Abril 27, 2009

VIRGIN KA NA BA ULIT?!

Habang sinusulat ko ang kuwentong ito ay kasalukuyang tumutugtog sa background ang walang kakupas-kupas na kanta at hit ni Madonna na LIKE A VIRGIN. Oh diba? Tamang-tama sa mga gusto kong ipahiwatig sa akdang ito.

Dahil sa hindi na ako virgin, (oo naman ano? Diyos ko sa dami ng nabasa ninyong sexperience ko sa Memoirs of Klitorika alangan namang magpangap pa akong birhen sa inyo.
Pero nakakaloka talaga at halos gusto kong magnose bleed to the max sa tuwing may nababasa akong ads sa mga tabloids tungkol sa mga Virginity Restoration o Hymenoplasty, (the surgical reconstruction of the hymen broken during a women's first experience of intercourse or, increasingly, during demanding exercise or as a result of a collision or fall by women who've never had sex ) Ano daw?! Tissue!

Sa mga muslim country mas marami sa mga babae ang sumasailalim sa ganitong operasyon. Iba kasi ang tradisyon at sobra ang pagiging konserbatibo ng mga lalaking muslim pagdating sa pag-aasawa. At para masiguro ng mga babaeng magpapakasal na virgin sila kahit alam naman nilang never pa silang nakipag sex ever, ang mga babaeng ito ay sumasailalim sa tinatawag nilang virginity examination bago magpakasal sa kanilang mga jowa.

Kakaloka diba?! Whats with that piece of hymen ba? Minsan talaga nalilito ako kung ano nga ba ang essence o kahulugan ng pagiging virgin. Kapag ba nakipagsex ka for the first time at walang bleeding ibig sabihin hindi ka na virgin? Ano nga ba ang mahalaga? Ang kapirasong laman na tinatawag nating hymen o ang act mismo ng pakikipagtalik? Duh!

Minsan gusto kong dagukan ang mga makikitid na ibang kalalakihang iyan, kung sinasabi nilang magulo ang isip ng mga kababaehan ako naman sasabihin kong far out ang utak ng mga kalalakihan. Imagine, karamihan sa kanila gusto nilang matikman ang mga nagiging girlfriend nila kahit alam nilang wala pa sa hinagap nila ang mga salitang kasal.

Tapos syempre kapag nakuha na nila at nakipagbreak na sila aba’y automatic hindi na virgin ang mga babaeng iyun. Tapos ngayon kung kelan balak na nilang magseryoso at magpakasal maghahanap naman sila ng mga babaeng virgin?! Hello, kulang ba sa IQ at EQ ang mga lalaking ito?

Pero para dun sa mga ibang kababaehan na sumasailalim sa ganitong operasyon para lamang magpanggap na virgin ulit sa kanilang mapapangasawa, saludo ako sa kanila. Sige na nga kung lokohan ang hanap nila eh di maglokohan na lang tayo diba? Pero mga ate, beware din tayo dahil ayon sa isang data na nakuha ko dahil sa matinding pananaliksik (char) may 30% to 40% din talaga ng mga original at reconstructed hymen ang hindi nagkakaroon ng tinatawag nilang virginity-confirming bleeding sa oras ng penetration. Ay ganun kaya pala sa akin wala? Oo promise!

Sige na nga bago kayo mabored suriin nga nating mabuti ang kahibangang ito, na bukod sa napakamahal dahil umaabot sa 2thou to 5thou US Dollar ang kabayaran para sa panandaliang kahibangang ito, im not sure kung magkano dito sa Pinas. Ewan ko ba hindi ko alam kung anong klaseng utak na meron ang mga tao ngayon. Kahit sino atang dakilang pilosopo eh hindi kayang ipaliwanag ang virginity restoration na ito.

Virginity Restoration! Pano mo sasabihin sa mga kakilala ang katagang hello friends, good news virgin na ulit ako! Malamang kung hindi magtaasan ang kilay ng mga makarinig sa iyo eh saksakin ka na lamang bigla ng kung sino mang mairita sayo.

Pero sa totoo lang sabi ko nga kanina marami pa rin talaga ang sumasailalim sa mga ganitong operasyon. Mga babaeng gustong maging virgin ulit, syempre iba kasi ang feeling ng virgin at hindi na virgin sa pakikipagtalik diba? Pero kung ako ang babaeng nagpa-restore ng virginity ano naman kaya ang magiging reaksyon ko habang nakikipag sex ulit, este sa unang pagkakataon sa isang lalaki?

