Ayan na po mga kaibigan, sa wakas malapit ng lumabas ang pangalawang libro ni Klitorika abangan nyo po. At maraming salamat sa mga taong naging bahagi ng pangalawang librong ito
alam nyo na kung sino kayo ;-)
Sa mga masugid na taga subaybay ng blog ko at mga sumuporta sa book 1 Maraming Salamat po. Promise mas malilibang kayo sa Tales of Klitorika.
Thanks Ulit! Muah!
FOREWORD:
Parang isang kabarkadang masayang kakuwentuhan itong si Klitorika. Siya yung tipo ng kausap na palaging nakakaaliw ang paraan ng paglalahad, kahit may mga pagkakataong posibleng hindi kayo magkapareho ng pananaw o pagtanggap sa paksang pinag-uusapan, sa kaso niya'y ang paksa ng sexualidad. At tutal ay napag-uusapan na ang usapin ng sexualidad, ang mga kuwento niyang may imahen ng pakikipagtalik at libog ay masasabi kong mga kuwentong nauuna ang pagiging "kuwento" bago pa ang pagiging "nakalilibog." Sa mundong lahat ay nagmamadaling magbansag ng salitang "bastos" sa lahat ng pagkakataon, tao at sitwasyong hindi sila sanay, ang mga nakatha ni Klitorika ay maituturing na isang magandang simula.
Vlad Gonzales- Guro ng Malikhaing Pagsulat at Kulturang Popular sa UP May-akda ng
"Isang Napakalaking Kaastigan"
14 (na) komento:
Wow, congrats. :D bibili ako niyan for sure, basta may discount po ako, haha.. :D
bkla complimentary ko!! haha - Mac
wehehehe sure Mac padadalhan kita hehehe ang cute ng cover diba? Astig!
At J.D. - Ano ka ba naman kuya discounted na yan noh
flower? bastos naman yan. dapat i-ban yan!!!! hahaha joke
Baliw ka randy weheheheh
Kelan tayo punta ng LU ulit miss ko na ang kape dun promise!
wow congrats sa 2nd book mo, sana marami pa... :)
Congrats Klitorika, ang ganda ng cover ng bago mong book ah. Siguradong mag-i-enjoy na naman ang mga makababasa nito.
congrats! lumabas na pala.
Maraming salamat po mga kuya lalo na sa inyo sir Vlad idol! ;-)
waaaaah..
BIBILI AKO..
EXCITED NA!
ung first book mo roaming pa sa mga kaibigan ko.. nde pa bumabalik..
tsk..
haha..
CONGRATS!
nabasa ko un book 1: Memoirs of Klitorika, sa bookstore natapos ko. (i have to admit indi ko na bili un book, but it sure caught my attention) hehehe.. nakakatuwa, erotic, real and empowering. its something that grows in you kse nakaka relate ka.. and it makes me think na kea ginawang metaphor ang apple as the temptation fruit because of the shape of the seedpod when its cut in half. A few people may realize the message--malalim kse, so if you like to spread the message more, give a bit more highlight on the lessons after each "encounter". Nevertheless, im looking forward to the next book. This time, bilhin ko na promise. :P
More power! and God bless.
P.S. check mo din blog ko ganyan din laman. =))
meron na po akong book..
nalawlaw panty ko kakahanap!!
sa wakas meron na!
dyosa, may book na ako. astig. ;)
itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan. ;)
Try ko bumili
Mag-post ng isang Komento