Naranasan nyo na bang mag-mahal? Ako naranasan ko na, sa katunayan maraming beses na. At habang dumarami ang mga taong minamahal ko at nagmamahal sa akin,lalo lamang tumitindi ang kalungkutan ko at hangarin na tapusin na ang mapait na buhay na dulot ng pag-ibig.
Sino nga ba ang taong una kong minahal? Syempre ang una kong nakagisnan dito sa mundo ang mga magulang ko. Mahal na mahal ko sila at doble ang pagmamahal na ibinigay nila sa akin. At dahil sa pagmamahal na ito ng magulang sa anak, hindi ko lubos na naranasan ang maging isang tunay na paslit! Ang maglaro hangang sa gusto ko at pumunta sa mga lugar na gusto kong puntahan. Dahil sa pagmamahal na ito ng tinatawag nating magulang nagawa nilang ipagkait sa atin ang kalayaang tuklasin ang mundo sa sarili nating paraan.
Dumarating sa puntong ang mga anak ay mapipilitang pumunta sa malalayong lugar upang mag-aral o mag-trabaho at mapalayo sa kanilang mga magulang sa mahabang panahon. At dahil mahal ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ganun din ang mga magulang sa anak walang ginawa ang bawat isa kundi ang magmukmok at umiyak sa pangungulila. Kitam! walang naidudulot ang pag-ibig kundi puro luha at sama ng loob.
Kapag dumarating naman sa puntong naibsan o nakalimutan mo na ang pangungulila sa magulang, may mga tao namang darating para guluhin muli ang mapayapa mo nang mundo. Magkakaroon ka ng crush! at maiinlove ka sa isang mapagbalat-kayong sugo ni satanas! Magkakaroon ka ng boyfriend na mamahalin mo "raw" at magmamahal din "daw" sayo; na magdudulot ulit ng panibagong kalungkutan, gulo at insecurity sayo! Ang away sa pagitan ng mga magkasintahan ay hindi na bago sa ating lahat, at ang malala pa nito minsan dumarating sa punto na isa o silang dalawa ay mapapatay dahil sa tindi ng pag-ibig sa isat-isa!
Kung hindi nyo naman napatay ang isat-isa sa dami ng mga naging away nyo, syempre pa magpapakasal kayo! At magkakaroon ng anak, madadagdagan muli ang mga taong mamahalin mo at syempre magdudulot na panibagong sakit ng ulo. Dahil sa may mga anak na kayo, marami na kayong hindi ma-e-enjoy, at mababawasan na rin ang panahon at oras nyo sa isat-isa. Dahil sa pagmamahal mo sa anak magiging losyang ka at ma-i-insecure hangang sa iwanan ka ng asawa mo! Na magdudulot nanaman ng panibagong pait, kalungkutan hangang sa dumating ang panahong gusto mo na lamang mamatay!
Sasabihin nila may mga kaibigan namang magmamahal at dadamay sayo sa oras ng iyong pag-iisa. Siguro totoo nga, pero kadalasan kung sino pa ang mga taong pinagkatiwalaan mo minahal at itinuring na kaibigan ay sila pa ang unang manloloko sayo.
Talagang walang maidudulot na maganda ang pag-ibig! hindi nyo ba napapansin habang dumarami ang mga taong minamahal mo at nagmamahal sayo, nadadagdagan din ang responsibilidad mo sa ibang tao, natatali ka at halos umikot na ang buhay mo sa kanila, nawawalan ka ng kalayaan at oras para sa iyong sarili. Hangang sa dumating ang panahong makakalimutan mo kung sino at ano ka nga bang talaga, at ano nga ba ang kaluhugan ng kalayaan at tunay na pag-ibig.
O, huwag nyo masyadong seryosohin at nagbibiro lang ako! As in Joke! Joke! Joke!
1 komento:
Hello.. I am Indra... I from Palembang, Indonesian Countries..I happy to have you read the blog ..
you have a good blog . I happy with you. one-time visit my blog
Mag-post ng isang Komento