Malaking PAANO NGA BA? Ang tanong na yan. Ang weird kahit alam kong sangkatutak ang kaweirduhan sa utak ko hindi ko talaga masakyan ang trip na ito. Nakakaloka as in! Pero syempre dahil sabi ko nga adik ako sige na nga pipilitin kong maging virgin na ulit.
Out of curiousity pinuntahan ko ang isang clinic malapit dito sa amin na nag-o-offer ng ganitong serbisyo. Sa labas ng building may nakapaskil na adds ng mga sumusunod:

Breast Augmentation – Pagpapadagdag ng dibdib (ng laki ha! hindi ng bilang, pero pwede rin sigurong magpadagdag talaga ng dibdib kung trip mong gawing tatlo ito)

Hindi ko alam pero sa tuwing tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, lagi talagang pumapasok sa isip ko ang “what if mas malaki dito ang boobs ko?” Siguro mega confident na ako sa sarili ko kapag ganun. Iba pa rin syempre yung may makikitang cleavage o may mga nakasilip na cleavage diba? Aminin man natin o hindi seksi ang dating nito.

Pero dahil sa hindi ako pinagpala, ewan ko ba kung bakit at nasaan ako habang namomodmud ang diyos ng mga suso at medyo napag iwanan ata ako sa pansitan. Pero ganun pa man kahit papano hindi ko rin naman masasabing naging mas mapalad ang may malalaking dibdib kesa sa akin, naniniwala pa rin akong beauty is relative, ibig sabihin kung lahat ng kamag anak mo maganda natural maganda ka rin! Dahil kung hindi malamang ampon ka neh!

Breast Reduction – Syempre pagbabawas ng laki ng dibdib. Para ito dun sa mga anak ni Eva na masyadong pinagpala na halos lumuwa sa kanilang mga suot ang kanilang dibdib . Parang laging naghuhumiyaw ng “get me out of here now na!”

Hay naku, kailangan pa bang pag aksayahan ng effort itoh? Malamang kung meron mang nagpapabawas ng dibdib, siguro kokonti lang sila. Unless nalang kung talagang gabundok na ang suso mo at sa tuwing maglalakad ka eh yung tits mo nakaharang na sa mukha mo diba? Wala naman sigurong ganun, bakit kaya may breast reduction pa?

Liposuction, Nose Lift, Face Lift at kahit anung gusto nyo pang ipa lift gamit ang fork lift! At syempre ang pinaka nakakalokang VIRGINITY RESTORATION na itoh!

Syempre halos naloka naman ako sa mahal ng presyo ng operasyon dito sa pinas umaabot sa 30 to 50 thousand ang halaga ng pagiging virgin ulit.

Imagine magbabayad ka ng ganun kamahal para lang makapag emote ulit ng “aray! Dahan dahan lang please…” Pero katulad ng dapat mangyari matapos ang unang pagniniig kuno eh balik na ulit sa normal. So ang gagawin mo mag-iipon ka nanaman para magkapera sa susunod na operasyon, eh kung mag muscle c**t**l ka nalang kaya ate?! Duh.

5 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

'ewan ko ba kung bakit at nasaan ako habang namomodmud ang diyos ng mga suso'


sana nakanganga ako habang nangyari yun hahahahaah

TheCoolCanadian ayon kay ...

Binibining Klitorika:

Huwag ka na kasing mabuwisit sa utak ng mga kalalakihan. Kung nagpapa-LANDSCAPE ang mga kababaihang binaggit mo, may mga baliw ring mga kalalakihang nagsa-submit sa PENILE ENHANCEMENT SURGERY. O, laban ka rito? Biruin mong hiwain ang pubic area para ibaba ang 2 inches na nakatago para humaba pa ang ari? Di ba't kabaliw ito?

Funny how in the western world, men don't look for virgins. I certainly don't.

KLITORIKA ayon kay ...

Randy Kahit kelan talaga baliw ka! manyak! hehehe.

KLITORIKA ayon kay ...

Mr Cool Canadian... may ganun? Well hindi na masama ang dagdag na two inches he,he

goyo ayon kay ...

aray..