-iisip palang ng masama ang tao laban sa akin mararamdaman ko na yan at uunahan ko na sila. (sagot naman ng demonyo sa utak ko)
Syempre…nanalo si Evil versus Good… kung sa una palang masama na iniisip ko mahirap ng baguhin yun. Sinubukan ko kung hanggang saan makakarating ang pantasya ko.
Nasa harap na kami ng sasakyan niyang nakapark sa isang sulok ng basement, binuksan nya ang pinto at halos sabay kaming naupo, siya sa drivers seat ako naman sa sa passengers katabi niya sa unahan.
Pagkasara ng pinto, mabilis niyang tinanggal ang mga butones ng suot na long sleeve shirt saka hinubad ito sa loob. May pag-kabalahura din ang loko… sa bagay, balahura din naman ako.
Naisip ko… ano ba naman yan dito mismo?!
Mali pala ako…ang dumi talaga ng utak niyo este ko… may undershirt naman siyang puti. Mainit daw at ayaw niyang nagugusot ang damit niya kaya niya ito inilagay sa hanger sa bandang likuran nang sasakyan.
Malay ko bang hindi kasing dumi ng isip ko ang utak nya? Wahahaha!
Lumabas kami ng building at sinugod ang namumuong trapik sa kahabaan ng Edsa, sa loob ng sasakyan hindi ako mapakali. Nahihiya ako, kinakabahan, may gustong gawin ngunit hindi ko naman magawa, may gustong sabihin na hindi ko naman masabi.
Ang katabi ko naman kahit busy sa pagmamaneho at maya-maya ang pagko-comment sa naririnig na news sa radio, alam kong may iba ding iniisip. Maya’t maya ang sulyap niya… gusto ko na tuloy mag-evaporate.
Hindi siya nakapagpigil at biglang nagtanong…
“Uuwi ka na ba diretso o may pupuntahan ka pa?”
Tama bang tanungin ako ng ganyan?! Ano naman kaya ang gusto niyang marinig? Sabihin ko kaya sa kanyang daan muna tayo sa pinakamalapit na hotel at kanina pa kita pinagpapantasyahan? (kaloka namang lalaki ito!)
“Hindi naman ako nagmamadaling umuwi.” sagot ko sabay blushed (shit! hirap maging babae talaga ano ba yan!)
Ano ba naman klaseng lalaki ito? Hirap basahin ng utak… ano ba talaga? Kapag nag-offer ka ba ng ride sa isang babaeng ngayon mo lang na meet at mas malala magiging empleyado mo pa (that is kung matatanggap ako) ano ba talaga ang gusto ng lalaki? Nagiging nice lang ba sila sa atin? Gusto niya lang ba talagang malibang habang nagmamaneho pauwi? Or bored talaga siya sa buhay?
O gusto niya ba akong maka-sex sa sasakyan niya? Gusto niya ba akong dalhin sa biglang liko? O baka naman gusto niya ng BJ habang nagmamaneho? Ano ba talaga kuya?!
“coffee muna tayo, o baka nagugutom ka may madadaanan tayong restaurant dyan?”
What?! Ok lang itong kasama ko? Sobrang bait naman, ganun ba ako kaganda at may mga ganung effort pa?
“Po? Hindi po ba nakakahiya, masyado na pong abala sa inyo yun…” Sagot ko habang iniisip kong ano kaya ang susunod na iaalok nito sa akin.
Hayss, so dumaan kami sa isang coffee shop. Order ang lola niyo nang “black shaken iced tea” at isang “apple fritter” (kapal ng mukha ko noh?). Habang siya naman ay enjoy sa “espresso con panna” (lakas magpa nerbyos naka dalawa siya nito bale 150mg of caffeine).
Habang nagpapainit siya (kape) at ako naman nagpapalamig (ice tea) napadako ulit ang usapan namin sa mga isinusulat ko. Interview nanaman, this time masyado nang personal (kakaloka!).
Hindi ko alam kung natutuwa lang siya sa akin, to the point na baka gusto niya lang nang autograph o baka naman gusto niya talagang maisama sa libro? Hmmm… mas gusto ko yung huli… maisama ko siya sa libro at promise siya ang una kung ikukuwento.
Balik ulit kami sa privacy ng sasakyan niya, mas lalong lumala tuloy ang trapik at bumuhos pa ang ulan. Tahimik kaming pareho sa loob ng sasakyan, parehong nakikiramdam.
Lumapit ang hintuturo niya sa labi ko, sabay abot nang tissue.
“May remnants nang “apple fritter” ang labi mo”
Out of nowhere, bigla kong naitanong “Gusto mo bang maisama sa libro? “Joke!” sabay tawa pero pilit. Hindi siya tumawa at seryoso ulit na nagtanong.
“Is it okay?”
Hindi ako sumagot… naramdaman ko nalang ang pisil niya sa kamay ko at gumanti din ako ng marahan.
After three days, nakatanggap ako ng tawag mula sa admin ng kumpanya, tanggap na daw ako. Sinagot ko silang may nahanap na akong ibang trabaho at hindi ko na matatanggap ang alok nila (taray ko diba?). Alam ko namang qualified ako sa trabahong iyun, kaya lang naisip ko magiging complicated.
Kaya next time, interview nalang talaga wala nang dialogue na “gusto mo bang maisama sa libro ko?”
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
Hmm. True story ba 'to? :-)
Syanga pala, napadpad ako sa blog mo matapos magpalaboy-laboy sa FB, at na-curious ako sa aklat mo na inilathala ng Psicom. Tulad mo, nakapagsulat na rin ako ng nobelang erotika at nalathala ito noong 2006. Pamagat nito ay "L na L (Lihim na L" (review dito: http://www.goodreads.com/review/show/271057302) at inilabas ito ng Literotika (Philsprint Publishing). Hindi ko alam kung matatawa ako o magtataka dahil nang minsan kong tanungin ang Psicom kung naglalabas sila ng erotika, sabi nila hindi dahil ayaw daw nila ng kontrobersiya.
Anyway, tila yata magiging masugid na akong bisita ng blog mo hanggang ngayon. Susubukan ko rin makakuha ng kopya ng aklat mo.
Salamat.
Karl
Hehe ang kulet ng story na ito.. Good luck po sa career nyo :)
may book ako ng klitorika.yung cover nya eh bulaklak na korteng clitoris..nakakaaliw sya kaya paulit ulit kong binabasa..
Mag-post ng isang Komento